Noon madalas tumawag at magtext si Ivan pero ngayon busy siya sa pag-aasikaso sa kasal nila ni Janine samantalang si Nathalia naman ay katulad ko maselan ang pagbubuntis. Nandito ako sa baryo kasama ang lalaking gumugulo sa puso't isipan ko. Minsan naiisip ko wala naman may gustong makasama ako, kahit gaano ko sila pahalagahan ay iiwan din nila ako. Ano bang mali sa akin? Ang ugali ko? Pagod na akong mag-care at sa huli ay kakalimutan nalang. Siguro itong magiging anak ko ang taong hindi ako iiwan. Blessing in disguise?

"At least lumaki kang mabuting tao." komento ko sa kanya.

"Hindi rin." malungkot siyang ngumisi at hindi na muli ako tinignan pa. Sa nakikita ko naman ay mabuting tao si Miguel. Lahat ata ng tao rito ay kilala siya dahil sa pagiging matulungin niya saka kakaiba yung dedication niya sa trabaho kitang-kita naman sa kasipagan niya, nakaramdam tuloy ako ng inggit. Buti pa siya masaya sa ginagawa niya pero ako hindi. Iba talaga kapag gusto mo yung ginagawa mo imbes na mapagod ay makakaramdam ka pa ng contentment habang ako nakakailang linggo palang ata sa trabaho ay burned out na. Haha.

Nakarating kami sa may bahay na parehas walang imik kaya naisipan ko nalang na umakyat sa kwarto. Napapikit ako at sinariwa iyong nangyari kanina. Ang mga halik niya ay pamilyar ngunit iba ang paraan ng mga haplos niya. Somewhat gentle and with care. Kung hawakan niya ako kanina ay para akong mababasag na pinggan kung magiging mas marahas man siya o mapusok. Ang alam ko ay hindi ko pa sa kanya na iikwento ang tungkol sa ama ng batang dinadala ko, kung gusto man niyang akuin ang batang 'to ay dapat malaman na niya kung anong bangungot ang pinagdaanan ko.

I'm craving for his touch and kisses, kung hindi ko kaya siya pinigil mas malayo pa kaya ang mararating namin? Para akong dinadala sa langit kada iniisip at ninamnam ang mga halik na pinagsaluhan namin, gusto ko ulit matikman ang mapupulang mga labi niya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at for the first time ay siya ang napaginipan ko at hindi ang lalaking nanamantala sa akin.

***

Naalimpungatan ako ng maramdaman na para bang may nanonood sa akin habang natutulog. Wala naman sigurong multo rito?! Ipinikit ko ng mariin ang mga mata ko at pilit na nakiramdam kung may tao ba sa loob ng silid ko. Payapa naman ngunit alam kong hindi ako nag-iisa dahil naririnig ko ang paghinga nang kung sino mang tao ang nasa kwarto ko. Hindi naman siguro siya iyon di ba? Hindi niya ako masusundan dito! I'm safe here, nandito si Miguel at poprotektahan niya ako. ]

Matapang kong iniangat ang ulo ko at hihiyaw na sana ako ng may dalawang malakas na kamay ay gumupo sa may leeg ko. I tried to grab his arm ngunit hindi ko magawa dahil mas malakas siya sa akin. Pinilit kong sumigaw pero walang lumalabas na boses. Hindi ko makita ang mukha niya.

"Diba ang sabi ko sayo papatayin kita Yvette? Heto tatapusin na kita!" No! It's him! Mas lalo kong gustong manlaban pero pucha wala akong magawa dahil nauubos na ang hangin sa katawan ko dahil sa pagkakadiin niya sa leeg ko. Gamit ang matutulis kong mga kuko ay kinalmot ko siya sa mukha dahilan para mapahiyaw siya. Hindi ko inasahan ang sumunod niyang ginawa basta naramdaman ko na lamang ang malakas na paghagip niya sa mukha ko dahilan upang mahilo ako. Nasaan ka na ba Miguel?!!

"HELP!!!! HELP!!!" ilang mura ang pinakawalan ng estranghero at isang malutong na sampal na naman ang natanggap ko bago siya nagmamadaling lumabas sa may bintana. Ang bilis ng mga pangyayari pero matinding hilo na lamang ang mas iniinda ko ngayon. 

Ilang beses akong humiyaw ngunit walang Miguel na dumating. I feel so helpless. Nasaan ba siya? Si Bubuy hindi man lang ba siya nagising sa ingay ko? Napaiyak na lamang akong sumiksik sa kama. He is here! Narito siya para patayin ako. Please sana'y bangungot lang lahat ng ito.

***

Tanghali na ng magising ako at nagtatalo pa rin ang isipan ko kung totoo nga ba ang mga nangyari kagabi o masamang panaginip lamang ang lahat. Parang wala namang nangyaring kakaiba rito sa bahay, paggising ko'y maayos naman ang kwarto ko. Sintomas kaya 'to ng Post Traumatic Stress Disorder? Naguguluhan ako. It seems so real. Imposibleng panaginip lang lahat ng 'yon. Sumakit ang ulo ko dahil sa kakaisip kaya naman napagpasyahan kong bumaba na lamang sa kusina. Naabutan kong nagkakape si Miguel sa may sala kaya naman hindi na ako nangiming magtanong.

"Nasaan ka ba kagabi? May nakapasok dito sa bahay." mataray kong sita sa kanya.

"Huh? Nandito ako kagabi at walang nakakapasok rito. Nanaginip ka pa ata Yvette. Kumain ka na ng tanghalian, masamang nalilipasan ng gutom ang buntis." mas lalo akong na-frustrate. Hindi ako nababaliw! Nangyari lahat ng 'yon. Dinama ko ang leeg kong namumula pa at may bakas ng matinding pagsakal.

Magtatanong pa sana ako ng matuon ang mga mata ko sa braso ni Miguel at mas bumilis ang marahas ko ng paghinga. No, it can't be. Mabilis kong dinakma ang braso niya dahilan para matapon ang hawak niyang kape, hindi ko pinansin ang mga mura niya at galit na nagtanong.

"Saan mo nakuha 'tong mga galos mo?!! Saan!! Ikaw ba siya? Ikaw ba siya?!!" hysterical kong tanong sa kanya habang tumutulo na ang mga luha ko.

to be continued...

Wag kayo mag alala malapit ko na sagutin lahat.

The Virgin's First Night 8: Had No MercyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora