Chapter 26 Edward's Current Condition

148 4 0
                                    

Nakaalis na si Shantal ngunit di pa rin mawala sa isip ni Brent ang reaksyon ng mukha nito. Nalilito siya dahil galit na naman ang dalaga. Nawalan na siya ng ganang kumain. Nagtungo siya sa washroom sa loob ng office niya, tiningnan ang namumulang pisngi. Bakat pa ang kamay ng sampal sa kanya ni Shantal. May meeting siya today kaya dali-dali siyang lumabas matapos maghilamos dinampot ang telepono sa harapan niya.

"Mica please come to my office!" sabi niya sa secretary niya. Ilang saglit lang pumasok na ito at nagulat ng makitang namumula ang pisngi niya.

"Sir Brent, bakit po namumula ang pisngi niyo? Okay lang po ba kayo?"

"Yeah, I'm fine, please go to the infirmary and get some ice-pack for me."

"Sir nakita ko po kanina pumasok si Maam Shantal, nagulat po ako ng dumating siya bigla. Di ko na po pinigil dahil ng binati ko po, tiningnan lang ako. Ang sungit po ng mukha niya"

"Don't mind her she may be upset. Please go now and bring an ice pack here." Quickly Mica nodded and then leave in his office.

He need to remove the redness in his face because he has an important meeting. Si Mica naman batid nitong nag-away silang dalawa dahil dinig mula sa office ni Brent ang malakas nitong boses kanina. Di nga lang niya magawang magtanong pa sa boss niya dahil batid niyang tahimik at strikto ito.

Sa kabilang banda naman ng mga oras na iyon nasa hospital si Edward Rodriguez kasama ang assistant niyang si Allan. Nasa isang private room sila. Inantay ang kaibigang Doctor.

"Allan, have you already arranged everything? Brent and Shantal wedding must be properly executed."

"Yes sir Edward. Maayos na po lahat. Actually kahapon po ng gabi tapos na silang magsukat ng damit nila. Sir Edward wag niyo na muna isipin po ang tungkol sa kasal nila. Ang importante po ang kalusugan ninyo."

"Yeah, we should prioritize your health. Your body has been rejecting all the medicine I've infused to you," said Doctor Cruz, he suddenly appeared.

"Nah, my time is near and I felt my body becoming weak lately. Kaya ako naglalagi dito sa hospital para di malaman ng anak ko at ni Brent ang sitwasyon. Ayokong bigyan sila ng alalahanin pa. Marami pa silang kakaharapin sa mga susunod na araw." sagot ni Edward

"Stop thinking too much. You are really so stubborn not to pay attention to all my advice."

"Hayaan mo na ako Kompadre, tulad ng pinakikiusap ko sa inyong dalawa ni Allan kapag namahinga na ako agad ninyo i-crimate ang remains ko. Ayoko ng mahabang agony para sa maiiwan ko."

"Edward as your Doctor and best friend all I can say there are lots of scientific medicine that might prolong your life. Some of the hospitals in the US can give you the best treatment but you keep refusing it."

"Doc, okay na ako di ko na kailangan pahabain pa ang buhay ko. Gusto ko ng makasama sa kabilang buhay ang asawa ko. Maayos na ang kalagayan at future ng nag-iisa kong anak. May tiwala ako kay Brent na aalagaan niya si Shantal."

"Sir Edward tama naman po ang sinabi sa inyo ni Doctor Cruz, maraming paraan kong gugustuhin niyo po talaga. Ayaw niyo po bang makita ang magiging mga apo ninyo? Masaya po ang ganon na tumanda man kayo nagkaroon kayo ng chance na mahawakan mga apo ninyo sakali." sabi ni Allan

"Do not worry, I know that my life has been very productive. At tulad ng pinapakiusap ko sa inyong dalawa wag na ninyong bigyan pa ng alalahanin ang mga bata. I am sure Brent will be a good husband to my daughter kaya masaya akong lilisan sa mundong ito."

"Sir nalulungkot po ako para sa inyo. Saka di pa po ninyo nahuli ang salarin sa pagkamatay ng asawa ninyo. Pinagpapatuloy ko pa rin ang imbestigasyon hanggang sa kasalukuyan. Kung mawala po kayo, kay sir Brent ko na ibibigay ang lahat ng impormasyon".

Love and RevengeKde žijí příběhy. Začni objevovat