Chapter 15: Between Mages

239 78 7
                                    

Chapter 15: Between Mages

Britt's Point of View

Malawak ang buong chamber kaya't napagdesisyonan namin na hatiin sa tatlo ang buong lugar upang mas mabilis naming mahanap ang dark mage. Ngayon ay naglalakad kami ni Joseph patungong hilaga.

"Eeeek."

Napatingin naman ako sa itaas at nakita ang ibong ibinigay sa akin ng council head na lumilipad sa himpapawid. Ang gabay na ito raw ang tutulong sa akin upang magawa ang misyon.

"Masaya siya." sabi ni Joseph sa gilid ko kaya napatitig naman ako sa ibon. 

Oo nga masaya nga siya. Parang ngayon lang siya nakalabas pang muli. Sinulyapan ko naman saglit si Joseph at nakita ang espada na hawak-hawak niya. Ewan ko ba pero minsan ayoko talagang makasama ang lalaking 'to. 

Kaya nga lang no choice ako ngayon. Gusto ko sanang makasama ay si Alison ngunit mas mapo-protektahan siya ni Lead kapag siya ang kapares nito kung sakaling may mangyari mang hindi maganda.

Napatingin naman ako sa mga mage na naglalakad at napapatingin sa aming dalawa ni Joseph. Kadalasan ay mga bata at matatanda na lamang ang mga nandirito kasi ang mga batang kailangan ng mag-aral sa academy ay hindi na dito tumitira.

Required talaga sa academy na ang bawat estudyante sa academy ay sa dorm na titira. For safety purposes na rin kasi.

"Brittney." sambit ni Joseph sa pangalan ko at sinamaan ko naman siya ng tingin. 

Hindi ko siya sinagot at itinuon na lang ang tingin sa bawat bahay, kastilyo at kubo na nakikita namin. Baka kasi sakaling makita at maramdaman namin ang isa sa mga dark mage.

"Brittney." tawag niyang muli sa pangalan ko ngunit hindi ko pa rin siya sinagot. 

Kaya ayaw ko sa lalakeng 'to dahil palaging nagpapapansin! Alam niyang ayaw kong tinatawag ako sa pangalang Brittney pero ginagawa niya pa rin.

"Ba't ba ayaw mo akong pansinin?"

Napairap naman ako sa kanya ng nakitang nakabusangot ang pagmumukha niya.

"Tinatanong pa ba 'yan? Hindi ba obvious?" sarkastikong tanong ko at tinaasan siya ng kilay.

Narinig ko namang bumuntong hininga siya. 

"Bakit ka ba ganyan sa akin? Okay naman tayo noon hindi ba?"

Pagkasabing-pagkasabi niya non eh agad akong napaharap sa kanya. 

"Yan ang problema sa'yo eh! Akala mo walang mali. Pero meron! Manhid ka lang talaga." sabi ko at binilisan na ang paglalakad.

Kung sana alam mo lang kung paano makiramdam eh sana okay tayo ngayon. Ilang minuto kaming binalot ng katahimikan. Wala rin naman akong nararamdamang kakaiba sa paligid kaya ng makita ko ang isang maliit na bench sa gilid ng daan eh umupo agad ako.

Kailangan ko lang ipahinga saglit ang mga paa ko. Madali kasi akong mapagod eh.

"Magpahinga muna tayo saglit." sabi ni Jospeh kaya tinangoan ko naman siya. 

Umupo siya sa tabi ko kaya umusog naman ako ng kaonti. Napansin niya yatang nilalayuan ko siya. Bahala siya. Tatayo na sana ako ng bigla kong narinig ang kakaibang tunog na ginagawa ng ibon. Hindi ito mapakali sa paglipad kaya nilapitan ko ito.

"Parang may problema. Ano ba ang gusto mong sabihin?" mahinang tanong ko sa ibon at inaalam kung ano ang ginagawa niya.

Nilapitan na rin ako ni Joseph at napansin naming kumikinang ang espada niya. Magsasalita na sana ako ng bigla kong naramdaman ang malakas na pagyanig ng lindol sa buong chamber. Sa sobrang lakas nito eh napatumba kaming dalawa.

Crimson Academy: The Hidden CharmWhere stories live. Discover now