CHAPTER TWENTY-THREE

1.8K 34 0
                                    

LOVE

Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko

"Minahal ko siya ng sobra inalagaan ko siya kahit hindi kami magkakilala na rape kasi si keisha . Kidnapped for ransom sana ang balak nila at si timothy ang balak nila takutin pero number ko kasi ang nakuha nila . Tinulungan ko si keisha at napamahal ako sa kanya noong inalagaan ko siya . Bumalik kami at doon nakita ko na apektado pa din siya sa paghiwalay nila ni timothy alam ko naman sa sarili ko na mahal niya pa si timothy pero lagi niya kasing sinasabi na mahal niya ako kaya mas nahuhulog ako sa kanya . May meeting ako sa UK kaya bumalik ako doon . Pag uwi ko dito nakita kong magkahalikan si timothy at si keisha . Lumuhod din siya sa harap ko nagmakaawa na wag ko siya iwan . Pabalik na kami ng UK noon bumalik lang kami sa bahay ni timothy kasi may mga gamit siyang naiwan doon tapos nag away kasi kami ni timothy noon nag suicide siya sinubukan niyang magpakamatay at sa mga oras na yun doon ko nakita kung gaano kamahal ni timothy si keisha " tahimik lang akong nakikinig sa kwento niya

"Binigay ko na siya kay timothy kahit sobrang sakit iniwan ko siya kasi alam kong si timothy ang magpapasaya sa kanya . Mahal ko siya pero alam kong mas mahal siya ni timothy she deserve timothy at ayaw kong ako pa ang humarang sa kasiyahan nilang dalawa" pinaglalaruan niya ang buhok ko dahil nakatalikod na ako sa kanya pero nakayakap pa din siya sa akin

"Yes binigyan ko ng company si keisha yung cleishia pero hindi ko na binalak kunin iyon dahil pinaghirapan niyang buoin iyon pondo lang ang galing sa akin siya nagpalago noon . At yung pera oo short ako noon kaya pumayag ako sa gusto ni daddy kailangan ko yung perang nakapatong sayo . Pero bumalik si keisha sa UK binalik niya yung pera sa akin ng walang bawas kaya nagpasalamat ako sa kanya pero hindi ko na kinuha yung cleishia sa kanya . Wala naman na akong balak ipagpatuloy ang agreement kasi nga hindi ko na kailangan ang perang iyon pero bigla kang pumasok sa buhay ko" sabi nito sa akin pilit niya akong hinarap sa kanya

Namumula na ang ilong nito at kanyang mga mata

"Natakot na akong iwan mo ako kasi tingin ko wala ng saysay ang buhay ko kung ganon. Balak ko naman sabihin sayo yung kay keisha pero pag kasal na sana tayo . Akala ko hindi na kita mahahanap halos mabaliw ako kakaisip kung san ka pumunta o kung may nangyaring masama ba sayo" hinawakan nito ang pisngi ko

"Akala ko hindi mo na talaga ako mahal" sabi nito at tumulo na ang luhang naipon sa kanyang mga mata

Pinunasan ko iyon

"At bakit mo naman inisip yun?" sabi ko sa kanya

"You rejected my proposal"sabi nito sa akin

"I'll marry you" sabi ko sa kanya sabay hinalikan ang kanyang labi naistatwa ito

"Are you damn serious?" tanong nito sa akin

Tumango ako agad itong bumangon at hinanap ang pantalon niya kinuha ang singsing sa bulsa niya hinila niya ang kamay ko at isinuot niya iyon .

"Tamang tama ah" sabi ko sa kanya habang tinitignan ang singsing na diamond ngunit parang may red sa gitna

"customize yan ikaw lang may singsing na ganyan " sabi nito tinuro niya yung pula sa loob "That's my blood dahil mula sa araw na ito I own you" sabi nito sabay yakap sa akin ulit

"Hindi mo na ako itatago?" tanong ko sa kanya umiling naman ito

"Sa anniversary ng company ko ia-announce ko na fiancee na kita. At ikaw ang babaeng mahal na mahal ng president nila" sabi nito sa akin agad naman akong kinilig

"Matutulog na ako love, mula kagabi wala akong tulog kakaisip sayo" sabi nito nakonsensya naman ako kaya hinayaan ko na siyang makatulog

Nang makatulog na siya nagdamit na ako . Pinalitan ko ang tshirt ko dahil pinunit niya ito buti na lang may extra akong damit itong lalakeng ito talaga masyadong nang gigil .

Pinunasan ko ang pawis niya dahil kahit shirtless na ito pawis na pawis pa din ito

"Mae, mae please I beg you" nanaginip siya at hanggang sa panaginip niya ako pa din ang iniisip niya

"Im here" sabi ko sabay yakap sa kanya agad naman niyang nakuha ulit ang tulog niya

--------------------

Nakatulog ako ngunit bigla akong nagising tapos hindi na bumalik ang antok ko binuksan ko na lang ang tent at inantay ang pagsikat ng araw

"Ang aga mo naman magising" sabi nito at lumipat ng pag kakahiga . Nakaunan siya sa paa ko nakabaluktot habang naka indian set ako.

Hindi ko ito sinagot at pinanatili ang tingin sa malayo

"Ang lalim naman ng iniisip mo" sabi nito

"Naisip ko lang paano mo siya nakayanan mahalin kahit alam mong may mahal naman na siyang iba . Anong special sa kanya?" tanong ko

"Ito nanaman ba tayo?" inaantok na tanong nito

"Im just curious hindi naman kita aawayin" sabi ko

"She look like my mother noong dalaga ang mommy ko kamukhang kamukha niya si keisha . Siguro may kunting pagkakaiba pero ganun" sabi nito

"Kaya pala, ganun pala wala na pala akong laban kamukha siya ng mommy mo eh . She always remind you, your mother" sabi ko

Umiling ito

"Siguro nga kamukha niya ang mama ko . But the love and care that my mom gave me . I felt that when you came into my life. Kaya wag ka na ma insecure I love you more than you think " sabi nito at kulong ng mukha niya sa tiyan ko

"Nakikita ko na mae" natatawang sabi nito

"ang alin?" sabi ko

"ang baby ko, na de-develop na" sabi nito sabay siksik pa ng mukha niya sa tiyan ko

"Siraulo ka talaga" sabi ko sabay batok sa kanya

The President's SecretWhere stories live. Discover now