UNFINISHED BUSINESS

Start from the beginning
                                    

Mas lalo ako naiyak sa sinabi ni Dra.

"So kailangan po ng blood donors?"

"Yun pa pala. Kailangan po natin ng blood donors. A+ po si Kiefer. Kindly coordinate po sa mga nurses on duty just in case available na po yung mga magdodonate. For now po, dependent tayo sa IV Fluids. Anyway, meron naman pong available na blood if worse comes to worst."

"Ok po. Thank you Dra."

"There's nothing to worry Mommy. Kiefer is going to be all right."

Pagkaalis ni Dra, nilapitan ko si Micoi. Hinalikan ko sya at hinawakan sa kamay.

"You heard that Honey.....you are going to be all right."

"I know Mom. Stop crying then. It makes me sicker."

Oh my little man. How thoughtful of you worrying about Mom instead of worrying about yourself.

I need to call Mommy about the blood donation.

"Hindi kami pwede ni Daddy kasi pareho kaming highblood. Diabetic pati. Papuntahin ko dyan sina Sabel and Doris. Baka pwede sila magdonate. At para masamahan ka na rin dyan. Di ko maiwanan Daddy mo dito, nagshoot up na naman ang BP."

Natahimik ako sa sinabi ni Mommy. Naguilty ako.

"Tell Micoi we're praying for him. We love him so much."

"Sige Mom, thank you. Antayin ko po sina Ate Sabel."

I was thinking, what if I call Kief? Kaso I dont have his new number.

Wala pang 30 minutes, andyan na sina Ate Sabel at Ate Doris.

Syempre biglang umingay ang paligid.

"Micoi!!!! Micoi!!!! Ginawa ko naman lahat. Inalagaan kita. Halos ayaw kita madapuan ng kahit na anong klaseng insekto. Kahit nga ibang tao di makalapit sayo. Kung bakit naman nakalusot yang punyetang lamok na yan. Saang planeta ba yan nanggaling?" May pagdadramang ginagawa si Ate Sabel kay Micoi. Si Micoi naman tulala. Palipat lipat ng tingin sa amin ni Ate Doris.

"Ate Sabel, ready ka na bang magpakuha ng dugo!?"

"Ito naman nag iemote pa ako eh. Sandali lang. Kelangan ba talaga ako? Takot ako please."

"Oi, kaya nga tayo pinapunta dito para dun no?" Sabat naman ni Ate Doris.

"Ay ganon ba? Feel na feel ko pa naman dito oh..para lang akong nasa bahay. Ganda." May pahiga higa pa sa sofa si Ate Sabel. At si Ate Doris, nagchicheck ng ref. Kwela talaga tong dalawang to. Tingnan ko lang kung may lakas pa kayo mamaya pag nakuhanan kayo ng dugo.

"Uhmmmm, kelangan daw ng tig-sampu kayong bag ng dugo." Biro ko sa kanila pero seryoso ang mukha ko.

Biglang napabalikwas si Ate Sabel from the sofa. At nabilaukan naman si Ate Doris...na noon ay kumuha pala ng pagkain from the ref.

"Tig-sampu kami? Papatayin mo na ba kami? Mabubuhay nga si Micoi, kami naman mamamatay. Umayos ka Mika ha. Kung ayaw mong agawin ko si Kiefer sayo." Pag iinarte ni Ate Sabel.

"Ay, ay! Sandali lang.. Parang naiwan ko yung bangs ko sa labas. Wait lang." Kunway aalis si Ate Doris.

"Wag ka umalis dyan. Anong ibig sabihin nito?" Tanong ko kay Ate Doris.

"Check mo fon nya. Este, wala akong alam dyan. Ang alam ko lang close na sila. Nakapasyal na nga sa condo nya eh. Inunahan ka pa. Actually textmates sila." Daldal ni Ate. Doris.

"Wala palang alam ha. Pektusan kaya kita." Akmang babatukan ni Ate Sabel si Ate Doris.

"Oi tumigil na kayo. Sana lang wag sa harapan ng anak ko di ba?"

One Last Chance (A MIEFER Story)Where stories live. Discover now