Chapter Four

167 9 0
                                    

Selos ka?
-----
Aga

Mahirap mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung ang taong yun ang nagbigay ligaya sayo. Ilang taon na ang nakaraan pero dama ko parin ang bawat haplos at bawat halik na binigay nya. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakikita ko ngayon ang katauhan nya kay Lea, o sadyang nangungulila lang ako sa presensya nya.

Dahil sa isiping iyon ay napagpasyahan ko na pumunta sa pinakapaboritong restaurant namin ni Cha ngunit hindi ko inaasahan ang madadatnan ko.

Si Lea na may kasamang ibang lalaki.

Hindi ko maintindihan itong puso ko. Sobra akong nasasaktan. Parang pinipiga habang tinutisok ang puso ko. Hindi siya si Cha at lalong hindi sila magkapatid dahil magkaiba sila ng apelyido.

Maria Charlene San Jose at Rachelle Lea Aguilera.

Dalawang taong magkaiba ng pangalan pero pareho ng mukha at pareho ring nagbigay sakin ng kakaibang pakiramdam. Sino kaba talaga Lea?

Kahit na alam kong makikita ako ni Lea ay tumuloy parin ako sa loob ng restaurant. Hindi ko nalang sila pinansin upang magmukhang hindi ko sila nakita. Umupo ako sa may tamang layo mula sa kanila. Hindi ko alam kung napansin ako ni Lea pero naririnig ko ang pinag-uusapan nila.

'Babe? I'm really shocked that you went all the way from the west just to be here..' Sabi ni Lea dun sa lalaki. Jowa nya kaya yun? Babe daw eh.

Bakit? Selos ka?

Hala! Bakit naman ako magseselos? Di ko naman sya girlfriend o asawa! Lalong hindi ko sya kaano-ano.

Pero bakit ganito yung nararamdaman ko? Ang sakit ng dibdib ko!

Sabi na eh nagseselos ka eh!

Hindi nga ako nagseselos!!!!

Ok? Bakit sila nakatingin sakin? Hala! Nasabi ko ba yun ng malakas? WTH lang!!! Pati tuloy atensyon ni Lea nakuha ko! Patay na!!

'Aga?' Saad ni Lea. Ok.. Aga! Calm down! Wag ka paapekto!

'Lea! You're here!' Yan! Napaenglish tuloy! Kainis naman!

'Yeah, I'm here.. How 'bout you? What are you doing here?' Nakakunot noo nyang tanong.

Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko o kung anong irereact ko. As if on cue, may biglang tumawag sakin.

'Aga! Love!'

'Vell?' ok.. Save by the Vell! Salamat naman pero bakit sya pa Lord? Patay nanaman ako nito kay Tori.

Ayaw kasi ni Tori sa kanya at hindi ko naman alam kung bakit... Siguro sadyang hindi lang magaan ang loob ni Tori sa kanya... Sinusubukan naman ni Vell na makuha ang loob ni Tori pero wala eh... No effect!

'Sorry to keep you waiting!' Saad nya ng may kalakasan ng oras na makalapit na sya sa table ko.. Hinalikan nya ako sa pisngi at hinawakan ang balikat ko.

Wala naman akong natatandaan na may usapan kami ngayon ah...

'Who is she Ags?' Tanong ni Lea sakin.

Oh my gee!

'Vell, Aga's Fiancé! You?' Patay!!!! Naku ka Vell!

'Lea, Daughter of his boss!' Simpleng pagpapakilala pero alam mong hindi papatalo..

'Oh! Nice to meet you LEA!'

-----
Lea

What just happened? Mejo nakakainis ah! Akala mo naman kagandahan...

'Babe? You ok?' Hindi ako ok Rob.. Hindi ako ok! Hmp!!

'Yes babe I'm ok!' hayst!

Nanatili lang akong tahimik pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin ng fiancé daw ni Aga. Nagsasalita lamang ako kapag tinatanong ako ni Rob! Hayst! 

I'm still shocked! Akala ko walang girlfriend/fiancé si Aga.

Eh pakielam mo ba?

Pakielam mo rin?

Bakit ba ko nakikipag usap sa sarili ko?

Leaaaa!! Umayos ka nga!

'Babe? Let's Go!' Tapos na pala kami.. What the freaking F! Lea!

I don't know about this feeling! I'm getting nervous and excited at the same time.. maybe because Rob is here.. that's all.. Keep Calm Lea!

Nakauwi na kami sa bahay at hindi na rin nagtagal si Rob because he needs to do something that cares about his work!

'Ay Shocks! Yung Diary!

Naalala ko bigla yung Diary na nahanap ko! Saan ko nga ba yun nilagay?

Hinanap ko ulit yung Diary. Oh my gosh! Sobrang bilis ng tibok ng puso ko! Hindi ko maintindihan!!!

After 30 mins na paghahanap ay nakita ko rin ito sa cabinet ko! Hayst! Eto na!

'Your Second Life' pagbasa kong muli sa title ng Diary!

Naguguluhan talaga ako sa kung anong nasa loob ng Diary na ito! Hindi kaya?

Hindi!!! Lea ano kaba!!!

Binuksan ko na ang Diary at may paunang salita...

Kung nababasa mo na ang Diary nito ibig sabihin lang na magaling kana o naguguluhan ka na sa lahat ng nangyayari sayo... I'm very sorry sa lahat ng ginawa ko!

Hindi ko alam kung paano mo ito nahanap pero sigurado ako na may kinalaman dito ang kumukunekta sa puso nating dalawa.

I will be just here... Babalik ako sa tuwing nalulungkot ka ng sobra at tuwing gusto mong umalis sa realidad...

Siguro nagtataka kana ngayon kung bakit ganito ang paunang salita ko... Pero gusto ko lang malaman mo na mahal na mahal kita at handa akong umalis kung masaya kana... Magpapaubaya ako at ibibigay ko sayo ang lahat!

Kilala mo narin siguro ang taong mahal ko! Alam ko naman kasi na isa yun sa makakatrigger sayo para hanapin ang mga kasagutan sa lahat ng tanong mo!

Salamat sa Ilang taon na pinahiram mo saakin! Hayaan mo! Sa oras na buo kana at masaya kana hindi na ko babalik para guluhin ka... Mahal na mahal kita! Tandaan mo yan ha!

Ako ay ikaw at ikaw ay ako pero magkaiba tayo!

-Maria Charlene San Jose Aguilera!

-----

Alohaaaaa!!! Hahahahah! Nakakalokaaa!! Pasensya na po sa super super bagal na update! Sobrang dami lang talaga na events and such na nangyari! Glory To God at natapos ko na rin! Heheh! 

Sa mga nag intay po! Ayan na po! Super sabaw lang at maikli hahaha!!

And thank you to my Mama Sophiaaa sa cover!!! Gandersss!! Labyuuu!! 

Salamat everyone! God bless!! 😘😘😘

Unbreakable (LeAga) Where stories live. Discover now