Chapter 33: KAIBIGAN

Start from the beginning
                                    

"Oh Jane pasaan ka?" Napatigil ako sa paglakad takbo ko ng marinig ang boses na iyon. Dahan dahan akong lumingon sa pinaggalingan ng boses na iyon. Nakatayo siya habang nagpupunas ng kamay gamit ang tissue. Napatingin ako sa pinanggalingan niya, banyo.

"Ahm lalabas ba kayo?"

"Oo."

"Sinong kasama niyo?"

"Naisipan kasi namin nina Erin na maggala, then gusto din pala sumama ni Sofia at Cris." Sabi na nga ba at isa sa mga naisip ko ang kasama nila.

"Pwede ba akong sumama?" Napatingin sa akin si Kai ng magtanong ako, teka bawal bang sumama?

"Di ka ba magpapahinga?"

"Ahm ang totoo nga niyan, hindi kasi ako makatulog. Pero kung hindi pwede okay lang, dito na lang ako." Sure ka? Chance mo na ito oh.

"Ito naman, syempre pwedeng sumama, inaalala ko lang na baka kailangan mo ng pahinga." Oh my G, narinig mo ba yun? Nag-aalala si Kai sa akin.

Oo rinig ko, kinilig ka naman. Tutya naman ng isip ko.

"Tara na." Napangiti ako ng sabay kaming naglakad ni Kai palabas, kung saan naghihintay ang karamihan.

"Jane, akala ko ba tulog ka kanina?" Napalingon si Kai sa akin, ng sabihin ni Jethro iyon.

"Ahm naalimpungatan kasi ako kanina ng marinig ang pinto, then hindi na ako makatulog kaya lumabas ako." Pagdadahilan ko, pero ang totoo niyan kanina pa ako gising.

"Kai sa inyo na kami sasabay. Tutal iisang ruta lang naman ang dadaanan natin." Sumakay na kami sa bus, at habang nasa bus pansin kong ngiting ngiti si Kai. Bakit ba siya ngumingiti ng ganyan? Nadadala tuloy ako. Magkatabi kami ni Kai, habang si Sofia at Cris, si Jethro at Rea si Erin at Lyn naman ang magkatabi.

"You know what? I like your friendship." Sofia said.

"Yeah right, but when you heard the story of our couple you might like it more than the friendship we have." Wait ito na naman yun, yung couple na sinasabi nila.

"Really? We want to meet them. Right Cris?" Tahimik lang si Cris habang abala sa cellphone niya. Tumango tango naman siya.

"Actually you already met them." Napatingin ako kay Lyn, so ibig sabihin alam din niya ang couple na iyon.

"Huh? When?" Nakuha ni Lyn ang atensyon ni Cris, kaya ibinaba na niya ang kanyang cellphone.

"At the event, they are couple in our mind but not in action." Erin's answered.

"What do you mean by that?" Tanong naman ni Cris, na tila interesado.

"Maybe next time we will tell you two the whole story." Nakagrin smile na sabi ni Rea. Tumahimik na ang lahat ng may sumakay pang ibang pasahero. Makalipas ang ilang minuto, bumaba na rin kami.

.

.

Kai's POV

Pansin kong kanina pa nakatingin si Jane kaya medyo naiilang ako, kasi baka may dumi ako sa mukha kaya kanina pa siya tingin ng tingin.

"Oh Kai, ang tahimik mo yata diyan, okay ka lang?" Napalingon ako kay Erin na kanina pa kain ng kain.

"Ah okay lang ako, may iniisip lang." Napatingin muli si Jane sa akin kaya napatalikod ako mula sa kanilang apat. Umiba na ng pinuntahan sina Jethro, Rea at Lyn.

Bumili kami ng souvenir kung saan ang pinili ko ay ang word na AUSTRALIA. After no'n ay dito muna kami kumain sa isang restaurant na malapit lang sa pinagbilhan namin. Nagugutom na daw kasi si Cris. Hindi naman sila maselan sa pagkain kaya ang bilis nilang naubos ang mga inorder nila, habang ako naman hanggang ngayon hindi pa rin tapos sa kinakain ko, half pasta na nga lang ang kinakain ko di ko pa maubos ubos. Bakit kasi nadadala ako sa mga tingin ni Jane?

It's ComplicatedWhere stories live. Discover now