Epilogue

20 3 2
                                    

Third Person

Ala-una ng madaling araw pero hindi mapakali si Lori, hindi rin siya makatulog. Hindi kasi siya makapaniwala na nasakabilang kwarto yung long-time crush niya na pinangalan sa kulay na si Turquoise.

Iniisip niya palang 'yun ay hindi siya makahinga kaya naman agad siyang lumabas, nagtungo sa veranda upang magpahangin pero laking gulat niya ng makita niya si Turquoise na nasapinakasulok at may kausap sa telepono. Mukhang hindi rin siya napansin nito.

"Yeah. Ayos lang naman."

"Pero bakit di mo sinabi sakin na sa Quizata ka?"

"Ayaw lang kitang istorbohin. Alam ko namang madami kang inaasikaso..."

"Sabagay, pero kailan ka ba naging istorbo sakin? I love you."

"Sige, goodnight. Antok na ako." At pinatay niya ang tawag.

Napaisip si Lori, halata naman kung sino ang kausap ni Turquoise. Si Nin.

Tila kusang kumurba ang mga labi niya ng maalala na walang I love you too na nakuha si Nin. Ang sama niya atang kaibigan, minsan lang naman.

Nagulat siya ng lumingon ito sa kaniya, at halos pareho lang rin sila ng reaksyon.

Sumimghap si Lori at umupo sa kabilang dulo ng veranda. Ganon rin sa Turquoise, ngunit dahil hindi naman kalakihan ang veranda ay dalawang metro lamang ang pagitan nila.

Ito nanaman yung kaba kay Turquoise, nandiyan nanaman kasi si Lori. Si Lori, si Lori na nagpapabilis ng tibok ng puso niya. Si Lori na nagpapakaba sa kaniya.

"Turquoise..." tawag niya rito. Agad na napalingon ang lalaki at napatitig kay Lori.

"Hm?"

"Masaya ka ba kay Nin?" Tanong nito, at nakayuko. Hindi tuloy maaninag ni Turquoise ang itsura ni Lori.

"Bakit mo naitanong 'yan?" Tanong pabalik ni Turquoise.

Sumagot si Lori ngunit hindi pa rin nagaabalang itaas ang tingin.

"Para alam ko kung titigil na ba ako."

Hindi sumagot si Turquoise.

Ayaw sumagot ni Turquoise.

Kasi alam niya, tratraydurin siya ng sarili niya.

"Lori... I don't deserve you." Bulong nito pero sapat na para marinig ni Lori.

"Bakit, bakit ba yan lagi sinasabi mo... pwede mo naman ako diretsahin kung ayaw mo." Narinig niya ang munting paghikbi ng dalaga.

"Hindi kita ayaw. Sadyang bawal lang talaga."

Tumangi lamang ito at nagpatuloy na humikbi.

"B-Bakit bawal?" Tanong muli nito.

"Si Nin."

Hindi na nakapagpigil si Lori at agad na tumayo ngunit mas mabilis kumilos si Turquoise at agad na nahila si Lori at niyakap mula sa likod.

"Tangina naman oh..." bulong ni Lori at lalong umiyak.

"Lori I'm sorry. Gusto kita. Pwede bang akin ka muna? Pwede bang maging selfish? Ngayon lang, please." Bulong ni Turquoise kaya naman hinampas siya ni Lori.

"Bakit ngayon lang, ayaw mo bang panghabangbuhay?" Tanong muli ni Lori kaya naman may maliit na ngiti ang sumilay sa kaniya.

"Grabe, speed." Natatawang sagot niya at pinunasan ang munting mga luha sa pisngi ni Lori.

"Pero Turquoise..."

Nilingon siya ni Lori at niyakap pabalik. Ibinaon ni Lori ang mukha sa dibdib niya at hinigpitan ang yakap. Tila naestatwa si Turquoise dahil sa gulat.

"Mahal kasi kita." Bulong nito.

"Sabi mo... gusto mo ako, siguro gusto mo lang ako, pero, pero bakit sa akin tumitibok 'yung puso mo?"


Hard To Love; FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon