Nilapitan ng matanda si Margaux at inenspeksyon ngunit wala syang naramdaman na kahit ano. Wala syang naramdamang init na gaya ng naramdaman nya noong dumating ang may hawak ng susi ng kaharian ng dyosa.

“Iwan na muna natin sya sa silid na ito… kailangan nating tumulong sa kaguluhan sa labas na sanhi ng mga mangangasong nanghimasok sa ating teritoryo…” wika ng mangkukulam sa mga ito. Walang salita salita at sabay sabay silang lumabas ng silid ng babae.

*

Pinakatitigan ni Tristan ang asawa na nakahiga’t payapang natutulog sa kama. Nagaalala sya dahil baka kung anong mangyari sa asawa o baka may tinirang maliit na karayom na may lason na unti unting kumakalat sa kantawan ni Margaux. Maraming posibleng kapahamakan ang naiisip ni Tristan sa asawa na wala paring malay hanggang ngayon. Nagaalala narin sila Mitsuo, Miyasaki at ang mga kaibigan ni Tristan kasama na ang kamaganak at kakilala nila.

“Tristan… may paguusapan daw tayo at kailangan lahat tayo kompleto,” lumingon naman si Tristan at nakita nya si Miyasaki na seryoso ang mukha. Tumango lang sya at hinalikan ang noo ng asawa bago lumabas ng silid kasama si Miyasaki.

Pagkaratig nilang dalawa sa bulwagan ay marami nang mga opisyales na nandoroon upang dumalo sa pagpupulong. Agad pinuntahan ni Tristan si Merlin nang makita sya ng lalaki. Gusto man makita muna ni Merlin ang pamangkin ay importante ang bagay na paguusapan sa pulong na ito dahil konektado ito sa nangyari kanina lang.

Pagpasok ng Alpha King ay syang pagtahimik ng lahat at nasa kanya ang buong atensyon. Sinabi nya ang bawat detalyeng nangyari sa mundo ng mga tao sa pagatake ng mga mababang uri ng mga lobo’t iba’t ibang nilalang hanggang napunta sa usapang Hunter.

“Merlin… kumikilos na naman yung organisasyong hindi natin kilala at mas lalong lumalakas ang kanilang pwersa’t nakapasok na sila sa teritoryo ko…” wika ni Mitsuo kay Merlin na nakaupo sa kanyang wheel chair. Malungkot namang ngumiti si Merlin at may ibinigay na sulat kay Trisha upang ibigay kay Mitsuo. Nang matangap ni Mitsuo ang sulat ay agad nyang binasa ito.

Bigla namang lumambot ang kanyang ekspresyon nang mabasa nya ang nakapaloob sa sulat. Tinignan nya si Merlin na nakangiti sakanya ngunit ito’y malungkot.

“Gawin mo kung anong tama…” wika nito kay Mitsuo habang nakangiti ng malungkot. Tumango lang si Mitsuo bilang sagot.

“Makakaasa ka…” buo ang loob na wika ni Mitsuo sakanya. Tumango lang si Merlin at—“Pwede ko bang makita ang pamangkin ko?” tanong nito pero sa pandinig ni Mitsuo parang nakikiusap itong makita ang kanyang pamangkin. Tumango nalang si Mitsuo bilang pagbibigay permiso kay Merlin upang makita ang pamangkin.

Tahimik na binabaybay ni Merlin ang malaking pasilyo ng kaharian patungong silid ng pamangkin. Marami syang iniisip at sumasakit lamang ang kanyang ulo. Kamuntikan na nga syang lumagpas sa silid ng pamangkin kung hindi pa sabihin ng kanyang kanang kamay. Napabuntong hininga nalang si Merlin bago tumuloy sa silid kung na saan ang kanyang pamangkin.

Pagpasok ni Merlin sa loob ay nakita nya agad ang pamangkin na payapang nakahiga sa kama. Bigla nyang naalala ang itsura nito sa loob ng kabaong na ang buong akala nila ay wala na itong buhay. Nilapitan nya ito ngunit sa kanyang Paglapit ay syang pagbuhos ng kanyang luha na kanina nya pa pinipigilan simula nang pumasok sya sa silid.

Nang makalapit na si Merlin ay hinawakan nya ang kanang kamay ng pamangkin na kasing lamig ng yelo. Para syang sinaksak ng paulit ulit dahil parang bumalik na naman sila sa panahong nakaratay ito sa kanyang kabaong.

“Sweetie~ Margaux…” pigil hiningang wika nya upang hindi sya pumiyok. Hinalikan nya ang kamay ng pamangkin.

“Marg… alam kong hindi mo ako naririnig pero… mahal na mahal na mahal ka ni Tita Merlin…” wika ni Merlin habang lumuluha. Hindi na nya napigilan pa ang pagiyak nya sa sakit, galit, at poot na kanyang nararamdaman.

THE IMMORTAL: TRAIL OF LOVE ✓Where stories live. Discover now