Chapter 17: Without You

17 0 0
                                    

Kath's point of view.

     "Hi guys. Sorry late." Bati ko sa kanila. Nandito kami sa resto bar. May gig kasi yung parking five dito eh tapos niyaya nila kami.

    Una kong napansin si Julia. Tinignan nya lang ako tas bumalik na sa pakikipagkwentuhan kay Daezen.

    Walang pagkabati ah! Problema nito?

     "Hi Kath."

     "Gumaganda tayo, Kath ah."

    "Hello Bella."

    Mga bati nila sakin tapos nagbeso.

     Pero si Julia, wala padin. So bff na sila ni Daezen kaya etchapwera na ko? Ganon?

    "Si Miles. Bestfriend ko." Pagpapakilala ko.

    "Si Mycko, Si Seth, Si Anikka ---"

    "Ay nako, Chandria. No need na. Kilala ko na sila noh? Sikat kaya sila." Sabi ni Miles. Oo nga pala.

    "Asan si Marco?" tanong ni Dj kay Miles.

    "May family dinner eh."

    So paikot yung table. Ganto yung pwesto.

     Quen - Julia - Daezen - Katsumi - vacant - Mycko - Seth - Anikka - Gabby - JC - DJ - vacant - vacant - Mae - Lester

     Nakakainis naman. Bakit magkatabi yung dalawa? Azar. ( ̄へ ̄)

     Uupo na sana ko sa vacant sa tabi ni Mycko at Katsumi pero pinigilan ako ni Mycko.

    "Kath! Si Kate dyan eh. Nagcr lang." napabuntong hininga ko.

    Letche. Di ko makakatabi yung bestfriend ko! Ugh.

    "Daezen, lumipat ka ng ibang upuan. Ako dyan! Ako sa tabi ng bestfriend ko."

    Pero syempre hindi ko sinabi yan. Nakakahiya. Baka masira yung momentum ng barkada.

     "Wow. You're so sweet, kuya Kats." sabi ni Gabby habang nakatingin sa phone nya.

     "Open kayo fb guys. Shinare ko yung vid. Daliii" sumunod naman sila sa sonabi ni Gabby.

     Nagopen din ng fb si Miles. Tapos may pinanood syang vid, eh maingay yung sa loob ng resto bar kasi may tumutugtog pang banda kaya di ko marinig yung nasa vid.

     Biglang tumingin sakin si Miles na parang nagwoworry. Tinaasan ko syang kilay tsaka kinuha ko yung phone nya.

     Sakto, bumaba na yung banda na kumanta.

     Nirestart ko yung video.

     Video ni Katsumi. Sa quantum ata to. Kumakanta ng Without You by AJ Rafael.

     Nakaramdam ako ng sakit sa kaibuturan ng puso ko.

     Kinanta na pala nya.

     Yung  pinangarap kong balang araw, kakantahin nya sakin, kinanta nya na pala sa iba. (╯_╰)

     Favorite kasi ni Kabetchy yang kanta na yan. Once ko palang yang naririnig na kinanta nya. Naliligo sya nun, at hindi nya alam na nasa loob ako ng kwarto nya kaya narinig ko.

    Kinakanta nya lang kase yon, pag magisa lang sya.

     Sabi nya kase, kakantahin nya lang daw yung kantang yon sa babaeng pakakasalan nya.

     Akala ko, ako. Pero akala ko lang pala. ب_ب

     Isa sa mga dahilan kung bakit di ko mapigilan ang sarili kong mainlove kay Kabetchy, dahil hindi nya pa nakakanta yang kantang yan. Pero ngayon, nangyari na.

     Should I stop?

     Naramdaman kong may humawak sa kamay ko. Pagtingin ko, yung katabi ko pala. Si Daniel.

     Nababasa ko sa mata nya na nagtatanong sya kung okay lang ako.

     "Okay lang ako." bulong ko.

     Tinawag na yung P5 sastage para magperform. Pinipilit kong ibalik yung vibe ko sa saya na kasama ko tong barkadang to pero pakiramdam ko binubulong ng instinct ko na dapat na kong umuwi.

     Pagkatapos tumugtog ng P5 ng ilang kanta, bumaba na sila ng stage. Bumalik sa table namin pero si Kabetchy, nagpaiwan sa stage.

     Kumuha sya ng upuan at nilagay sa stage. Umupo sya dun habang hawak-hawak yung gitara nya. Tapos may microphone na nasa stand sa harap nya.

     "Ehen ehem. Goodevening everyone." Pagsisimula nya.

     Nakaramdam ako ng kakaiba. Kinakabahan na ewan. Tumigil ka, Kathryn!

     "I'm Katsumi Kabe. May gusto lang sana kong ishare. Corny man para sa iba, pero I am so deeply in love with a girl. Matagal na. Hindi pa kami close, mahal ko na sya. I'm loving her from apart."

     Katsumi, please stop!

     "Kath, samahan mo ko magcr." sabi ni Miles.

     Gusto kong umalis sa lugar na to. Gusto kong tumakbo palabas pero yung mga paa ko, ayaw.

    "Dahil sa modernong panahon, dahil sa mga application na yan, nagkalapit yung mundo namin. Kaya naman nagpapasalamat ako sa app na yon."

     Naalala ko bigla lahat. SAY HI.

     Nag ayiieeee yung mga tao. Lahat ng tao sa resto bar na to, kinikilig.

     Pwera ako. (✖╭╮✖) Ang sakit! Ang sakit sakit!

     "Pero sabi nga nila, ang buhay ay hindi panghabang buhay, kasi nga walang forever..." tumawa sya.

     "Kaya naman ayokong sayangin yung chance. Pangalawang beses ko na tong kakantahin sakanya sa harap ng madaming tao. Daezen Mae Timog, let this song inform you what I really feel about you."

     Nagpalakpakan yung mga tao. Nagsimula na syang magstrum ng guitar.

     Without you. By AJ Rafael

      ♪  I won't go another day without you. Without youuuu. ♬

     After nyang kantahin yung pinakalastpart, tumayo sya tas isinandal yung gitara sa pader ng stage. Sa gilid, may kinuha syang boquet. Tinanggal nya muna yung microphone sa stand, tsaka lumapit sa table namin.

     Dumaan sya sa harap ko at nagthumbs-up sakin. Nginitian ko sya, at nagthumbs-up din sakanya.

     Kahit deep inside, thumbs-down.

     Mga luha, wag kayong taksil. Wag dito! Parang awa nyo na

     "Daezen Mae Sera Josef Timog, can I court you?"

••••••••••••••

Di ko matanggap na mukhang break na talaga ang DaeSumi in real life.

"Pakitigilan na po yang mga DaeSumi ek ek na yan. Salamat! :)" -Katsumi Kabe via twitter.

TITLETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon