Prologue

7 0 0
                                    

Nagpapractice kami ng sayaw for the Foundation Day ng university namin. Hindi ko sila masabayan sa pagtalon at sa split. Habang water break namin pinapractice ko ang mga steps para makasabay na ako sa kanila.  Nang tatalon na ako, nawalan ako ng balance kaya natumba ako.

"Aaaah!" Sigaw ko ng matumba ko. Unang bumagsak ang braso ko. Namimilipit na ako sa sobrang sakit.

Kusang tumulo ang luha ko. Bigla namang lumapit si Xavier. Yung isa tumakbo papunta sa clinic. At ang dalawa wala sa gym para bumili ng pagkain namin.

"Ok ka lang ba? Alin ang masakit?" Nag aalala niyang tanong.

"Bitawan mo ako!" Pilit kong inalis ang kamay nya sa braso ko.

"Why? Tinutulungan lang kita. Anong bang mali dun?" Pagpapaliwanag niya.

"Ano bang mali sa minamahal kita? Anong problema dun? Oo alam kong may mahal kang iba, pero bakit kailangan mo akong paasahin?" Natahimik na lamang siya. WTF?! So sinadya nga niyang paasahin ako?

"NASASAKTAN DIN AKO! NAWAWASAK DIN ANG PUSO KO! HINDI SA LAHAT NG ORAS MASAYA AKO! SA KABILA NG MGA TAWA KO NANDUN ANG WASAK KONG PUSO." Pasigaw at umiiyak kong sabi sa kanya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Lagi na lang akong talo. Pinaglalaban ko lang naman yung nararamdaman ko. Bakit ako na lang lagi tong nahihirapan? Nagmamahal lang naman ako. Ano bang mali dun?

"I'm sorry....." Yun lang ang nasabi niya. Hindi ko alam kung pinaglalaruan ba ako o ano. Gulong gulong na ang isip ko.

I Still Love YouWhere stories live. Discover now