Chapter 10: Batman

51 2 0
                                    

Kath's pov

     Tumingin ako sa wallclock dito sa kwarto ni DJ. 3:45 pm na. Ang haba pala ng tulog ko. Uwian na din namin. Napanindigan ko na nga talaga ang cutting classes.

     "How's your sleep, ate Kath?" Saktong paglabas ko ng room ni DJ, kalalabas lang din ni Magui ng room ng mommy nya.

     "Okay naman. Where's your kuya?"

     "He's still in a deep sleep. Do you want me to wake him up?" Ay grabe. Talaga nga namang nakakanosebleed, oo.

     "No. No. No. Its okay. I'll wait for him nalang." Okay. I'm so conyo na and I know it doesnt fit me as well. Ow nows! (╯3╰)

     Syempre dahil nandito ako sa pamamahay ng napakagaling at sikat na aktres na si Karla Estrada, nakaramdam parin ako ng hiya na gisingin yung hampaslupang Danyel na yun.

     Tsaka maaga pa naman. Wala naman akong gagawin sa bahay.

     Bumaba kami ni Magui tapos nagmiryenda kami kasi naghanda daw si Tita K. 'K' short for Karla Estrada. E sabi nya, Tita K na daw itawag ko sakanya.

     Habang kumakain kami, ang daming chika ni Tita. Tungkol sa kakulitan ni DJ. Tawa nga ko ng tawa eh. Tapos dati daw, palipat lipat daw sila ng bahay, kaya binansagan daw ni Daniel si Tita K na, "Karla the explorer." Oh diba? Laptreeeep.

     Nakaupo kami ngayon dito sa sala nila. Nasa left side ko si Lelay na nakayakap sakin habang nanonood ng fairytales. Cinderella ata. Si Magui naman, nasa right side ko, nakahiga sya sa shoulder ko habang naglalaro ng 'Dont tap the white tiles'. Nagpapataasan kasi kami ng score.

     Sobrang sweet and clingy ng dalawang to. Ate talaga yung turing nila sakin. Ganto pala feeling ng may mga younger sister ka. Gustong gusto ko kase magkaron ng kapatid eh. Kaya lang, sadya nga namang napakamapaglaro ng tadhana. Napakaworkaholic ng parents ko. Kulang na lang, pakasalan na nila yung trabaho.

     "Ate Kath, naniniwala ka ba na may happy endings?" Biglang tanong ni Lelay.

     Haaaay! Talaga tong mga fairytales na to oh. -.-

     "No eh." Sagot ko. Pinapaasa lang naman kasi tayo ng mga fairytales na yan na may happy ending pero ang totoo, wala.

     "Bakit po?"

     "Eh kasi laging kasama sa buhay natin yung pain and sorrow. Kahit anong gawin mo, hindi mangyayari na palaging masaya ka. Pwedeng masaya ka ngayon, bukas hindi na. Basta yun! Masyado ka pa kasing bata kaya hindi mo pa maiintindihan."

     Kahit ako hindi ko naintindihan yung sagot ko eh. ._.

     "Eh sa forever po?" Ano ba namang tanong yan.

     "Ofcourse I do." Nakatingin sakin si Lelay na parang hinihintay yung sagot ko kung bakit. Hinaplos haplos ko yung buhok nya.

     "Kasi kay God may forever. Our God is eternal. Kahit bad ka, di ka pa din iiwan ni God. Lobe ka pa din nya. Parang yung love ni Tita K sainyo. Yung love ng kuya nyo."

      Hashtag, Who Goat. #WhoGoat

     "That's not true. Because Kuya doesnt love me. He loves Lelay  more than me." Biglang sumingit si Magui sa usapan namin.

     "Ay bad. Pano mo naman nasabi?" Tanong ko.

     "He's always mad at me. Lagi nya kong pinapagalitan. He's always blaming me even if its Lelay's fault. Puro Lelay! Lelay! Lelay!" Sabi ni Magui na tuloy tuloy lang sa paglalaro. Si Lelay naman larang iiyak na.

TITLEWhere stories live. Discover now