“Tss. Okay fine! Ginusto mong malaman ito….Kath, hindi ko sinabi dahil may plano akong surpresahin ka. Balak kong magphotoshoot without telling you. Tapos kapag may billboard na ko, which is for sure magkakaroon, ipapakita ko sayo yun….Kaso nakita mo yung contact papers. Naging dahilan pa yun para mainis ka sakin. Kaya sorry. Yaan mo, hindi na kita isu-surprise ulit”

Iba na yung titig sakin ni Kathryn ngayon.

Halatang nagulat siya at speechless.

I just sighed tapos lumapit na ko sa kanya at niyakap siya.

“Babe, wag ka na magtampo. I’m really sorry. Bakit ba sa tuwing nagkakaroon tayo ng time sa isa’t-isa, yun pa yung mga oras na nagaaway tayo? Ayoko nito, itigil na natin please Kath. Parehas lang natin sinasaktan yung isa’t-isa. At dahil yun sa kulang tayo sa tiwala. Promise ko sayo, I’ll try to stop na maging sobrang seloso. I’ll talk to you first before accusing you”

“Daniel, I’m so sorry din. Tsk, ang shunga ko! Nagalit din ako sayo kaagad. At ang worst pa, na-cancelled tuloy yung surprise mo sakin. And I also promise na I’ll do the same. I’ll have trust on you. Promise”

Hinawakan ko yung mukha niya sabay hinalikan ko yung noo niya.

“This would be our last fight, okay?”

Tumungo siya then she hugged me back. “I promise”

Tinitigan ko muna siya before sighing.

Ito na naman kami, maghihiwalay.

Ang pinakamasaklap na oras ng buhay namin.

May pasok pa nga pala kasi siya…

Holding hands while walking na lang muna…Hehehe.

“Kath, anong oras ka uuwi?”


“Hmm? Di ko alam”


“May time ka ba mamaya?”


“Bakit mo naman naitanong DJ?”



“Tara, pakasal tayo”

Stuck Forever with You (Stuck Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon