Chapter 21: My First Attempt

Start from the beginning
                                    

Hinintay ko siyang sumagot habang nagriring. Pero . . .

"Hello? Sino 'to?"

Kilala ko yung boses na 'yon.

"H-hello," sagot ko. "Puwede po ba kay.Marj?"

"Sino 'to?"

"Si . . . Si Xei po."

"Xei?" excited na sagot ni Kyle sa likod ng telepono. Damn, sabi na nga ba. "Xei! Uy! Astig! May phone na kayo?"

Tapos somewhere sa background, narinig ko yung boses ni Marj na sumisigaw, "Akin na nga 'yan! Peste ka!" Nagkagulo sa kabilang linya hanggang sa mas malinaw kong narinig si Marj. "Xei, ikaw ba 'to?"

"Yup."

"I'm sorry," sabi niya. "Pakialamero kasi 'to!" Tapos narinig ko si Kyle na may sinabi pero hindi ko na masyadong narinig.

"Bakit siya andiyan?"

"Bigla lang niya trip pumunta," sagot ni Marj. "Since close nga families namin. P-pero, uy, baka mamaya"—tapos hininaan niya yung boses niya—"iba isipin mo."

"Hala! Hindi naman."

"Good, kasi kapag iba yung inisip mo, hahagisan kita ng holy water. Di ko siya type. Sa ugali nito? Ewan ko ba kung bakit—"

"M-Marj!" sigaw ko. Baka kasi masabi niya bigla nang hindi sinasadya.

"Ay, sorry!"

"Anyway . . . sa 'yo ko lang balak sabihin na may phone na kami."

"Pucha! Sorry talaga!"

"Okey lang. Nangyari na. Teka, ito na lang. Wag mo nalang sabihin yung cell phone number ko."

"Ano cell number mo?" sabi ni Kyle. Damn! Ano na naman 'yon? Galing sa kabilang linya?! Paanong nangyari na—

"Hoy, Kyle!" sigaw ni Marj. Inilayo ko tuloy yung tenga ko sa telepono. "Ano ba! Wag ka ngang parang makulit na bata! Ibaba mo yung phone!"

"Ayaw niyo nito," sagot naman ni Kyle. "Three-way?"

"Hindi three-way! Ang tawag sa ginagawa mo, invasion of privacy. Ikaw na nga 'tong nanggulo ng buhay ng may buhay—"

"Xei, anong number mo?" tanong pa rin ni Kyle kahit na nagsasalita pa rin si Marj. Mukhang wala na yata akong magagawa. Ala na nga ngayon ko pa i-deny. Nakakaiyak naman. Dapat pala talaga, hindi na 'ko tumawag kay Marj. Nakabuntot pa pala sa 'kin ang malas.

May choice ba ko?

"Teka! Wag, Xei!" sabi ni Marj. "Kyle, ano ba! Wag mo nga kaming istorbohin!"

"Ano bang meron at ayaw mo ipasabi kay Xei yung number niya sa akin? Nagseselos ka, 'no? Di ka pa ba moved on sa 'kin? Please lang, parang tita na kita, Marj."

"Pucha! Sumbong kita sa nanay mo mamaya. Ang kapal din ng—"

"Teka, Marj," pagtigil ko. "Ito na yung number ko. Kailangan ko na kasi 'to ibaba"

So 'yon. Sinabi ko na. Tuloy-tuloy para di na makaimik si Marj. Tapos, nagpaalam na ako.

Oo, in a way, medyo naasar ako. Pero di naman yata tama 'yon kasi wala namang ginagawang masama si Marj. Yung timing lang ng pagtawag ko sa kanila ang pangit. Ayan tuloy. Nasira na ang araw ko.

Hindi ko na alam. Gusto ko na naman umiyak. Pero napakababaw naman kung iiyak ako sa gano'ng dahilan.

Maya-maya, tumunog cellphone ko.


INBOX

Marj: xei, marj to. sorry. :(( wag ka magagalit sakin ah? wrong timing e. papatayin ko na siya para sayo.

548 HeartbeatsWhere stories live. Discover now