Chapter 21

168 7 0
                                    

LYZA'S POV

Nandito na ako sa labas ng aming school at kasalukuyan kong hinihintay dito sa may bench si Jane paano ba naman tumawag ito saakin kagabi at umiiyak. Si Aron daw kasi binugbog si Jerry, parang ayaw daw ata ni Aron na maging masaya sya. Actually habang kausap ako ni Jane e tahimik lang ako. Wala kasi akong maicomment dahil unang-una sa lahat I know Jerry a lot than Aron pero bakit parang mas naniniwala ako kay Aron.

Alam kong may pagkatahimik kuno noon pa si Jerry sa loob ng room pero marami din naman ang nagsasabing sa labas ay may pagkaloko loko ito. Samantalang si Aron puro kabaitan lang ang nakita ko, ewan ayoko na din munang magsalita dahil ayoko din namang masaktan ang kaibigan ko.

"Hey Miss!" napalingon ako sa isang lalaking hindi ko alam kung saakin ba nakatingin dahil nakasun glass ito. "Ikaw nga!" tinuro ko ang sarili ko atsaka ito tumango. Ako nga daw, pero bakit?

"Baket?" tanong ko dito habang nakataas ang kilay ko, syempre pasuplada effect.

"I'm Josh and medyo hindi ako familiar sa lugar na ito e.. pwede bang magtanong?" natulala ako ng magtanggal ito ng shades. Sorry Papa Aron pero ito na ang Papa ko ngayon. haha..

"Sure." matipid kong sagot at medyo nagpapacute pa ako.

"Anong school ito?" bahagya pa itong lumapit saakin kaya lalo kong nakita ang kagwapuhan nito.

"Saint Nicholas University." sabi ko.

"Ah.. okay salamat, salamat Ms. ?"

"Lyza, Lyza Pineda." 

"Salamat Lyza." ngumiti ito at kumaway bago sumakay sakanyang kotse. Oh my! number please! haha..

"Mukhang masaya ka ngayon ah!" nagulat ako ng makita ko si Jane na nasa likod ko na pala.

"Friend! How are you?" tumayo ako at nakipag beso ako dito.

"Not fine!" halata naman, medyo maga ang mata nito e..

"Friend I hate to say this pero paano kung totoo yung sinasabi ni Aron." guys hindi na sya ang Papa ko. hihi.. tawa pa ako e mukha na ngang bangag ang kaibigan ko.

"Lyz alam ko namang sinisiraan nya lang si Jerry dahil from the start pa lang ayaw nya na dun." napabuntong-hininga pa ito.

"Diba sabi ko sayo follow your heart? Kung ano yung nandyan sa puso mo basta wala kang sinasagasaang tao sige lang!" tumingin saakin ang kaibigan ko at bahagya itong napangiti pero saglit na saglit lang yung ngiti nito.

"Let's have coffee." yaya nito. Tumayo na kami at pumasok na kami sa school. Habang naglalakad kami ay nasalubong namin ang kampo nila Elah.

"Oh guys! Nandito na pala ang newly girl ni Jerry." nagpaparinig si Elah so kung sila pa ni Jerry e di sinugod nga nito si friendship ko. Hala! Naguguluhan talaga ako!

"So pathetic!" parinig naman ng isang kaibigan nito na mukhang bisugo.

"Anong problema nyo?" ako ang humarap sa mga ito. Di ba nga sabi ko sainyo bangag ngayon ang kaibigan ko. Sabagay di na naman talaga ito palaaway. Ako lang.

"Uhhh! Your so brave girl! Anyway, Wala akong pakialam kung sila na ng ex ko. I'm not here to fight her." nagkatinginan kami ni Jane sa sinabi nito. "Starting today magkaibigan na tayo Jane okay?" pasimple kong kinulbit si Jane, ano daw? "I like Aron and he said he likes me too kaya dapat magkasundo tayo dahil gusto ako ng kapatid mo diba?"

"Sinabi nya yun?" tanong ni Jane na hindi makapaniwala, ako din kaya hindi naniniwala.

"Kung ano man ang issue ninyo with his brother e wala na kaming pakialam dun okay? If you'll excuse us.." sabi ko at hinila ko na si Jane palayo sa mga kampon ng mga bisugo. 

"Di ba totoo yung sinasabi ni Jerry?" maya-maya'y tanong ni Jane ng makalayo na kami.

"Ewan ko friend, naguguluhan parin ako." umiling-iling ako dahil ewan bakit ganito ang feeling ko, hindi naman sa type ko si Aron kung hindi malakas din ang pakiramdam kong abnormal si Jerry.

"Naguguluhan ka parin e malaki na ang ebidensyang siraulo talaga si Aron. Tingnan mo nga sinabihan nyang type nya si Elah pero saakin sinabihan nya akong hindi nya type si Elah at hindi daw ako ang tipo ni Jerry." luh! galit na si Ja-ne.

"Friend baka naman ikaw ang type ni Aron at hindi si Elah at nagseselos sya kay Jerry tha-

"No! Stop that!" nakita kong natahimik ang kaibigan ko, siguro talagang masama ang loob nito. Hindi na lang muna ako kumibo dahil alam kong may pinagdadaanan talaga ito.

*******

ARON'S POV 

Susunduin ko sana si Jane sa pag-uwi nya pero sabi ni Mang Bert ay nagbilin daw ito na magpapahatid na lang daw ito sa kaibigan nito. Talagang hindi parin sya naniniwala saakin. Malamang kay Jerry ito magpapahatid.

"Sir may bisita po kayo." napukaw ako sa pag-iisip ng dumating ang isa naming katulong kasabay ang lalaking matagal ko ng hindi nakikita.

"Josh?! Woah!" nag hi-five kami nito at mahigpit kaming nagyakapan nitong kaibigan ko.

"Aron my boy!" sigaw nito.

"Kelan ka pa dumating?" tanong ko.

"Kahapon lang! Ikaw nga ang una kong hinanap Pre!"

"Di ka parin nagbabago Pre! Sweet kaparin!" lakas ng tawanan namin nito. Niyaya ko ito sa may garden para mahangin hanginan naman kami, nag-utos din ako sa mga katulong na dalhan kami ng merienda.

"Kamusta naman ang States Pre?" tanong ko ng maupo kami.

"Okay naman just like the old times.. Ikaw ang kamusta Pare?" bahagya akong natawa at napailing.

"Naku Pre looks like may pinoproblema kang babae ha?!" bahagya ko itong sinuntok.

"Siraulo ka talaga! Naaalala mo pa ba si Elizabeth Jane?"

"Elizabeth Jane? Yung anak ni Tito na patay na?"

"She's alive!"

"Really? At sya ang pinoproblema mo?" nanlaki ang mga mata nito.

"Sira hindi! But I warn you Pare kilala kita, wag na wag mong pakikialamanan ang kapatid ko."

"What do you mean? She's here?"

"Yah!" tango ko. Nakita ko ang panlalaki muli ng mata nito.

"I want to see her!"

"Relax! She's not yet here I mean nasa school pa sya."

"Woah! Is she pretty?" napangiti ako.

"For always!" sagot ko.

"Naku Pare baka naman ikaw ang dapat balaan?" Inambaan ko ito ng suntok. "Just kidding! Haha.." napailing ako. Siraulo parin itong best friend ko kahit kelan. Halos walong taon kaming hindi nagkita nito kaya tiyak na marami itong kwentong nakabaon ganun din naman ako.

Princess ElizabethWhere stories live. Discover now