Chapter 2

5 0 0
                                    

*ROOM*

Pagpasok namin sa room ay umupo agad kami. Nakakainis lang dahil katabi namin sa iisang row sina Xavier(paasa kong crush), Yuan(crush ni bessy na walang ginawa kundi makipaglandian) at Kiarra(impaktong kahalikan ni Yuan kanina). Haysst! Mababad mood na naman kami nito.

Di na lang namin sila pinansin. Pero di namin maiwasan dahil ang likot likot nina Yuan at Xyrile, napakalandi ng mga toh! Tss!

/Time Skip/

Break time na at pumunta kami sa cafeteria para bumili ng pagkain. Bumili kaming dalawa ni Charlotte ng spaghetti at orange juice. Papunta na kami sa table ng bigla banggain ni Kiarra si Charlotte dahilan para matumba ito at matapon ang pagkain niya. Tinulungan ko si Charlotte na tumayo.

"Pede ba tumingin ka sa dinadaanan mo? Tingnan mo yung ginawa mo oh!" inis kong sabi sa impaktong babae na yun.

"Ako pa ba ang may kasalanan? At tsaka sino ka ba para kausapin ako ng ganyan? Ha? For your information, I am the queen of this university, at kung sino man na sumubok na banggain ako, they will pay for it!" pagtataray niya at inirapan ako.

"Sino bang may pake kung sino ka? Kahit ikaw pa ang may ari ng university na ito, I DON'T CARE! I have a right to defense my self and my bestfriend. Hindi porket queen ka na sayo na ang batas at kahit ano pang mangyari may karapatan kami." Mataray ko siyang sinagot. Halos lahat ng tao sa cafeteria ay nakatingin na samin.

"Tara na, hayaan mo na lang siya baka kung ano pang mangyari sayo. Tara na." natatakot na sabi ni Charlotte. Inirapan ko si Kiarra bago ko hilahin palayo si Charlotte.

Xavier's POV

Nasa cafeteria ako at kumakain. Kasama ko din si Yuan na umoorder pa ng pagkain niya at para kay Kiarra. Nakita ko na padating si Kiarra sa table namin pero nagulat ako ng binangga niya yung isang girl na may dalang pagkain.

Maya-maya lang ay napasigaw sa inis yung kasama nung babaeng binangga ni Kiarra, kung hindi ako nagkakamali Blythe ata pangalan niya. Hmm, I think she's a nice and brave girl. Narinig ko pa yung mga sinabi niya kay Kiarra and that makes Kiarra silent.

Ang cool lang ni Blythe. Napatahimik niya lang si amazonang Kiarra. Hmm....

~Author's note~
Hii sa mga readers ko❤️ Thank you sa support! Hope you'll enjoy every chapters. Kindly vote for this story😊❤️

I Still Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon