Chapter 8: Analytical Melancholy

Start from the beginning
                                        


Sa magkabilang gilid naman ni Diana ay nakaalalay sina Abby at Leonard. Nasa likod naman ni Eric si Alvin at nakatingin din kay Diana.


"Whoooo! Diana!"


"We love you!" sigaw ng mga tao sa labas ng gusali ng Reiheart. Dala na ng iba ang ilang mga placard at ang iba ay gumagamit ng hologram upang ipakita ang kanilang suporta.


"Salamat...salamat..."bulong ni Eric sa kanyang mga kasama. Kinamayan naman nila si Eric at muling bumaba sa stage at umupo. Hindi naman matigil ang mga palakpakan at mga bulong-bulungan.


Agad na napansin ni Eric ang pagkasilaw ni Diana dahil sa mga ilaw na nakatutok sa kanya at dahil na rin sa mga pitik ng ilaw mula sa mga camera.


"Is she okay?" tanong ni Senior Secretary McCoy. Tumango naman si Eric at lumapit kay Diana.


"Everything's fine. May I request to lower the volume of the light please. She is still adjusting to a new environment and setting. And I guess...the new crowd is overwhelming her. Thank you," wika ni Eric.


Nagpatuloy ang mga bulong-bulungan, natigil ang mga tao sa pagpalakpak at natulala lamang kay Diana. Hinawi niya ang liwanag ng ilaw gamit ang kanyang mga kamay. Makikita pa sa bawat gilid ng leather sheet ang mga bakal na parte ng kanyang mga daliri sa loob at ang tila asul na liwanag na lumlinya dito.


"Oh my God..." sambit ng isang reporter, nanlalaki ang kanyang mga mata habang nakatitig kay Diana.


"Sir?" sambit naman ng bodyguard ng CEO. Napatayo sa pagkakataong iyon ang Chief Executive na si Howard Stein. Tumitig din siya kay Diana at namangha.


"I don't believe this..." bulong niya.


"Now we are ready for the questions. If you want to ask her questions, please do so," wika naman ni Eric.


Tnanggal ni Diana ang kanang kamay na nakaharang sa kanyang mukha at ipinikit-pikit ang kanyang mga mata. Bawat mukha ng mga taong iyon ay nadedetect niya at kinikilala niya. Sa kanyang paningin ay may mga pulang kahon sa bawat mukha ng mga taong iyon at makikita niya ang kakaunting impormasyon na nakukuha niya sa web kung sino ang mga taong iyon.


"Diana. Ayos ka lang?" tanong ni Eric. Kinapitan niya pa nang bahagya ang bewang ni Diana nang siya ay tanungin. Tumingin naman si Diana sa kanya at tanging sa kanya lamang naging kulay berde ang kahon na nasa kanyang detection. Ang lahat ay kulay pula na maging ang kanyang mga ka-team ay pula ang kahon sa kanilang mga mukha.


"Okay. She seems fine. She is ready for your questions," wika ni Eric. Lumayo naman siya nang bahagya kay Diana. Inabot naman ng isang host ang isang mikropono sa eporter na nagtataas ng kamay.


"Thank you. My name is Carrie Weisz from Roman Network. If I may ask Diana, What did you first see the moment you had the ability to think, or the moment you were self aware," tanong ng reporter na iyon. Napangiti naman ang iba pang reporter sa ganda marahil ng kanyang tanong.


"Light...I saw a light. White and pure...the I saw a face," sagot ni Diana.


Nakatingin lamang siya sa kawalan at iniisip ang kanyang mga nakita. Madlim sa una ngunit unti-unti ay nagkakaroon ng mga linya ng liwanag, umiikot hanggang sa sumabog ang puting liwanag...at ang mukha sa kanyang isipan.


"May I know who's face that is?" tanong muli ng reporter. Malumanay namang tumingin si Diana kay Eric at ngumiti. Napalunok namang nang kaunti si Eric at tumingin sa mga tao.


"Ohh. It's Engineer Eric. Okay," sambit ng reporter habang nakangiti.


"I was there. I was the one who did the first codes on her, to make her self aware that's why she saw me first," paliwanag naman ni Eic.


"Nexy question Diana. Were you built with human emotions. Or can you interact with us in a human way?" tanong ng isang lalaking reporter.


"What do you mean? The expanse of human emotion is very wide and almost infinite. How would one know? I'm - I'm confused," sagot ni Diana.


"The fact that she is confused with the question means...yes," sambit naman ni Eric. Nagtawanan ang iba pa at nagpalakpakan.


"Well yeah, technically she did, but the real question is...were you built to feel empathy? To care? To love? To love a human?" tanong muli ng reporter. Ang lahat naman ay tila nagbulungan, ang iba ay natatawa. Ngumiti na lamang din si Eric at ipinakitang may kumpiyansa siya sa ano mang itatanong ng mga taga-media kay Diana.


"Maybe? The fact that I was built to care for humanity, the fact that I existed to assist humans...maybe, maybe I know what love is," sagot naman ni Diana.


Napasimangot naman ang ilan sa mga staff na nakaupo sa unahan at tumingin kay Eric. Maging si Eric ay nagsimulang magtaka. Tumingin siya kay Diana at maging sa mga taong tila naguluhan sa isinagot ng prototype. Nagsimula namang umingay sa loob ng hall, maging si Diana ay tila hindi naintindihan ang nangyayari. Napapailingsiya at napapaatras.


"Anong nangyayari?" tanong naman ni Alvin sa kanyang communicator. Kumibit balikat na lamang si Eric at pinipilit na lamang na ngumiti.

D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)Where stories live. Discover now