44

19 3 1
                                    

Third Person

Madilim na ng nakauwi si Hyla. Katahimikan ang sumalubong sa kaniya pagpasok ng bahay. Si Turquoise na busy sa laptop nito, at si Lori at Ana na nanonood lang ng drama sa flatscreen.

Pumalatak si Hyla para kunin ang atensyon nila. Una siyang napansin ni Lori kaya naman agad itong tumakbo papunta sa direksyon niya at niyakap siya.

"Omg ate! Thank you talaga sa pagpapatuloy sa amin dito. Halos isang linggo rin." Masayang sambit ni Lori kaya naman tumawa siya at sumagot.

"Nako okay lang, saka para naman may kasama rin si Turquoise." At pasimple niyang inismiran si Turquoise na nakasimangot.

Kupal ka, gusto mo rin naman. Nasabi niya nalang sa isipan bago niyakap pabalik si Lori.

Si Lori, si Lori na hindi alam kung paano niya na kaya na hindi picturan, takbuhin, yakapin, at pupugin ng halik dahil sa harap niya lang ito, pero napigilan niya ang sarili.

Isang malaking achievement! Congrats Lori!

"Ay ate, hindi kami nakapagluto o nakapagsaing eh..."

Ngumiti si Hyla at itinaas ang dala, chicken wings is life nga naman talaga. Paborito nilang lahat.

Pumalakpak si Lori at Ana, si Turquoise naman ay nagpipigil ng ngiti, kupal talaga.

"Ihahanda na po namin yung hapag-kainan!" Sigaw ni Ana mula sa kusina.

"Kayo na bahala diyan!" Sigaw ni Hyla pabalik at tinitigan si Turquoise.

Si Turquoise na nanlalamig kanina pang tanghali. Bakit kaya? Malamang kinakabahan sa kung anong dahilan. Siya rin si Turquoise na nahihiya, bakit? Kay Lori.

Presensya palang ni Lori, kinakabahan na siya, tuwing nahuhuli niya itong nakatingin sa kaniya, gusto niyang magpalamon sa lupa.

Pero bakit nga ba talaga?

Napailing siya.

Tumawa si Hyla dahil sa itsura ni Turquoise. Halatang hindi nito alam ang gagawin. Tama nga lang naman.

"Ate Hyla, kain na po tayo." Nakangiting sabi ni Lori sa harap nila, pasimpleng sumusulyap kay Turquoise, at si Turquoise na nasalaptop pa rin ang atensyon.

"Ako? Hindi mo ako aayain na kumain?" Tanong nito bigla. Napapitlag si Lori sa gulat at bumuntonghininga.

"Ako? Hindi mo ba talaga ako magugustuhan?"

Hard To Love; FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon