Chapter 22: First Step: Be Calm

19K 643 429
                                    

INBOX

Xei: GM. good evening people. kain na kayo. hehe... [Marj, may assignment ba tayo?] (sent 7:48 p.m.)

Kyle: uy xei! (sent 7:53 p.m.)

Xei: o? prob? (sent 7:55 p.m.)

Kyle: pano ko ba uumpisahan? pano ba kayo mapapaligaya? kayong mga babae hirap nyo naman kasing iplease. (sent 7:56 p.m.)

Xei: hihingi na nga lang ng advice mamaliitin pa ang gender namin. -_- maging kalmado ka lang. kahit ano namang mangyari, sasagutin ka ni rai. (sent: 8:01 p.m.)

Kyle: napatagal naman magreply nito. pano maging kalmado? as in wala akong gagawin? (sent 8:02 p.m.)

Xei: hindi. kilalanin mo muna yung tao. magusap kayo kahit sandali. ano ba sabi mo sa letter na bigay mo sa kanya dati? tinanong mo kung gusto mo siyang ligawan? (sent 8:04 p.m.)

Kyle: sikret. (sent 8:05 p.m.)

Xei: ano ba yan. fine. e ang dami mo naman ng naging gf. bakit ka pa humihingi ng advice sa kin? e di gawin mo kung anong ginagawa mo sa kanila dati. pano mo ba sila ligawan? (sent 8:07 p.m.)

Kyle: sa text. e sinasagot din nila ko sa text. (sent 8:08 p.m.)

Xei: o? kaya pala may mga gf ka na 1 week lang. (sent 8:09 p.m.)

Kyle: e loko loko lang yon. di ko naman talaga sila mahal. puro crush lang siguro. di ko pa talaga nararamdaman yung parang spark. haha. turuan mo nga ko magmahal. (sent 8:10 p.m.)


Dugdug. Dugdug.

Ayan na naman ako, abot-tenga na naman yung ngiti ko. Ang babaw ng kaligayahan ko, ano? O, ano? Anong isasagot ko dito?

Alam ko namang hindi dapat ako magpadala, pero heto ako, napapadala naman kaagad. Kainis. Kahit sa text, pinapalakas niya yung tibok ni Mr. Heart.


INBOX

Kyle: uy. bat di na nagrep? (sent 8:15 p.m.)

Xei: sori may ginawa lang ako. ganto. maging kalmado ka lang. kilalanin mo muna si rai. as in favorite color. favorite song. kung ano mga gusto niyang gawin. etc. (sent 8:17 p.m.)

Kyle: talaga? effective yon? (sent 8:18 p.m.)

Xei: ano ba yan. di naman porke gwapo ka tapos for a week napapasagot mo yung mga girls na easy to get, iaapply mo rin sa iba. lagot ka sa kin pag ginanon mo si rai. (sent 8:20 p.m.)

Kyle: so meaning gwapo talaga ako? :) (sent 8:21 p.m.)


Shoot. Ano ba namang reply 'to? Nakakakilig na ewan. Alam niyo yung feeling na kinikilig ka pero alam mo na dapat di ka kiligin? Gano'n ang pakiramdam ko ngayon.


INBOX

Xei: aminado naman ako. kaya nga magkapatid tayo e. gwapo ka, maganda naman ako. haha (sent 8:24 p.m.)

Kyle: maganda ka nga. hehe. kaya nga ikaw ang pinili ko. (sent 8:25 p.m.)


Ano raw? Anong ako raw ang pinili niya? Pinili niya saan? Kung ang ibig sabihin n'on, e, ako raw ang pinili niya bilang mamahalin, kikiligin na 'ko. Kaso alam ko naman hindi gano'n yung meaning niya. Mapagkamalan pa kong nagfi-feeling. Ayoko naman ng gano'n.

548 HeartbeatsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon