Chapter 36: Delicioso

ابدأ من البداية
                                    

I check the time, exact 9 pm in the evening. Paakyat na ako ng room ng mapansin ang isang babae na nakatayo sa di kalayuan, tila nakatanaw siya sa akin then nakacross arm pa. Sinipat ko kung sino, pero dahil mas maliwanag sa kinatatayuan ko at madilim sa kinatatayuan niya nahirapan ako masyado kaya lumapit ako ng kaunti. Ngunit umalis na din siya maya maya.

Napahinga na lang ako ng malalim, siguro naman nakauwi na silang lahat. Kasi kung wala pa rin sila hanggang ngayon hindi ko na alam ang gagawin para maiba ang atensyon ko.

I was about to press the button of the elevator when I heard Ela's voice, tila may kausap siya.

"I'm not fool Jane." So si Jane pala ang kausap niya.

"Sorry Ela, but I can't do this. Sinunod ko naman ang sinabi mo diba? Buong araw ko siyang hindi pinansin, then what ito na naman isa na namang favor." Teka ano? Tama ba ako sa narinig ko?

"It's not a favor Jane, I just said that stay away from her. If you don't want to do it, I'll do it myself. Kilala mo ako Jane kung anong gusto ko nakukuha ko especially now because I am the heart of Miss Hikari's company."

"I don't care if you are the heart, but remember Kai is the backbone. You can't stand alone without her." Tumahimik ang pag uusap nila ng sinabi iyon ni Jane. Ano ba kasi ang pinagtatalunan nila maliban sa pag utos ni Ela kay Jane na iwasan ako?

"I warned you Jane." Rinig kong sambit ni Ela. Narinig kong may mga yabag patungo dito sa kinatatayuan ko kaya pasimple akong tumago sa isang malaking halaman dito sa tabi ng elevator and lucky me because my bathrobe is black so mahihirapan aninagin ang suot ko.

Si Ela ang sumakay sa elevator, pagkasara ng elevator ay napansin kong dumiretso na siya sa floor namin. Lumabas ako mula sa pagkakatago ko, nakatayo lang si Jane na tila sobrang lalim ng iniisip, hindi kaya sobrang hirap naman yata ng pinapagawa sa kanya ni Ela kaya ganoon na lang siya magreact.

"You can come out na." Nagulat ako ng marinig iyon mula kay Jane, paano niya.

"I saw you at the pool, and I know you are going upstairs. Kaya itinaon kong marinig mo ang pag uusap namin." So siya pala yung babae kanina.

"Sorry I did not mean it."

"It's fine, I'm just a little worried kasi narinig mo iyon mula kay Ela." Kahit kasi ako hindi makapaniwala sa mga binitawang salita ni Ela.

"Pwede mo ba akong samahan?" Magtatanong pa sana ako kung saan pero bigla niya akong hinawakan sa kamay at bumalik sa pool. Naghubad siya sa harap ko at agad na lumusong sa pool. Tila nakainom si Jane, amoy na amoy ko kasi ang Margarita mula sa kanyang mga hininga.

Pinanood ko lang siya sa paglangoy niya. So yung kanina pala utos sa kanya ni Ela, kaya pala ganoon na lang ang pakikitungo sa akin ni Ela kanina. Kahit nainis ako kay Jane kanina nawala iyon ng muli ko siyang makita, then kasama ko pa ngayon. Napansin ko ang isang baso sa tabi ng pool, nakalimutan ko palang ubusin ang fruit cocktail ko, then napansin din iyon ni Jane kaya agad niyang kinuha at inubos. Nagmarka ang lipstick niya sa baso, then napabaling ang atensyon ko sa mga labi niya. Teka bakit sa labi niya ako nakatingin? 

"Delicioso!" She said, so spanish lang ang peg.

"You know what, I miss your Spanish accent." Sabi niya, umahon siya at umupo sa edge ng pool, habang ako nakaupo din. Lumapit siya sa akin at tinitigan ako, hindi naman ako pumalag kaya nakipagtitigan din ako.

"You are beautiful Kai, no matter what Ela says about you and Racel I still love you." Teka ano daw? About me and Racel? At ano naman ang mga pinagsasabi ni Ela about sa amin ni Racel? Naku girl, yang best friend mo di ko na matitimpi yan. Tutya ng isip ko.

"Hindi ka ba nilalamig?" Tanong ko naman sa kanya.

"No, pero ng itanong mo yan parang gusto kitang yakapin." Imbes na magreact ako ay tila naramdaman kong gumuhit ang ngiti sa aking mga labi.

"So, can I?" She asked, then I automatic agree to her. Niyakap niya ako after that, hindi ako pumalag kaya nakakapagtaka lang. Kahit may suot akong bathrobe ay ramdam na ramdam ko ang mga dibdib niya sa akin. No way? What am I thinking right now? Gusting gusto mo naman? Tutya ng isip ko.

"I'm sorry but I need your body heat." Nagulat ako sa sinabi niya, napansin kong nangangatal na siya ng humiwalay ako sa pagkakayakap ko sa kanya. Teka hindi naman malamig kanina ah?

"Just try this robe it can help." Nang tinanggal ko ang pagkakatali ng robe ay agad akong niyakap ni Jane. Nakabukas ang robe ng yakapin niya ako, ramdam kong nagsalubong ang mga dibdib namin sa isa't-isa. Nagulat na lang ako ng binuksan ko ng malaki ang robe at ibinalot ang natitirang tela sa kanya. Bali naghati kami sa robe na suot ko.

"Kahit hindi mo ako mahalin pabalik maiintindihan ko, I know you are not into girl but I know that you have a little feelings for me. Please just a little." Ilang beses ng nagcoconfess si Jane sa akin pero bakit sa tuwing sasambitin niya iyon, palagi akong natutulala at walang maisagot sa kanya.





.

.

.

.

.

.

.

.

.

A/N: Time is Gold, my lifetime motto. 4pm ang pasok ko sa work today, kaya I spent 3 hours to compose this another chapter. Hindi kasi ako nagdadraft, kung anong sumagi sa isip ko yun lang ang itataype ko then papalawakin. Guys enjoy this chapter.





It's Complicatedحيث تعيش القصص. اكتشف الآن