Chapter 3: Enlightenment

225 99 69
                                    

Chapter 3: Enlightenment

Dalawang araw na ang nakakalipas matapos mangyari lahat ng kababalaghan na naranasan ko sa Arizon. Ipinaliwanag ni daddy sa akin ng mabuti ang lahat ng dapat kong malaman pero parang hindi pa rin nag si-sink in sa akin lahat. 

Akala ko nga ay joke time niya lang iyon pero hindi! Totoo talagang may mga mage, na isa akong aiona, na may kapangyarihan si daddy at si mommy na may rason kung bakit kami pinalaki rito sa mortal na mundo.

Ays! Napabuntong hininga na naman ako. Naalala ko pa kung paano kami bumalik dito sa bahay. Kung paano ipinakita sa akin ni dad ang lagusan papasok at palabas ng Arizon. At ang lagusan patungo rito sa mortal na mundo.

Nabanggit din sa akin ni daddy na kaya pala kami pinagtitinginan ng mga tao, ay este mga aiona sa Arizon ay dahil dekada na ng huli nilang masilayan na nagbukas ang pinto ng puno. Dahil hindi naman talaga sila nahihirapan pumasok sa Arizon gaya ng naranasan namin ni Clifford dahil may orasyon silang sinasambit upang buksan ang lagusan papasok sa Arizon.

At kapag nagbukas na ang lagusan isang hakbang mo lang ay makakapasok kana. Hindi gaya namin na pinahigop pa kami sa hangin, hinila pababa ng isang kahoy, pinalutang sa ere at hinulog sa damohan.

Napatingin naman ako sa bintana ng aking silid. Dalawang araw na rin pala akong nag mumokmok dito sa loob. Ewan ko ba pero parang hindi ko pa rin tanggap ang mga nalaman at nakita ko. Sinabi rin sa akin ni dad na hindi na ako papasok sa university as a freshmen student. Ewan ko ba! Wala na akong pakealam kasi nagugulohan pa rin ako eh.

Napatingin naman ako sa mga kamay ko nang maalala ang sinabi sa akin ni dad. Sinabi niya na malalaman at malalaman ko rin daw ang kapangyarihan ko sa takdang panahon. Pero nang sinabi niya iyon sa akin ay para bang binabagabag ako ng isipan ko kasi pakiramdam ko ay mayroon pa siyang itinatago sa akin.

Tinanong ko rin siya tungkol sa kung bakit siya tinatawag na Hari ni Brianna noong nandoon pa kami sa Arizon. Pero hindi niya ako sinagot ang sabi niya lang ay hindi pa raw ito ang tamang oras para malaman ko ang bagay na iyon at hindi naman ako manhid. I think siya ang sinusunod ng mga aiona sa arizon dahil nakikita ko talaga kung paano nila nirerespeto si saddy.

Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi ko na namalayang nakapasok na pala ang kapatid ko sa kwarto na kanina pa nagmamaktol kasi hindi ko pinapansin.

"Alison naman eh kanina pa kita kinakausap!" wika ni Milo sabay busangot sa akin. Kaya tiningnan ko naman siya at inirapan. Itong batang 'to talaga.

"Ikaw Milo ah! Hindi ba sinabi ko sa iyo na tawagin mo akong ate itong batang ito oo! At bakit ba kasi?" tanong ko sakanya sabay tingin muli sa bintana.

Marami akong iniisip atsaka wala pa ako sa mood para makipag-usap.

"Tinatawag ka ni mommy, sabi niya pumunta ka raw sa office ni daddy. Kanina ka pa raw nila kinakatok dito eh hindi ka naman nakikinig." aniya kaya bigla naman akong napatingin sakanya.

Ano na naman ang kailangan ni dad? Binigyan ko naman ng gesture si Milo na nagsasabing umalis na siya. Wala naman siyang iba pang sinabi at agad na ring lumabas.

Pupunta ba ako sa office ni dad? Pero hindi pa kasi ako handang bumalik sa Arizon. Ni hindi ko pa nga tanggap na may kapangyarihan ako kung meron nga talaga eh. I sighed.

Pero bahala na! Alangan naman mag mukmok lang ako habang buhay dito sa kwarto. Tumayo na lamang ako at inayos ang sarili ko. Kaya mo 'yan Alison hindi ka dapat mabahala.

Lumabas na ako sa kwarto at tinahak ang daan patungong kitchen kung saan naroroon ang banyo na ginawang lagusan nila dad papasok at palabas sa lugar ng mga mage. Sabi ni dad ay ginawa niya lamang front ang banyo upang maprotektahan ang lugar ng mga mage dahil kung may ibang makaka alam na may lagusan pala patungo sa Arizon ay baka raw magkagulo. 

Crimson Academy: The Hidden CharmМесто, где живут истории. Откройте их для себя