Prologue

81 5 1
                                        

"Hi ,ako nga pala ang laman ng newsfeed mo.'Wag kang mag-alala dahil dadami pa 'yan."

Clinick ko ang share button at bumalik ulit sa pag-e-scroll. Halos shared post lahat ang timeline ko. Shitpost, memes at syempre may about sa wattpad rin.

Nag popped ang messenger ko at lumitaw doon ang mukha ng aking kaibigan.

"Babae, yung bebe mo under Mpress na. Kaloka! Dadami na naman kaagaw mo HA-HA-HA."

Inirapan ko ang kanyang mensahe at hindi na nireplayan ang panunukso niya.

I know Linus Zimmero is mine pero di talaga maiiwasan ang mga babaeng maaakit sa aking asawa.

New story, new husband. Mahirap kayang mag-handle ng- di ko na mabilang mga asawa ko, araw-araw. Hays.

"Hoy, ano ba Hera? Di ka na matutulog? Pupokpokin ko ng bato 'yang cellphone mo! Tignan natin!"

"Ma, may mga article pa akong gagawin! Ano ba 'yan! Ang hina naman ng signal oh!"

Sinabayan ko pa ito ng pagdabog ng aking paa at pagbusangot ng aking mukha.

Para 'di ka pagalitan, ikaw dapat unang magpagalit-galitan. Para 'di ka pagbintangan, ikaw ang unang mambintang.

"Ah ganun ba? Siguraduhin mo lang kundi lagot ka sa'kin! Makikita mo talaga, Hera!"

Bumalik na si Mama sa sarili nyang kwarto kaya agad ang matagumpay kong ngiti. Talino ko talaga! Ha!

Your battery is low. Please, connect the charger.

At patuloy ang nakaka-badtrip nitong tunog.

Papatayin ko na sana ang aking cellphone ng mag notifi ang aking facebook.

Linus Zimmero sent you a friend request.

Dito nagsimula ang lahat.

He Existed!Where stories live. Discover now