CHAPTER 1: The Planning

1.8K 75 39
                                    


CHAPTER 1: The Planning

CHAPTER 1: The Planning

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

SKYE


"How was it?" tanong ko kay Cliffer habang mataman niyang tinitingnan ang sketch ng female character na ipinakita ko.


Ilang minuto na rin siyang tahimik lang at nakatitig sa monitor ko. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan sa sasabihin niya dahil maya't-maya ang pagkunot ng noo niya at bahagyang pagkiling ng ulo na para bang hindi niya nagugustuhan ang nakikita niya roon.


I've known Cliffer Montalvo since we were in college. Not to mention that we were also classmates and partners in most of our major subjects in Arts for three years. Siya ang number one critic ko sa mga gawa kong drawings noon pa man. Direkta niyang sasabihin ang mga gusto niyang sabihin nang walang pag-aalinlangan - maganda o pangit man iyon. That's how frank he was. And I'm used to it.


"It's good. Just a little fix in the eyes. Your character was supposed to be fierce, right? Her eyes were lack of it."


Tumango-tango ako. "Okay. I'll fix it." Not bad, though. At least, mata lang ang hindi okay sa kanya. The overall style and outfit were okay to him. Hindi man siya nagkomento roon, alam kong approved iyon sa kanya. Ang mali at kulang lang naman palagi ang pino-point out niya sa mga gawa ko.


"Ito naman ang tingnan mo," sabi niya bago iabot sa 'kin ang tablet niya. "I need your input on this."


Nang abutin ko iyon, hindi ko maiwasang mamangha nang makita ang male character niya. Hindi ito basta sketch lang, detailed na at may kulay na rin. It was almost done, actually. And just like the description of his character's personality, you can see it in his appearance. Powerful and dangerous. Siguradong approval na lang ang kailangan at ready for release na ang character niya. At hindi naman malabong mangyari.


"So? What can you say?"


I couldn't help but roll my eyes at him when I saw a proud smile on his lips. "Kung hinihintay mo lang  na purihin ko ang gawa mo, not gonna happen, Montalvo," sabay tapal ko ng tablet sa tiyan niya. 


Bahagya siyang natawa nang kunin niya iyon. "You're not being honest, Montenegro." 


Umirap lang ako sa kanya bago kinuha ang stylus ko para ayusin na ang sketch ng female character ko. Alam naman niyang wala talaga akong masasabi sa mga gawa niya. Wala kang makikitang butas o kulang sa mga iyon. Sabi nga ng iba, almost perfect ang mga artworks niya. Just like its own artist. Besides, yayabangan lang niya 'ko at lalaki lang lalo ang ulo niya kapag pinuri ko ang gawa niya. Tsk.

Twins Are In PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon