TGP 12

2.1K 39 0
  • Dedicated to All Of My Readers! :)
                                    

April's POV

Makalipas ang ilang minuto ay nakabalik na si Edward at clubhouse nga ang binili niya. Yay!

Kinuha ko na sa kanya yung tray at saka nagsimula nang kumain.

Habang kumakain ako ay napansin kong hindi kumakain si Edward.

"Bat' di ka kumakain?" Tanong ko sa kanya.

"Eh kinakain mo na eh. Share dapat tayo diyan. Pero ayos lang." What? The? Hell?

"Seryoso ka? Bakit hindi mo sinabi kaagad? Oh." Sabi ko habang nilalagay sa gitna namin yung tray.

"Wag na. Okay lang. Di naman ako masyadong gutom." Pero pagkasabi niya nun ay narinig kong nagreklamo yung tiyan niya sa sinabi niya sa akin.

"Hindi gutom huh. Wag ka nang pabebe. Baka mamaya magkasakit ka pa." Sabi ko sa kanya at nagpatuloy nang kumain.

"Yie. Concerned si April." Pang-aasar ni Kylser pero inirapan ko lang siya. Sana naman hindi halatang namumula ako no?

"Bat' ka namumula?" Tanong sa akin ni Edward.

"M-mainit." Naiilang kong sagot sa kanya.

"Ang lamig-lamig eh." Pagkontra naman sa akin ni Angel kaya inirapan ko na lang siya. Ang hilig manglaglag ng mga tao dito no?

"Hindi ka ba kakain? Ako kakain niyan." Pag-iiba ko ng topic.

"Sabi ko nga kakain na ako." Nakangiting sabi sa akin ni Edward. Anong nakakatuwa? Tss.

Natapos na kaming kumain at nagyayang magshopping sila Aira. Siyempre, first stop, shop ko.

Pumasok na kami sa Royalty Ace at sinalubong naman kaagad kami ng mga babaeng staff.

"Hi Ms. Torren, We're so happy that you stop by to visit us." Nakangiti niyang sabi sa akin pero tinanguhan ko lang siya. Wala ako sa mood makipagkamustahan. Hindi din naman ako ang nagmamanage nito. Sakin lang napupunta yung mga pera na kinikita.

"Sorry about that. She's not in her greatest mood." Paghingi ng tawad ni Aira dun sa staff at narinig ko naman siyang sumagot ng "It's okay ma'am. Enjoy your shopping."

Nagdirediretso ako at naghanap na din ako ng mga damit na pwede kong kunin.

Nasa Prince section ako ng store, it means, ang mga damit ay pang lalaki or medyo boyish. While Aira, Abby and Angel are in the Princess section na puro pangbabae naman yung damit. Pang teens sila by the way. Sa Queen and King section naman makikita yung mga pang may edad na na damit.

"April, VIP ka dito?" Inoseneng tanong sa akin ni Zack.

"I own this." Sabi ko sa kanya habang tinitignan yung t-shirt na may mandalas design.

"Sayong-sayo na yang t-shirt. Pero ano ka nga dito? Kasi parang napaayos sila nung pumasok ka." Pagong ba 'to?

"Like I said, I own this." Pag-uulit ko sa kanya na may halong irritation sa boses ko.

"Oo nga. Sayo na nga. Hindi mo naman sinasagot tanong ko eh." Pag-uuli niya pa. masasapak ko na 'to eh.

"Zack, I fucking own this place. Sakin ang Royalty Ace. Gets?" Sabi ko at tumingin sa mata niya ng diretso.

"Pano nangyari yun? Ang bata mo pa." Hindi makapaniwalang sabi niya sa akin.

"Regalo sa'kin ni daddy nung birthday ko last year. Pero hindi pa ako yung nagmamanage nito." Mahabang explanation ko sa kanya. Nangangawit na yung panga ko.

Umakto siya na parang may sasabihin pa kaya umalis na kaagad ako dahil ayoko nang umusap. Maawa sila sa panga ko, aba!

"Grabe mas successful pa yung mas bata sa akin. Nakakahiya. Magpakamatay na kaya ako?" Narinig kong sabi ni Zack sa sarili niya bago ako tuluyang makaalis.

Nung magbabayad na kami, bigla na lang nila ako napagdeskitahan na ilibre sa kanilang lahat yung binili nila.

"April, total ikaw naman ang may-ari nito, ilibre mo na kami." Nakangiting sabi sa akin ni Angel.

"Ikaw kanina mo pa ako pinagt-tripan hayup ka." Sabi ko sa kanya pero tinawanan niya lang ako. Tinignan yung mga bitbit nilang damit, sa isang tao pa lang baka damit ko na lahat yun sa isang buong bwan. Samantalang ako, Dalawang t-shirt at isang short lang ang binili ko. Maghihirap ako sa mga 'to eh.

"Sige na, ako na bahala." Sabi ko sa kanila at inabot ko na sa cashier yung ATM card ko.

"Nakakahiya naman. Wag na." Pabebeng sabi ni Angel sakin.

"Kung kelang nabawas na sa account ko. Sipain kaya kita?" Pabiro kong sabi sa kanya at nagtawanan naman sila. Makakabawi din ako. Humanda kayo.

Nang matapos kaming mag-shopping ay napagdesisyunan na namin na umuwi na dahil kalahati na ng araw at alam naming lahat na kalahating araw rin kaming matutulog at magpapahinga kaya napagkasunduan naming umuwi na.

The Gangster's Princess (COMPLETED)Where stories live. Discover now