ISANG MENSAHE GALING SA MGA MANUNULAT PARA SAINYO
"Sa buhay na ito'y hindi ang mga salarin
ang lalong lumilikha ng poot kundi ang
mga taong mararangal."
— Elias, Noli Me Tangere;
Jose Rizal
Maraming salamat sa inyong pagdalo dito! Uunahan na namin kayong bigyan ng isang maiksing pagbati bago pa maumpisahan ninyong maibuklat ang aming nobelang pinamagatang Bahag-hari (kapag isinalin sa Ingles ang tawag ay "rainbow") na inilimbag para sa klaseng Malikhaing Pagsusulat.
Anim ang mga may-akdang bumubuo ng bawat parteng mababasa ninyo dito sa wattpad; labing-apat (14) ang pangkalahatang bilang ng mga kabanata dito, ngunit maaaring iilan pa lamang ang inyong makikita sa ngayon sapagkat hindi pa nasisimulan ang ibang nabangit na mga ito.
Alinsunod dito ay kaming lahat ay nagagalak na kayo'y naglaan ng oras upang tingnan at basahin ang aming orihinal na kuwento.
Maaari nawa'y intindihin nang mabuti ang bawat kaganapan sa mga sumusunod na pahina dahil sigurado kaming magugustuhan ninyo ang mga tauhan, eksena, pati na rin ang mga pasikot-sikot na aksyon na magaganap habang palapit na kayo sa wakas ng libro.
Hindi na naming nais pahabain pa ang aming mensahe para sa inyong mga mambabasa ngunit, muli, gusto naming iparating sainyong lahat ang aming taus-pusong pasasalamat kung nagbasa kayo ng kahit isang parte lamang o kaya'y may balak kayong subaybayan ang buhay ng bidang si Spencer Bartolome hanggang sa huli!
* * *
Kung maaari rin ay magbigay kayo ng comments, like, shares, at votes upang masuportahan ninyo ang Bahag-hari!
BINABASA MO ANG
Bahag-hari
General FictionMadalas maririnig mo sa kalagitnaan ng gabi ang mga bulong ng mga namayapa upang makapiling ang layang inaasam-asam. "Ngunit hindi pinapahalagahan," narinig ko ang isang boses galing sa may kailaliman ng aking kaisipan. Matagal ko na itong hindi na...
