Chapter Six

174 5 0
                                    

DIARY
-----
Lea

'Lea, are you ok?'

Asan ako? What happened? Mga katanungan gusto kong sabihin pero hindi ko magawa. Nanghihina ako at para akong nauupos na kandila.

'Lea!! Answer me!! I'm so worried!!' ani vice. Hindi ko alam kung paano at bakit sya nandito.

Nahihirapan akong magsalita na para bang may kung anong pumipigil sakin. Nakatingin lamang ako sa kanya na parang tanga at hindi malaman ang gagawin.

Alam kong nagpapanic na sya pero ano namang gagawin ko? Ni hindi ko maibuka ang bibig ko.

Naiiyak ako sa nangyayari sakin kaya umupo ako at hinayaang bumuhos ang luha ko.

'Friend ano bang nangyari? Please naman magsalita ka!' pagmamakaawa nya.

'Hindi ko alam. Ang natatandaan ko lang ay may binabasa akong libro. It has Charlene's name on it. After reading the intro, everything went black. Tapos napanaginipan ko yung nangyari when I was 15.' paliwanag ko kay vice ng sinubukan kong magsalita at buti ay nagawa ko.

'Bakit mo naman mapapanaginipan yun? Hindi bat binura mo na sa isip ang pangyayaring yun?' takang tanong nya.

'Yun na nga eh. Hindi ko alam vice. Naguguluhan ako. Alam kong may dahilan kung bakit ko yun napanaginipan. Hindi kaya't namimiss na ko ni Cha? O baka pinapaalala nya sakin na dumalaw ako sa kanya?'

'Baka may nag trigger sayo? Hindi kaya?' Nakakunot noong pahayag ni Vice.

Ang libro! Baka ang libro na yun ang dahilan.

'Vice may nakita ka bang libro o diary?' Sana please. Sana!

'Nung nakita kitang walang malay eh wala namang libro sa kamay mo o librong malapit sayo.'

Asan ang libro? Sinong kumuha nun?

'Pero may binabasa akong libro eh. Saan naman mapupunta yun? Ako lang naman mag-isa dito sa bahay.'

Kailangan kong mahanap ang libro. Yung lang ang makakapagbigay ng mga sagot sa bawat tanong ko! Hindi yun pwedeng mawala.

'Ano bang klaseng libro yun?' Seryoso na talaga si Vice. Iba na ang tono ng kanyang pananalita.

'Diary talaga sya tapos may naka embedded sa kanyang salita. YOUR SECOND LIFE yung title. Mukhang luma na sya. Pero hindi yung luma na sinaunang panahon. Yung para bang matagal na syang nakatabi at hindi na ulit nagamit.' Paliwanag ko.

Bago pa ulit makapagsalita si vice ay tumayo na ko at bumaba para tignan ang diary. Hindi ako mapakali. Alam kong may kinalaman ang diary na yun sa nangyari sakin.

-----
Vice

Yesss naman people! May pov din ako!

Wag kayong mag-alala kay Lea. Hindi naman talaga nawawala ang libro. Sa totoo lang gusto gusto ko ng sabihin sa kanya kung nasaan ang libro pero pinagbantaan ako ni Charlene na wag ko muna sabihin kay Lea dahil masyado pa daw maaga.

Hindi ko na alam sa kanilang dalawa kung sino ba ang kakampihan ko. Alam ko naman na para to sa ikabubuti nilang dalawa pero iniisip ko rin naman na kailangan na malaman ni Lea ang totoo.

Sana lang hindi magalit si Lea sakin pag nalaman na nya ang totoo. Sana wag nya kong itaboy. Sana maintindihan nya ko.

Andito kami ngayon sa sala. Hinahanap kung baka nandito ang Diary.

'Saan ba galing ang Diary na yun?' Kunyaring tanong ko para hindi sya maghinala.

'Nahanap ko ang diary sa basement. Naguguluhan na kasi ako sa nangyayari kaya naghanap ako ng sagot sa mga katanungan ko. Sinubukan kong maghanap sa basement ng mga pictures o kung ano man na makakapagpaalala sakin ng mga nangyari pero yung diary ang nakita ko.' Paliwanagan nya habang nag titingin tingin ng mga pwedeng paglagyan ng Diary.

Sorry Lea pero kahit anong gawin mo hindi mo na muna makikita ang diary pero promise ko sayo na pipilitin ko si Char na sabihin na sayo ang totoo.

Gagawin ko ang lahat para malaman mo na ang totoo as soon as possible.

'Sigurado ka ba na may diary? Kasi kung meron saan naman mapupunta yun diba?' Nakayuko kong saad para hindi nya mapansin na kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa pwedeng mangyari.

'Vice, totoo yun! I get to read the intro and it has Charlene's name on it. I promise!' Parang nafufrustrate na sya at naiiyak at the same time.

Naiipit ako sainyong dalawa Lea. Pasensya na talaga.

Lumapit ako sa kanya at niyakap sya ng napansin kong umiiyak na sya.

'Vice kailangan kong makita ang diary! Tulungan mo ko please!' Pagmamakaawa nya.

Hindi ko na makuhang tumingin ng deretso sa kanya sa sobrang awa at guilt. Hinayaan ko muna syang umupo at pakalmahin ang sarili nya. Maya maya lamang ay nakita ko si Charlene.

'Anong ginagawa mo dito?' Tanong ko kay Charlene.

'Wag kang maingay baka magising sya!' Nakangisi nyang saad.

-----
I'm back!!!!  Hahahahah! Super busy ko for the past weeks kaya di naka ud. Super tagal na nung last na ud ko kaya sorry po.. 😔😔

Hope you like this one!

Vote and comment po! God bless everyone! 😘

To już koniec opublikowanych części.

⏰ Ostatnio Aktualizowane: Oct 02, 2019 ⏰

Dodaj to dzieło do Biblioteki, aby dostawać powiadomienia o nowych częściach!

Unbreakable (LeAga) Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz