Chapter 6: Synthetic Heart

Start from the beginning
                                        

"Ha?!" sambit naman ni Eric.


"Is there a problem?" tanong naman ni Mr. McCoy.


"Uhmm, nothing we can't handle, Sir," sagot na lamang ni Eric bilang pampalubag loob.


"Anong nangyayari? Tinry niyo ba sa codes?" tanong ni Eric habang lumalayo at bumubulong.


"Sinubukan na namin. Hindi talaga nagrerespond," sagot ni Alvin.


"Uhm. Sige papunta na ako diyan," wika ni Eric. Sa pagkakataong iyon ay nakaramdam siya ng kaba.


"I-I have to go sir."


"Great! Okay. So I'm going to see the result this afternoon...to see her progress," sagot naman ng senior secretary. Ngumiti na lamang si Eric at nagmadaling lumabas ng opisina.


__________________________


"Anong nangyayari?!" aligagang tanong ni Eric nang siya ay pumasok sa loob ng lab.


"'Di namin alam. Sinusubukan namin siyang kausapin pero. Wala. Kahit sa codes wala rin siya," sagotn i Alvin. Napatigil ang ilang staff nang pumasok si Eric. Nanibago marahil sa pagiging maaliwalas ng kanyang mukha ngunit gulat na reaksyon.


"Diana? Andyan ka ba?" wika ni Eric.


Tumingin siya sa kanyang hologram computer upang tingnan ang kanyang statistics. Pumindot naman siya sa mala-salamin na panel at hinanap ang history ng database ni Diana.


"Shit...emotional shutdown...melancholy, 100... anong nangyayari sa kanya?" tanog ni Erc habang binabasa ang mga datos sa kanyang screen.


"Alvin. We need to reboot her. Sorry," dagdag niya.


"Pero, sir...ready na ang lahat. Kailangan talaga natin siyang i-reboot?" tanong ni Leonard.


"Not entirely...kailangan lang natin i-reboot ang emotion niya. I don't know what is happening to her. Pero masyado na yatang nakakasama sa system niya ang paglalagay natin ng emotion sa AI niya," paliwanag ni Eric.


"Pero naglagay ka naman ng fail safe 'di ba?" tanong ni Alvin.


"Ang fail safe niya ay para lang sa mga desisyon niya. Sa kung ano ang tama at mali, kung sumobra na ba siya sa gawain at sinasakop niya na ang dapat na gumagawa ay ang tao lang. Hindi nati mapipigilan ang emosyon niya," wika ni Eric habang pumipindot sa keyboard.


"Iniwan natin siya buong gabi, mali 'yon. Hindi dapat natin siya iniiwan. Lalo na at awake ang system niya...mali...sorry..." wika ni Eric na tila napapayuko at napatigil sa pagpindot sa kanyang computer.


"Mabubura ba ang system ko kung ire-reboot mo?" isang boses ng babae ang agad nagwika. Nanlaki naman ang mga mata ng nasa loob ng lab na iyon. Napangiti si Eric.

D.I.A.N.A. (Database Intelligence Artificial Network Ally)Where stories live. Discover now