Chapter 40 Returning Home

152 5 0
                                    

Nang mga sumunod na araw nila sa Villa nagigising si Shantal na wala na si Brent sa bahay. Pinaghahanda lamang siya nito ng pagkain na kadalasang iniiwan nito sa dining room. Naglalagay ito parati ng isang tangkay ng rose tuwing umaga sa harapan ng pintuan ng master's bedroom ngunit wala man lang note na iniiwan for her. Kapag pinupuntahan niya ito doon sa farm ng lihim nakikita niyang masaya itong tumutulong sa mga tauhan nito. Minsan naman kapag sinusundan niya ito ng lihim nakikita niyang umaakyat ito sa tuktok ng burol na tahimik na umuupo lamang ng ilang oras. Di rin niya nararamdaman ang mga oras ng pagbalik nito sa Villa tuwing gabi na. Natapos ang buong honeymoon nila na di na siya nito inistorbo ni lapitan man lang, mas pinili nitong bigyan siya ng privacy ayon sa pangako nito.

Brent felt so much emptiness the entire vacation they spent in his Villa. He spent most of his time doing things that made him feel better. Tuwing madaling- araw he secretly sneak to Shantal's bedroom staring at her quietly without disturbing her sleep, the agony and loneliness in his heart make him do it. He wanted to show how much he cares for his wife yet he also knew she hated him so much.

Natapos na ang dalawang linggo nilang bakasyon at ngayon ang araw ng balik nila sa Maynila. Maaga siyang nagising at inayos lahat ng gamit niya. Nagtungo siya sa master bedroom at kumatok. Inantay niyang pagbuksan siya ng pinto ni Shantal. Ilang minuto ang lumipas bago nito binuksan ang pintuan.

"What do you want?" she said while she looks sleepy

"Today is our day to return to Manila. I prepared your breakfast, you can go downstairs now and please hand me your luggage so I can put it in my car". He said gently.

"I still feel sleepy. Why you bothered my sleep, so early?" nakasimangot ang mukha niya ng sagutin ito

"I---- I'm sorry if I bothered your sleep but we need to leave early to avoid heavy traffic along the way".

"Nakakainis! Umalis kana bababa ako maya konti, maliligo lang ako".

"Okay!" maikling sagot ni Brent at tumalikod na ito

Pansin ni Shantal ang indifference ng asawa. Di ito nakikipagtalo sa kanya tulad ng dati mas lalo itong naging aloof. Matapos mag-agahan at maisakay ang gamit nila, tahimik itong nag-drive. Tanging tutok sa daan lamang ang tingin nito. Ni hindi rin ito kumibo ng di siya sumakay sa harapang bahagi ng kotse. Pinagbukas siya nito ng pintuan ng kotse ngunit umismid lamang siya at binuksan niya ang likurang bahagi at doon sumakay. Sinara lamang nito ang pintuan at di rin umimik hanggang sa nakaalis na sila ng Villa. She doesn't know why Brent ignored all her rudeness, he just remain so silent along the way until they arrived home.

Pagdating nila ng Mansion pinuntahan niya ang Daddy niya sa kwarto nito ngunit wala ito doon. Nagtanong siya sa Yaya Santina niya ngunit ayon dito di pa rin ito umuuwi mula ng umalis ito sa bahay nila. Nagtataka man di na rin siya nag-usisa. Nagtungo na lamang siya ng kwarto at gabi na ng magising siya. Nang bumaba siya ng dining room para kumain, agad siyang pinaghain ng Yaya niya.

"Yaya, asaan si Brent?" tanong niya rito

"Ah di ba nagpaalam sayo? Umalis kaninang mga bandang alas dos ng hapon, bitbit ang luggage niya ulit, di ko na rin tinanong kasi mukhang nagmamadali rin." sabi nito

"I went to sleep kaya po di ko namalayan na umalis siya". Pasado alas diyes na ng gabi ng tingnan niya ang wrist watch niya. Matapos kumain bumalik siya ng kwarto at nagmessage sa messenger nito ngunit nakita niyang ilang araw na rin itong di nagbubukas ng social media account. Sinubukan niyang tawagan ang cellphone nito nganut naka-off din. Lalo bumangon ang hinala sa puso niya ng may pinaplano nga itong masama against her.

Nang mga oras naman na iyon nasa office pa rin si Brent. Tapos na niyang nareview lahat ng reports na tambak sa table niya. He is dead tired and leaning his chair while closing his eyes. He brought his luggage and he had asked Erick to stay in his condominium, as usual pumayag ito at di na nagtanong pa. Pinahatid nito sa driver ang susi ng condo sa opisina niya. Laking pasalamat niya na lagi itong umuunawa sa tuwing nakikiusap siyang tutuloy muna sa condo unit nito. He opted to remove his sim card dahil ayaw muna niya ng istorbo. Alam niyang tatawagan siya ni Shantal at kung anu- ano na naman ang sasabihin nito against him kaya mas pinili niyang umiwas muna.

Love and RevengeWhere stories live. Discover now