Vin and Erin

34.2K 965 46
                                    

Tahimik na pumikit si Vin at nag-alay ng mumunting dasal para sa munting anghel nila.

Hi, baby. Kamusta ka? Masaya ka na ba diyan? Miss ka namin. We love you. I love you.

"Tatay, alis na tayo?" untag sakanya ni Vera.

Nginitian niya ang anak at hinalikan niya ito sa tuktok ng ulo. "Sandali lang, princess. Hintayin natin si nanay." sabi niya.

Tumango naman si Vera at tahimik na nanatili sa tabi niya. Pinagmasdan niya si Erin na tahimik na inaayos ang bulaklak at kandila na dala nila para sa puntod ng bunso nilang anak na si Ervin. Hindi nakaligtas sa paningin niya ang pagpahid ni Erin sa mga luha nito.

Bumuntong-hininga siya at pinuntahan ang asawa. Nanatili naman si Vera sa kinatatayuan nito. Lumuhod siya sa gilid ni Erin na hinahaplos ang lapida ni Ervin.

John Ervin R. Fortez. Ang bunso sana nilang anak. Walong taon na siguro sana ito ngayon kung hindi lang namatay noong ipinanganak ni Erin.

Eight years ago, Erin got pregnant again after Vera for long years pf waiting. Sabi ng OB ay may naging problema ang ovaries ni Erin at mahihirapan na ulit itong mabuntis. Naalala niya kung paano silang umiyak na dalawa ni Erin sa balitang iyon pero hindi sila tumigil. They tried several times. Marami. Maraming beses nilang sinubukan at sa wakas ay nakabuo ulit sila.

Nang nagpatingin sila sa OB, nalaman nilang mahina ang kapit ng bata kaa naman triple ang ingat nila ni Erin noon. Ni hindi na lumalabas ng bahay si Erin dahil sa takot na baka may mangyaring masama. He transferred all his works sa bahay para maalagaan at mabantayan si Erin. Pero hindi pala sapat iyon, dahil eight months palang na buntis si Erin ay dinugo ito bigla at napaanak ng maaga.

Dahil kulang sa buwan ang anak nila, kinailangang ilagay sa incubator ang anak nilang si Ervin. Ilang beses niyang nakitang umiyak si Erin sa tuwing bibisita sa anak nila. Hindi nito alam na doble ang hirap niya habang nakikita ang reyna niya na umiiyak at nasasaktan.

Kalaunan ay namatay rin si Ervin matapos ang isang linggo, sabi ay hindi na talaga kinaya ng bata at may problema ang baga nito. Hindi niya napigilan ang sarili na mapahagulgol sa mama niya. Iniwan nila si Vera kay Lola Gertrude dahil ayaw nilang makita ng anak nila ang nangyayari. Masyado pang bata noon si Vera. They don't want to expose their princess in this kind of environment.

The queen cried on the king's arms. Mahirap para sakanilang tanggapin na namatayan sila ng anak. Namatay ang nag-iisang prinsipe ng kaharian niya. Ng kaharian nila.

Sobrang hirap lalo na kay Erin ang bumalik sa normal dahil napag-alaman nilang hindi narin pwede magkaanak si Erin. Again, he witnessed how his queen cried her heart out. How he wish that he could just take away all the pain she's feeling. Pero wala siyang magawa but to comfort her and show her how much he loves her and their princess.

Buti nalang, may Vera sila. Si Vera ang tuluyang nakapawi ng sakit sa pagkawala ni Ervin. Alam ni Vera ang tungkol sa kapatid nito. Hindi nila itinago iyon kay Vera. Ervin is part of their kingdom. Kahit na wala ito at hindi nito nasilayan ang kagandahan ng mundo, para sakanila Ervin is always beside them, guiding and protecting them.

"Okay ka lang, reyna ko?" nag-aalalang tanong niya kay Erin na dahan-dahang tumatayo. Inalalayan niya ito.

Tumango naman si Erin sakanya at tinawag si Vera para lumapit. "Magpaalam ka na kay Ervin." nakangiting sabi ni Erin kay Vera.

"Bye bunso. Kahit na hindi kita nakita, mahal kita. Kami nila nanay at tatay." nakangiting sambit ni Vera sa puntod ng kapatid.

Umakbay si Erin sa anak nila tapos ay yumakap sakanya sa bewang. Tiningala siya nito at sinalubong naman niya ng isang halik sa labi.

"I love you." sabi niya rito. "Mahal na mahal kita, reyna ko. Kayo ng prinsesa ko."

Ngumiti si Erin at yumakap sakanya ng mahigpit. "Let's go na? Nagugutom na ako." sabi nito.

"Let's go, Vera." aya niya sa anak at inilahad ang kamay. Kinuha naman ito ni Vera at sabay sabay nilang tinahak ang daan papunta sa kotse niya.

Napunta sila sa restaurant ni Jeremiah para doon i-celebrate ang birthday ni Ervin.

"Ano'ng gusto mo, prinsesa?" tanong niya sa anak.

"Hmm, gusto ko ng brownie ala monde, tatay." turo nito sa picture doon sa menu.

"Vera, lunch muna bago dessert. Ikaw talagang bata ka. Ang taba mo na oh." sabi ni Erin sa anak nila.

"Nanay naman eh! Hindi ako mataba." nakangusong sabi ni Vera.

"Oo nga naman, nanay. Chubby lang si Vera." biro niya pa.

"Tatay naman eh!"

"Naririnig ko ang maktol ng isang magandang binibini." lapit ni Jeremiah na naka-chef's uniform.

"Tito! Bless po!" bati ni Vera at nagmano kaagad kay Jeremiah.

"Wow. I really feel so old. Damn." natatawang sabi ng kaibigan.

"No curses, Jere. Nandiyan si Vera." sabi niya.

"Ow, sorry. So, ano gusto mo Vera? Ako mismo ang magluluto para sa'yo." nakangiting sabi ni Jeremiah sa anak.

"Brownie ala monde tito!" masayang sabi ni Vera.

"Vera, I said main course first before dessert. Wala pang laman ang tiyan mo, baby." paalala ni Erin.

"Basta nanay, gusto ko ng brownie ala monde ah?"

Hinaplos niya ang mukha ng anak at pinisil ng mahina ang mataba nitong pisngi. Bilugan kasi ang mukha ng anak. "Okay baby. Papasarapan natin kay Tito Jeremiah ang brownies mo."

"Okay! Wait lang at babalik na ako sa kusina." paalam ni Jeremiah.

"Have you bought the cake, Vin?" tanong sakanya ni Erin na tinutukoy ang cake na para sa birthday ni Ervin.

"Hindi nanay eh." sagot niya.

"Ano? Bili ka na Vin habang wala pa yung mga pagkain."

"Huwag na Nanay! Ako nagsabi kay Tatay na huwag na bumili." pigil ni Vera.

Binalingan naman ni Erin ang anak. "Bakit?"

"Because...tenen!" inilabas ni Vera ang isang box ng cake. "I baked a cake for Ervin! Kanina sa culinary class, they asked us to bake a cake then I decorated it for Ervin!"

Napangiti siya sa ginagawa ng anak. Vera likes cooking kaya siguro ay medyo chubby ang anak nila. She's sixteen years old at nagsa-summer class sa culinary. He saw how Erin stared at their daughter lovingly.

"You made it for Ervin?" tanong nito.

Tumango si Vera bilang sagot. Niyakap ito ni Erin at hinalikan sa sentido. "I love you, baby."

"I love you too, nanay."

Umubo siya. "What? Walang may love sa'kin?"

Parehong natawa ang mag-ina niya.

"Nagselos nanaman ang tatay mo." naiiling na wika ni Erin.

Vera giggled at tumayo para kumandong sakanya at yumakap. "I love you, tatay!"

Hinalikan niya sa pisngi ang anak. "I love you too, princess."

Tinignan niya si Erin habang nakakandong parin si Vera sakanya. "Ano, reyna ko? Hindi mo ako love?"

Ngumuso si Erin. "Ang arte mo talaga, Vicente. Siyempre mahal na mahal kita!"

"Yiiee!" biro ni Vera sakanila.

Natawa nalang siya at hinalik-halikan ang anak niya na natatawa dahil nakikiliti sa ginagawa niya.

He would risk all of he have for the sake of his family. Gusto niyang laging masaya ang mag-ina niya. Gagawin niya ang lahat para makita lang ang mga ngiti ng dalawang babae sa harap niya ngayon. That's shows how much he loves his family. He would do anything just to protect his queen and princess. Because they are his life. They are his happiness. They are his everything.

----------

VOTE AND COMMENT!

Follow me @kendeyss

The Barkada Series Special: A Promise 'til InfinityWhere stories live. Discover now