"Back to our main topic. Bakit mo sinuntok 'yong kaklase mo? Gene naman. Sinong nagturo sa 'yo ng gano'n?" pagpapatuloy ni Daddy sa sermon n'ya. I smiled again.

"Si Mommy!"

Napatingin si Daddy kay Mommy ng nakakunot 'yong noo. Tinignan lang din s'ya ni Mommy ng walang kabuhay-buhay.

"What? That kid needs to learn that," sabi ni Mommy. I giggled.

"Don't call her 'that kid'. She's your daughter," sabi naman ni Daddy. I giggled again.

"But that's cool!" sigaw ko pa tapos lumingon sa 'kin si Mommy para makipag-fist bump.

"So, what do you want me to call her?" tanong ni Mommy sa gwapo kong daddy na nakakunot na talaga 'yong noo ngayon. Sabi nila, sikat ang daddy ko noon sa school nila. Hanggang do'n lang lagi kinukwento sa 'kin nila tito Louie.

"I don't know. By her name? Baby? Princess? Like how other normal mother will call their daughter."

"My, my. He brought up the normal thingy," napapailing na sabi ni Mommy.

"Ate, Kuya, malalaman ba 'to ni Mom? Baka mag-alala s'ya," sabi naman ni Nevin. Aww. Sobrang gentle talaga n'ya. Pangarap kong makita si Nevin manuntok ng kung sino. Matupad kaya 'yon?

"Relax, Nev. Ako na ang magpapaliwanag kay Mom," sagot ni Mommy.

"'Yan pa nga pala. Lagi mong dinadamay si Nevin sa mga kalokohan mo, Genesis. Pati 'yang si Art. Gustong-gusto mo talagang namomroblema si Nevin, 'no?" sermon ulit ni daddy. Napa-pout na ako no'ng tinawag na n'ya ako sa buong pangalan ko. Laging sweet sa 'kin si daddy. He's the sweetest dad ever! Pero kapag tinawag na n'ya ako sa pangalan ko, means seryoso na talaga s'ya.

"Pakiramdam ko, araw-araw kong sinusundo 'yong anak ko sa prisinto," dugtong pa ni dad. Napasimangot na ako.

"They bullied Kenny! No one has the right to bully her!"

"She got a point," pagkampi sa 'kin ni mommy. Napangiti ulit ako ng malawak.

"That means you also don't have the right to hurt anyone," Daddy replied.

"Ah. Your Dad got a bigger point."

"Mommy, I thought you're on my side?!"

"I'm still calculating which side to go."

Napa-pout ulit ako. I saw Daddy looked at me in the rear view mirror. He has this beautiful dark eyes. They are always sparkling like stars! I got his eyes~

I giggled.

I love mom's eyes, too kaso hindi ko naman laging nakikita 'yon. I know, she wears contact lenses to hide it but why? Whhhyyy?!

"Mag-behave ka mamaya, baby."

Napaisip agad ako sa sinabi ni Daddy. Matagal akong nag-isip. Anong meron mamaya? Bakit ako magbe-behave? Tumingin pa ako kay Nevin pero tinignan n'ya lang din ako.

"Art, how's your dad?" biglang tanong ni Daddy kay Artanel. Napa-form ng 'O' 'yong bibig ko at tinignan si Art na nakapangalumbaba at nakatingin lang sa bintana. Nasa gitna namin si Nevin. Ayaw daw kasi n'ya ng katabing maingay. Duh, I'm expressive, not noisy. And this is our car! Ako dapat ang namimili ng katabi!

"Haven't seen him for a while, tito," sagot ni Artanel. Oww! Mabalik tayo sa daddy n'ya. He has a daddy?! Oh no! Akala ko bigla na lang s'yang nag-pop out sa mundong 'to para inisin ako. And I don't see his mom, too. Lagi n'ya lang sinasabing busy kaya 'di s'ya masundo. Siguro, 'di talaga s'ya love ng momma and poppa n'ya kaya gan'yan s'ya lumaki.

Oh, wait. Hindi pala s'ya lumaki! Pandak! Hahaha!

Sabi ni Mommy, small daw ako kumpara sa mga kaedad ko. Lagi akong nasa unahan ng pila sa school namin. Pero hindi ako pandak! Si Art lang ang pandak!

PEP2: The Dark-Eyed Prince (Published Under Cloak Pop Fiction)Where stories live. Discover now