XIV. Palpak

6.2K 140 11
                                    

“SHIT! URGHH!”Nasambit na lang ni Karla. Kanina pa siya paikot-ikot sa sala ng unit na inuupahan niya habang kagat-kagat ang dulo ng kuko, nag-iisip kung makikinig ba sya sa parte niya na nagsusumigaw na pumunta na siya kina Artemis.

Kanina pa siya hindi mapakali! Simula ng sabihin ni Artemis na nasa San Carlos ang ex ni Rafael ay para na syang sinisilihan sa puwet. Hindi nya alam kung bakit pero bawat segundong lumilipas na hindi niya nakikita si Rafael, pakiramdam niya, pagsisisihan niya!

Peste! Ayaw niya na magpakaipokrita! Pakiramdam niya talaga maaagaw ito sa kanya ng kung sino mang huklubang ex nito!

‘KARLA! FOCUS.ON.THE.DAMN.DEAL!’punung-puno ng awtoridad na sigaw ng rasyonal na parte ng utak nya.

‘HUHU’pagrereklamo naman ng puso niya.

Napanguso na lang tuloy siya sa frustration!

Ay, mababaliw na talaga siya!

Pilit nyang kinalma ang sarili sa pamamagitan ng paghinga ng malalim.

‘Okay, okay, stop panicking Karla’Sinikap niyang makapag-isip ng matino kahit na panay na ang ungot ng puso niya na sumugod na kina Rafael.

Okay. Una sa lahat, uhm-uhm..

Una sa lahat..

Shit! Wala siyang maisip!  

Napasabunot na lang si Karla sa sarili niya bago tumayo at dumiretso sa bag na kinalalagyan ng ilang mga baon na damit niya. Ano bang pwedeng maisuot? Iyong simple lang pero sexy naman ang dating?

Iyon kasi ang tipo ni Rafael.

Oo na, pupunta na siya sa bahay ng mga ito! Pero siyempre, sisiguraduhin niya namang may makabuluhan siyang magagawa sa pagpunta niya.

Tulad ng akitin si Rafael. Ha!

Napangiti na lamang si Karla habang isinusuot ang puting blouse na napili niya. Sisiguraduhin niyang manginginig si Rafael sa alindog niya. At sa paanong paraan niya pa nga ba magagawa iyon kundi sa pamamagitan ng paglalaro sa kahinaan nito bilang isang lalaki?

Mas lalong nag-igting ang ngisi ni Karla habang isinusuot niya ang maong short shorts niya. Patay si Rafael mamaya! Sisilawin niya ito ng legs niya hanggang sa manghina ito!

“Hahahahaha!”mistulang kontrabida sa teleseryeng tawa niya habang nagsisimula ng mag-apply ng manipis na make-up.

“Ah, Manong, alam nyo po ba kung saan banda yung bahay nina Mang Berting at ni R-Rafael?”tanong ni Karla sa nadaanan niyang matandang lalaking may dala-dalang panabong na manok.

“Ah kina Berting? Aba’y paroon!”tinuro nito ang lupang natataniman ng madami-dami ding puno.

The San Carlos DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon