Chapter 3

3 0 0
                                    

Pagkababa ko iilan nalang ang tao. Tumingin ako sa Porcelain Dolls wala na si Mr.rich at yung bata ro'n.

Eh ba't ko ba tinignan? 

Pake ko ba kung umalis na ang mag-ama. 

"Nak, ikaw nga muna rito sa counter, please. Nawiwi na si oka," mouth shout ni papa na wala namang tunog.

"K."

"P4,888 po" punch ng punch ako sa register.

"Salamat po, come again."

Naghintay ako sa susunod na magpatotal ng price.

Based on my peripheral vision may tao namang nakatayo sa harapan ko pero wala namang nilagay na doll sa mesa.

Nakayuko lang kasi ako para kung may magpatotal diretso na punch.

Haay, may nakapasuk na naman siguro ritong baliw, manghihingi ng pera. 

"Ito po, oh" abot ko sa kanya ng 20 pesos nang hindi man lang sya tinignan.

Kanina ko pa ito inabot sa kanya ang 20, ah. Bakit ayaw tanggapin kulang pa ba to?

Nairita na ako ah.

Dinagdagan ko ng 10. Mabait kasi ako.

"Tanggapin niyo na po manong nangangalay na po ang kama--- Hutson?" nagulat ako, kasi pag-angat ko ng tingin hindi naman pala baliw ang nasa harapan ko kundi ang nag-iisang Hutson, hindi ko alam apelyido niya.
Sikat siya sa school, kasi naman captain sya sa varsity. Pero hindi naman ako fan ng mga ka-ek-ekan jan kaya pangalan lang niya ang alam ko.

Si Sheiny, bespren ko baliw at adik sa kanya. Eh kaw nga mon-to-fri makakarinig ng "Ang gwapo ni Hutson- Ang hot ni Hutson- Nagwink sakin si Hutson," hayss monday na nga pala bukas, back to school na naman. Panigurado mabo-bore na naman ako. 

"Wala kaming panindang bola, jersey, rebook, mejas, sapatos, at towel kung yan ang mga hinahanap mo." bored kong sabi sa kanya. 

Ano ba naman kasi ang ipinunta niya rito.

"I know. But Suzie can we talk?"

Syempre kilala niya ako. Ako lang naman kasi ang utosan ni Sheiny sa mga chubachuchung ibinigay niya kay Hutson like: chocolates, letters, tubig, towels, extra t-shirts, pagkain at minsan pa nga stolenan si Hutson. 

Best of all the best friend ako noh?

"May trabaho ang tao," sabi ko  sa kanya.

"Please." 

"Umalis ka na nga ang daming nakapil--" ay napahiya si oka wala na naman palang ibang nakapila kundi si Hutson lang.

"Please, Suzie."

"Kung ang pag-uusapan lang naman natin ay tungkol sa mga ibinigay kong mga chubachuchu sayo, FYI kay Sheiny yon galing."

"I know. Hindi naman tungkol jan, eh"

Tinitigan ko siya na may kahalong pagtaka.

"Makikipagdate ka sakin, ano?"

"Parang ganon na nga."

"ALIS!"

"Ayoko," pagtanggi n'ya.

"alis sabi, eh!"

-----
"Ano ka ba naman, Suzie. Bakit mo naman pinaalis yung tao? Napahiya tuloy," pagreklamo ni Sheiny sa ginawa ko kahapon. Kwenento ko kasi lahat sa kanya.

Andito na nga pala ako sa room namin. Chicka muna daw, kasi wala pa si ma'am Tores, ang advicer namin at first subject this morning.

"Sheiny, hindi ako, si ikaw noh."

A Doll House for Change Where stories live. Discover now