CHAPTER EIGHT

1.9K 36 0
                                    

QUARREL

ECHO'S POV

Natapos ang meeting naman nandito pa din ako sa taas VIP kasi kitang kita ang mga tao sa ibaba dito

"Alam mo hindi ko alam trip mo pero sigurado ako hindi maganda ang kalalabasan ng plano mo" sabi ni timothy at abot ng whisky sa akin

"What are you talking about?" tanong ko sa kanya

Turo niya kay Mae

"Secretary mo siya yaan ang tingin nila, hindi mo siya fiancee" sabi nito sa akin

"Its okey hindi ko naman siya mahal" sabi ko

"Baka akala mo lang na hindi mo siya mahal kasi yung sakit na binigay ni keisha nanjan pa din and I'm sorry for that" sabi nito sa akin

"I understand alam ko namang sa mga panahon na yun hindi ko matutumbasan yung pagmamahal niya sayo" sabi ko sa kanya

"I hope the best for you bro. Ikaw ang dahilan kung bakit kami masaya ulit ngayon binalik mo siya sa akin ng walang alinlangan . Sana maipaglaban mo din yung alam mong para sayo" sabi niya sa akin agad naman may yumakap sa kanya mula sa likod

"Echo, long time" sabi ni keisha at beso sa akin

Nginitian ko lang sila . Gumawa ako ng tama alam ko iyon .

MAE'S POV

Hanggang ngayon si Raizen pa din ang kasama ko

"Next time punta ka sa restaurant ko lilibre kita ng kahit ano" sabi nito nginitian ako

"Bakit ka ba nandito sa baba? Ang VIP nasa taas ah" nagtataka kong sabi

"Wala kasi akong close doon na O-Op ako sa kanila bago lang kasi ako sa business industry yung daddy ko kasi namamahala nito noon pero kasi medyo may katandaan na siya kaya pinamana niya na sa akin si Echo Ford at Timothy Tan sila yung halos pro sa mga business business . Magaling silang maki negotiate sa isang tao walang kupas wais sila sa negosyo" sabi nito tumango ako well mukha totoo iyon

"nakita ko si echo kanina, gusto ko sana siya lapitan pero naging masungit na siya"

"Balita ko mahilig ito sa good kisser"

"ay pwede ako" maharot na sabi ng isang babae yaan ang chismis nila

Natawa si raizen " buti na lang hindi ka nila kasama ang ewan ng pinag uusapan nila yung boss mo pa" sabi nito

Kunwaring natawa na lang ako "hindi ko nga alam iyon" sabi ko sabay tawa bwisit ! Good kisser pala ang gusto ah

Anong oras na lumalamig na ang simoy ng hangin .

"nilalamig ka?" tanong nito sa akin

"Parang ganun na nga hindi kasi ako sanay sa suot ko" sabi ko agad naman nitong inalis ang tuxedo nito at nilagay sa akin

"thank you" sabi ko biglang may nag alis ng tuxedo na nakalagay sa akin binalik niya ito kay raizen at mukhang nakainom na ito

"Hindi niya yan kailangan" sabi ni echo 

"Echo, pwede ba ! Nagpapakita lang ng kabutihan yung tao" iritang sabi ko sa kanya

Tinawag niya si hans at may binigay si hans na jacket yun ang pinulupot niya sa akin

"Tara na, gusto ko na umuwi" sabi nito sa akin at hila sa akin

"Goodbye" paalam ko kay raizen

"See you" sabi nito at tumango na lang ako sumakay kami sa kotse at nagmaneho na si Hans pabalik sa bahay nila echo .

Padabog na sinara ni echo ang pinto ng makarating kami sa bahay nito inalis ko ang heels ko dahil hindi ko siya mahabol sa sobrang bilis niya maglakad

"Ano bang problema mo?" sigaw ko sa kanya pataas na sana ito tapos bumaba ulit siya para magkaharap kami "nakakabastos ka na kanina pwede mo naman sabihin ng maayos iyon" sabi ko sa kanya nakahanap ako ng kaibigan kanina kasi iniwan niya ako tapos gaganunin niya lang

"Ikaw, ikaw ang problema ko" turo nito sa akin

Tinabig ko ang kamay niya "Anong ako? Ikaw itong may attitude problem tas ako pa ang problema mo?" iritang sabi ko sa kanya malakas na ang loob ko kasi may alcohol na halo yung iniinom namin ni raizen kanina

"Pinunta kita doon bilang secretary ko tapos makikilandian ka sa ibang lalake" bulyaw nito

"ANO! LANDIAN? binigyan niya lang ako ng tuxedo kasi nilalamig na ako sa suot ko landian?" bulyaw ko din sa kanya

"May mapapangasawa ka na hindi tamang gawin yun" singhal niya

"ay talaga ? Nasaan ba yung mapapangasawa ko noon iniwan ako sa baba hindi ba ? Ikaw nagsabi sa akin na wag na ako tumaas" inis na sabi ko sa kanya "Bakit echo? Kasi hindi ako belong doon kasi secretary mo ako sa labas at fiancee mo ako pag wala ng matang naka masid sa atin" sabi ko

"Ikaw ang pumili na maging secretary ko tapos ngayon nagrereklamo ka" nagsisigawan na kami at nakatingin na ang mga maid sa amin kahit si hans hindi na makapag salita

"Kasi binubulok mo ako sa condominium na binili mo sa akin nakatago ako sa pangalan na Echo James Ford . Tinago mo na may mapapangasawa ka na bakit kasi hindi mo matangap ? Gusto ko lang mapalapit sa asawa ko kasi wala ng ibang paraan wala na akong ibang maisip na paraan para mapalapit sayo kasi hindi mo ako trinatrato na mapapangasawa .Why echo ? Why do you hate me? What did I do? Para maging isang President's Secret"

Hindi ito nagsalita

"Bahala ka na sa buhay mo" sabi ko sa kanya at tumaas na .

Pag pasok ko sa kwarto ko doon ko naalala na may ipapaalam pala ako sa kanya . Nagsigawan pa kami landian ba kasi yun? Nakakapikon siya

Pag ako napuno isisigaw ko talaga sa lahat na ako ang mapapangasawa niya. Hindi na siya nakakatuwa ah !

The President's SecretOnde as histórias ganham vida. Descobre agora