Ang pusong nagmahal. Ang pusong naiwan. Ang pusong nagdadalamhati. Ang pusong puno ng pighati. Ang pusong hinahanap-hanap ka sa pagkatao ng iba. Ang pusong umaasa sa napakaraming sana.
"No! You don't love me! You're just obsessed with the idea that I may be him!"
Nagulat ako sa pagsigaw n'ya. 'Yong pagsigaw na punong-puno ng hinanakit at sakit.
"Pero malaki ang chance na ikaw nga s'ya."
"Yan ang sinasabi ko! Simula nang nagkaroon ka ng hinala ay saka mo lang hinayaang mapalapit ang sarili mo sa akin. Saka ko lang naramdaman kung gaano ako kaespesyal sa'yo. Kaso hindi ko alam kung para sa akin ba talaga ko para sa kanya. Can't you just love me? Just me! Without thinking about him!"
"But...you...and...him... Iisang tao lang kayo." Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang punto ko.
"Paano kung hindi? Paano kung magkaiba kami?"
Natigilan ako. Hindi ko maproseso.
"Iiwan mo ako dahil hindi ako s'ya? Hindi mo na ulit ako mahal dahil hindi ako s'ya?"
Wala akong maisagot. Naninikip ang dibdib ko sa pag-iisip. Kumikirot ang puso ko dahil sa sakit na nakikita ko sa mga mata n'ya.
"Anong klaseng pagmamahal ba yan? Bakit may kondisyon? Bakit limitado?"
Wala akong maisagot sa kanya. Nakatitig lang ako sa nang-uuyam n'yang mga mata. Mga matang nababanaag ang pagmamahal, kapaguran at pagmamakaawa.
"Huwag mo namang kulungin ang sarili mo sa nakaraan. Mahalin mo naman ako na walang ibang tinitingnan. Mahalin mo ako kung sino ako. Walang ibang iniisip. Walang pagkukumpara. Kasi kung ako ang tatanungin mo. Kahit hindi pa ikaw ang itinadhana para sa akin, mamahalin pa rin kita. Kahit hindi ikaw ang nagmamay-ari sa akin sa nakaraang buhay ko, mamahalin pa rin. Kasi mahal kita. Walang kondisyon. Walang limitasyon. Walang eksplanasyon!"
A tear escapes from his eyes. A tear that broke my heart. Ang luhang nagpapatunay na iiyak lang ang isang lalaki kapag hindi na n'ya kaya ang paghihinagpis. Kapag hindi na n'ya kayang maibsan ang kirot at sakit.
That hit me! Hard.
Him or not, I don't care anymore.
I love him!
And I'll let myself fall under the spell of love for the second time. I'll let him save me. I'll let him save my broken soul.
***
DyiyEy
ESTÁS LEYENDO
Saving the Broken Soul
Ficción GeneralAng pusong nagmahal. Ang pusong naiwan. Ang pusong nagdadalamhati. Ang pusong puno ng pighati. Ang pusong hinahanap-hanap ka sa pagkatao ng iba. Ang pusong umaasa sa napakaraming sana. Matatagpuan ang pusong mas higit magmahal. Ang pusong hindi nab...
