Moving On -- An After Break Up Story (Part 3)

Start from the beginning
                                    

"Adie, sorry na. Are you mad at me?"

Hindi ako nagsalita.

"Adie?"

"Adie. Nahihiya talaga ako eh."

Puro hangin lang ang narinig ko for 5 minutes. Pero hindi ko maibaba ang telepono.

"I love you."

Nag I love you na si Keith sakin! For the first time tumawag sya at nag I love you sakin! Sobrang kinilig ako. Ansaya. Ansaya-saya. 

"I love you too. Sige. Tulog na tayo."

At noong gabing yun, I swear to God, ansarap ng tulog ko.

After a month ng relationship namin, napag-isip-isip ko na kailangan naming magkita ulit ni Keith. Hindi dahil sa wala akong tiwala sa kanya dahil malayo sya. Gusto ko lang talaga syang makita.

"Boo, kelan ka free? Punta ka naman sa school oh. :-)"

"I think I'm free this weekend. I'll try okay? :-)"

At pumunta nga sya. Kahit wala kaming pasok, idinahilan ko sa parents ko na may project kami na kailangang gawin sa school. Para makapunta ako. Sa mall malapit sa school kami nagkita. Hindi ko ugali ang mag-sinungaling pero  gusto ko talagang makita si Keith. Awkward kami noong una. Kasi first time namin magkita since we first met tapos kami na. Hindi ko alam kung paano ako kikilos. Awkward silence for the first few hours. Pero naging okay na din noong masanay na kami sa presence ng isa't isa. Sobrang saya nyang kasama. Hindi nya ata binitawan ang kamay ko the whole time na magkasama kami. Kulang na lang sumama sya sa comfort room noong naihi ako. Buong araw kami magkasama. Kaso dumating din yung time na kailangang umuwi na sya.

"Boo, I have to go. It's nearly 6 PM."

"Oo nga eh. Baka gabihin ka. Mahirap na."

Naglakad na kami papunta sa parking lot ng mall. May sarili ng kotse si Keith at the age of 16. Hindi ko nga alam kung bakit hindi sya nahuhuli pag nagmamaneho sya.

"Mag-da-drive ka? Ingat ah. Wag kaskasero."

"Yes boss."

"Bakit hindi ka nahuhuli ng pulis kapag nagda-drive ka eh underage ka pa diba?"

"I don't know. It's a good thing na I don't get caught nga eh. Why? Gusto mo ba akong mahuli ng pulis?"

"Hindi naman. Nagtatanong lang. Alam ko na kung bakit hindi ka hinuhuli ng pulis."

"Bakit?"

Natawa ako bigla.

"Why? What is it? What's so funny Adie?"

"Kasi hindi ka na mukhang 16. Mukha ka ng.... TATAY."

Tumawa ako ulit.

Akala ko magagalit sya, tapos tumawa na din sya. Tawa kami ng tawa hanggang sa makarating kami sa tabi ng kotse nya. Hindi ko alam kung paano ako magpa-paalam sa kanya. Ang totoo kasi nyan, ayokong mag-paalam sa kanya.

"I have to go Adie. Take care okay?"

"Sige. Ingat ka din."

Tumalikod na sya para buksan ang pinto ng kotse nya. Naisip ko na hindi sya pwedeng umalis hanggat hindi ko sya nayayakap.

"Keith."

Humarap sya sakin.

"I love you."

Sabay yakap ko sa kanya. Ansarap sa feeling. Yung parang kinukuryente ang buong katawan mo. Ganun.  

"I love you too Adie."

Mga 5 minutes kaming magkayakap. Kaso biglang tumunog ang cellphone ko. Bwisit na cellphone. Panira ng moment. Nag-text na ang nanay ko.

"ADELAIDA. Nasaan ka na? Umuwi ka na."

Adelaida ang tawag sakin ng nanay ko pag galit na sya. All caps pa. Kaya napilitan akong umuwi na.  Hindi ako maihahatid ni Keith samin dahil gagabihin sya sa daan.

Sumakay na si Keith sa kotse nya. Pinaandar na nya yung makina, pero binaba nya yung salamin.

"Adie, mukha ba talaga akong tatay?"

Natawa ulit ako. Tawang may kuryente. 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

Hello! Salamat po sa mga patuloy na bumabasa sa story na 'to. I appreciate it. Napansin ko lang po na maraming nagtatanong kung kailan maipopost ang next parts at ibang new stories so gumawa po ako ng Facebook Page:

https://www.facebook.com/StephJaurigueWattpad

Dyan po mapopost lahat ng bagong updates tungkol sa lahat ng stories! :) Pwede po kayo magpost ng stories at character requests dyan. Thank you! :)

-- StephJaurigue. xx

Moving On -- An After Break Up StoryWhere stories live. Discover now