"JOKE LANG! JOKE LANG! Okay lang ako." Sabi niya at nagflying kiss sakin. Magkatapat kasi kami.

Napatingin naman ako kay Kris na nasa tabi niya at kanina pa walang tahimik.

"Okay ka lang Kris?" Tanong ko sa kanya. I saw his jaw hardened at sinuot na lang ang earphones niya. Sus. Alam ko namang hindi nagp-play ng music yan.

Meron kasing sariling dictionary ang mga taong cold. At ang ibig sabihin ng pagsusuot ng earphones ay 'don't talk to me'. I should know. I always do that.

"It must be really hard for him." Bulong ni Abby at napatingin kami kay Hillary.

"Okay ka lang?" Tanong ni Joseph sa kanya.

"To be honest, hindi. Selfish na kung selfish pero sana hindi na lang dumating si Shin." Mahina niyang sabi at biglang hinampas ni Kris ng malakas yung table.

Mabuti na lang at kami lang ang tao dito.

"What did you say?" Nanggigil niyang tanong kay Hillary.

"Hey Kris, don't tell me papatol ka sa babae?" Gulat na tanong ni Kysler.

"I'm not afraid to be a jerk for Shin." Sabi niya at tumingin ng masama kay Hillary at padabog na umalis sa cafeteria.

"Hayaan mo na lang muna siya. Mainit lang yung ulo." Nakangiting sabi ni Aira. Nakatingin lang ako sa kanya. This time I'm on Kris' side. Hindi naman niya kasi pag-aari ang Pilipinas and as far as I know walang sila ni Kris.

"I just don't get it. Bat' nung bumalik lang si Shin naging cold na siya? Pero tuwing gabi naman tinatabihan niya akong matulog. He's giving me mixed signals for the past two weeks. Ano 'to rebound lang ako?" Galit niyang sabi pero naluluha na siya.

Magsasalita na dapat ako pero tinakpan ni Edward ang bibig ko.

"Tara lakad-lakad tayo." Yaya niya sakin at hinila na ako palabas.

"Why did you do that?" Tanong ko sa kanya.

"The girl is hurt already. Wag mo nang dagdagan. Let them mind their own business." Sabi niya at napahinga ako ng malalim.

Ano pa nga bang magagawa ko? Hinila na niya ako palabas eh. Alangan namang bumalik pa ko sa loob sabihin lang yung gusto kong sabihin. I'll look like a warfreak.

"How about you? Sigurado ka bang okay ka lang?" Tanong niya sakin at tumango ako.

"Buti na lang bakasyon na." Sabi ko. "Pano mo yan sasabihin kila tita?" Tanong ko.

"Sasabihin ko umatake yung Grand Skull pero ayos lang tayo dahil sa mafia leader natin. I owe her my whole life." Naiiling niyang sabi.

"Ah. Oo nga pala. Alam ni tito yung sa gang mo."

"He was once the leader."

"What? You never told me that."

"You never asked." I rolled my eyes.

"So kailangan tatanungin ko muna? Hindi pwedeng ikaw yung mago-open?" He nodded. Hahampasin ko na dapat siya sa balikat kaso naalala kong may tama siya ng bala.

"Pagalingin mo na nga yang sugat mo ng mabilis. Hindi kita mahampas." Sabi ko sa kanya.

"Sus worried ka lang sakin eh." Pang-aasar niya.

"Worried my ass." Sabi ko at nakarating na kami sa labas ng ER.

"Nasa loob pa din si ate Shin, kuya?" Tanong ko kay kuya Jin at tumango ito.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt