"Ang ibon na 'to ay ibibigay ko sa'yo Britt." sabi ni council head Leon at ibinigay ng dahan-dahan ang ibong hawak niya kay Britt.

Kinuha naman ito ni Britt at agad kaming napasinghap ng makitang naging berde ang mga pakpak ng ibon ng mahawakan ito ni Britt.

"Tama nga talaga ang iniisip namin. Ang lahat ng hawak namin ngayon ay gagana at susunod lamang sa inyo. Dahil kayo na ang bagong nag mamay-ari ng mga gabay na ito at magagamit lamang ang mga gabay kapag may misyon kayo." 

Paalala ni council head Leon kaya napatango naman kami.

"Ang hawak ko naman ay ang pag mamay-ari na ngayon ni Christy." sabi ni council head Brenda at ipinakita ang isang libro.

"Ang librong 'to ay may maraming spells at enchantment. Tanging ikaw lang ang makakabasa ng nakasulat dito sa loob Christy." patuloy ni Council Head Brenda at ibinigay kay Christy ang libro.

Napasulyap naman ako kay Christy ng makitang nabigla siya ng biglang bumukas ang libro pag hawak niya nito. Nalaman ko lang rin na ang ability pala ni Christy ay ang kapangyarihang nakapaloob sa hangin. 

Kaya niya ring malaman kung sino ang paparating malapit sa amin dahil kinakausap siya ng mga hangin dahilan upang malaman niyang may mga dark mage na paparating nong nasa chamber hospital pa kami.

Napatingin naman ako kay Britt at napangiti ng malamang pag mamanipulate ng tubig pala ang kapangyarihan niya. Si Joseph naman ay may kapangyarihang kontrolin ang kidlat sa kalangitan. Kaya niyang gumawa ng elektrisidad gamit ang ability niya.

"Ito namang hawak ko ay para kay Joseph." mahinahong sabi ni council head Brenda at ibinigay kay Joseph ang isang espada.

Napa nga-nga naman ako sa ganda ng espada na ibinigay ni Council Head Brenda. Paniguradong magagamit talaga ito ni Joseph. Itinaas naman ni Joseph ang espada at napaatras kami ng biglang pumasok ang kidlat sa espada ni Joseph.

"Wow!" we muttered.

"Eto naman ay para kay Viol. Isa itong mahalagang kagamitan sapagkat ikaw lang ang tanging nakakakita nito."

Mayroong ibinigay si council head Leon kay Viol. Nakita ko namang parang may mensahe silang dalawang pinaparating gamit ang mga mata nila.

"Ba't hindi ko makita?" bulong sakin ni Britt kaya binatukan ko naman siya.

"Bago pa nga lang sinabi ni council head Leon eh! Si Viol lang daw ang makakakita nito." wika ko at tiningnan muli sa Viol.

"Isang cloak?" takang tanong ni Viol at ipwenesto niya naman ang kamay niya sa likuran niya na para bang may sinusuot.

"What the!" bulaslas ko.

Naging invincible ang katawan ni Viol at tanging ulo na niya lang ang nakikita namin ngayon.

"Nice! Invincible Cloak!" ngising sabi ni Viol kaya napairap naman si Christy.

Napatawa naman ako ng bahagya. Ramdam ko talaga na may something sa kanilang dalawa eh. Ang kapangyarihan naman ni Viol ay nakapaloob sa pag gamit ng apoy na kagaya rinsa ability ni Gab. Ngunit mas pokus nga lang ni Viol ang pakikipaglaban. Isa siyang Adam kaya natural lang din na apoy ang ability niya.

Pero dahil na rin sa pag evolve ng panahon. Ang mga mage ay may iba't-iba na ring special ability. Na kagaya ni Joseph na isang aria na nakatuon sa kapangyarihan ng hangin. Ngunit ipinanganak siyang mayroon abilidad na kayang kontrolin ang kidlat. Kaya kahit daw na san ka pang mage galing maaaring mag-iba ang ability mo. Lalo na pag ang both parents mo ay hindi galing sa iisang mage.

"Ito naman ay para sa 'yo Gabriel."

Natahimik naman kaming lahat ng kausapin ni council head Riel si Gab. Alam kong mahal nila ang isa't-isa at nakikita kong nag-aalala si council head Riel sa anak niya.

"Gamitin mo ito ng mabuti." sabi ni council head Riel at ibinigay kay Gab ang isang maliit na orasan.

"Anong gagawin ko dito?" takang tanong ni Gab kaya na curious naman ako kung ano ang nasa orasan na 'yon.

"Basta malalaman mo din." sabi ni council head Riel kaya tumalikod na lamang si Gab at bumalik na sa pwesto niya.

Napabuga naman ako ng hininga ng maalalang ako na pala ang susunod. Kasi ako na lang ang hindi nabibigyan ng gabay hindi ba?

"Alison." sambit ni council head Riel sa akin kaya nabigla naman ako.

"Po?"

Nginitian naman nila ako at ibinigay naman sa akin ni council head Riel ang dalawang maliliit na susi?

"Para saan po ang mga susi na ito?" takang tanong ko.

Saan ko ba gagamitin ito? Napasimangot naman ako ng makita ang gabay ng mga kasama ko. Akin lang yata ang pinakawalang silbe.

"Malalaman mo din Alison. Huwag kang mag-alala. Ang dalawang susing iyan ang pinakaimportante sa lahat kaya huwag kang mag-isip na baka hindi mo yan magamit." sabi ni council head Brenda kaya napatango naman ako ng mabilis.

"Opo, opo!" sabi ko at yumuko.

Nakakahiya. I mean hindi ko naman talaga sadya na isiping walang silbe ang gabay na 'to. Pero kasi dalawang susi? Hindi naman ito makakapatay ng dark mage eh.

"Ang gabay na 'yan ang magiging takbuhan niyo kapag nasa panganib kayo kaya ingatan niyo iyan. Dahil kayo ang pinili nila sa rami-rami ba naman ng mage dito sa buong academy. Dakpin niyo ang tatlong dark mage at tapusin ang misyon. Good luck!"

Pagkarinig ko sa sinabi ni council head Riel sa amin eh para bang na excite ako na kinakabahan na nababahala? Hindi ko maintindihan. Sa sobra ring halo-halo ng emosyon ko ay hindi ko na namalayang binuksan na pala ni Joseph ang portal papasok sa loob ng chamber.

Hawak hawak naman ni Britt ang kamay ko ngayon ng nakita niyang nakatulala ako. Dahan-dahang lumiit ang portal at isang segundo lang ay nakapasok na kami sa loob.

Sa loob ng chamber.

***


Crimson Academy: The Hidden CharmWhere stories live. Discover now