50. The Revelation (PART 1)

190 9 0
                                    

[ Yana ]

In shock parin ako sa mga nangyari sa'min ni Andrei at kabado parin ako. Gano'n ba kaluwag ang security sa hotel na 'yon para may biglaan na lang pumasok na walang pahintulot?. Out of all the days naman kasi na pwedeng magkaro'n ng gano'ng gulo sa isang lugar, bakit ngayon pang ando'n kami ni Andrei?. And to think that it was on live broadcast was way too much for us to handle.

Sa sobrang takot marahil namin ay napagkasunduan na lang na ihatid na muna ako sa bahay namin dahil talagang pareho kaming in shock at naguguluhan sa mga nangyari kanina.

Tahimik kaming sumakay sa sasakyan niya at nag byahe. Walang ni isa sa'min ang gusting kumibo at pag-usapan ang mga nangyari.

Napabuntong-hininga na lang ako't tumitig sa labas ng bintana, ngunit nakatitig man ako doon ay lutang naman ang isip ko. Nagpa-flashback parin kasi ang takot at kaba pati narin ang mga sinabi sa'kin ng matandang babae.

Mamamatay?. Ako kaya ang sinasabi niyang mamamatay o si Andrei?. At sino nga kaya ang matandang babaeng 'yon?. nag uunahan ang mga tanong sa isip ko, parang sasabog na ang utak ko sa pag-iisip ngayon pa lang.

Sa lalim nga ata ng iniisip ko'y 'di ko na namalayang kumilos pala si Andrei at hinawakan ang aking kamay na dahilan upang 'di maiwasang mapapitlag ako. O siguro'y iyon na ang tinatawag nilang after shock matapos ang isang 'di maganda o nakakatakot na pangyayari sa buhay ng isang tao.

Sumuliyap si Andrei sa gawi ko na para bang gusting itanong sa'kin kung okay lang ba 'ko o kung may gusto ba 'kong sabihin sa kaniya.

"Okay lang ako. Don't worry". I assured him para 'di na siya mag alala pa't i-focus na lamang sa pagmamaneho ang tingin.

Napabuntong-hininga na lang siya at nagbalik ang tingin sa harap ng kalsada ngunit nararamdaman kong pinipisil-pisil niya ang aking kamay na para bang ibig sabihin ay 'wag akong mag alala. And I don't know why but his hand holding mine right this moment feels like I'm safe with him, at para bang bigla akong unti-unting kumakalma dahil dito...no, dahil sa kaniya.

Yung simpleng hawak niya sa kamay ko, nakakagaan na sa loob at kakatuwa pang ni hindi ako ngayon nagagalit sa tagal nang pagkakahawak ng aming mga kamay. And if this was just those ordinary days, baka nasapaka ko pa siya.

Napatingin ako sa gawi niya't pinagmasdan siya habang nakatuon parin ang kaniyang mga mata sa kalsada. Ngayon ko lang din tuluyang napagmasdan ang itsura niya, at para ngang mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko habang tinatagalan ko pa ang pagtitig sa kaniya.

Ang swerte ko nga siguro kung kami na lang. Sana kami na nga lang talaga.

Hindi Yana!. Walang kayo!. Hindi dapat maging kayo!. Hindi mo dapat iniisip ang ganyang mga bagay!. tudyo ng utak ko. Hindi pa nga kayo tapos sa problema ninyo ngayon, gagawa ka na naman ng problema sa sarili mo!. Tigilan mo 'yan dahil mali. Maling-mali!.

Napapikit na lang ako't akmang aalisin na sana ang pagkakahawak ng aming mga kamay nang biglang mag-ring naman ang cellphone ko.

Napasulyap siya sa'kin at parang on cue na kusa siyang bumitaw sa pagkakahawak sa'kin at nagpatuloy lang sa pagmamaneho habang ako nama'y sinagot na kaagad ang tawag.

Forever-Together (FOREVER LOVE series: Book 1) -COMPLETED-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon