[UNDER EDITING]
Hindi alam ni Chloe kung bakit kailangan niyang lumisan patungo sa ibang bansa; sa lugar kung saan malayo sa lalaking minamahal niya. Bilang isang mabuting anak, hindi niya nagawang taliwasin ang nais ng mga magulang para sa kanya.
...
Ilang beses na napailing si Chloe habang nakatingin sa labas ng bahay. Mula sa silid ay tanaw niya ang nagkukumpulang mga taga -media sa harap ng gate, umaasang may makukuhang impormasyon mula sa kanilang pamilya. Kanina lamang ay kaliwat-kanang telephone calls na ang natanggap nila mula sa mga tv and radio stations.
Ramdam na ng dalaga ang tensiyon sa buong bahay, lalo pa't naghe- hysterical na ang daddy niya. Ilang araw na ring confiscated ang phone niya kaya maging siya ay naguguluhan sa mga pangyayari.
Nagpalipat-lipat ng tingin ni Chloe sa wall clock at sa mga bagaheng kaninang umaga pa nakahanda. Mamayang 10 pm ang flight niya patungo sa Australia. Wala na siyang panahong makapagpaalam sa nobyo at sa mga kaibigan.
"Hindi pwede 'to. I'm going out", bulong niya sa sarili. She took the duplicate key of her dad's study room. Nagawa niya itong ipaduplicate nang minsang naiwan ng daddy niya ang susi sa salas.
Nagsimula siyang maglakad nang patingkayad patungo sa pintuan. Itinapat niya muna ang taenga sa pinto upang masigurong walang tao sa labas. Nang makatiyempo ay kaagad niyang pinihit ang doorknob. Mabilis niyang tinungo ang silid na dalawang kwarto pa ang pagitan mula sa kaniya.
"Aurgghh seriously, sa'n niya ba tinago ang phone ko?" reklamo ng dalaga.
Ramdam na niya ang malamig na pawis sa noo habang hinahalungkat ang mga drawer. Sa totoo lang, kabadong-kabado siya, lalo pa't mahigpit na bilin ng ama na huwag muna siyang makipag-usap kahit na kanino sa labas ng bahay.
Napapadyak nalang si Chloe nang hindi pa rin mahanap ang phone, hanggang sa nahagip ng mga mata niya ang safe na nasa gilid ng study table. Kung titingnan, mukha lang itong ordinaryong kabinet kaya hindi mo iisiping may mamahaling bagay na nakalagay do'n maliban sa mga dokumento. Dagli niya itong nilapitan at sinubukang buksan.
"04-08-68" Napailing ang dalaga nang hindi magtugma ang password sa birthday ng daddy niya.
"Obviously, that would be very easy to guess."
Muli niyang sinubukan gamit ang birthday ng mommy niya ngunit mali pa rin. She tried using their wedding date, still it didn't work. Napakagat labi nalang ang dalaga habang nakatitig sa twist-lock ng safe. Sa huli, sinubukan niyang gamitin ang sariling birthday but in a reversed form—year-date-month.
01-11-07
"Gotcha!" usal ng dalaga nang marinig ang pagclick ng safe hudyat na bumukas na ito.
Ngunit gano'n nalang ang pag-awang ng labi niya nang bumungad sa kaniya ang limpak-limpak na salapi—na sa tansiya niya ay maaring aabut ng kalahating milyon, 45 caliber pistol, mga papeles, flashdrive—at ang phone niya.
Hindi na niya pinansin ang ibang nakalagay, sa halip ay madali niyang kinuha ang phone. Hindi ito nakaturn off kaya hindi naging mahirap sa kaniya ang pag scroll sa contacts. Nang matagpuan ang pangalan ng lalaki ay agad niya itong tinawagan. Laking pasasalamat ni Chloe nang marinig ang pag-ring ng kabilang linya.
"Hello? Love, kumusta ka?" 'Yan ang bumungad sa kaniya. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay ramdam niya ang panginginit ng sulok ng kaniyang mga mata nang sa wakas ay narinig niya rin ang boses ng lalaking isang linggo na niyang hindi nakakausap.
"Hey? Magsalita ka. Nag-aalala na ako sa'yo. Are you okay?"
She sobbed.
"Okay lang ako. Ikaw kumusta ka? Ano ba talagang nangyayari? How's your sister?" Biglang natahimik sa kabilang linya.
"Hindi ko pa alam. Basta love, kahit anong mangyari, you have to trust me, okay?"
His voice is full of assurance. Kung nasa harapan lang ang lalaki ay siguradong yayakapin niya ito nang mahigpit.
"Mamayang gabi na ang flight ko love, sorry hindi na ako makapagpaalam sa'yo nang personal.
"I understand. Basta 'wag mong kalimutang tumawag sa akin 'pag nando'n ka na, ha?"
"Magtiwala ka lang din sa akin, matatawid natin to. Tandaan mo, kahit saan man ako dalhin ng mga paa, sa'yo pa rin ako uuwi. I love you, Hiro."
DISCLAIMER
This is a work of fiction. The names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination of used in a fictitious manner. Any resemblance to actual people living or dead or actual events are just purely coincidental. Do not distribute, copy, publish or revise the contents of this story in any way. Please obtain permission.
Shoichi Oka as Hiro
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Yen Quirante as Chloe
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.