45. battle of the bands PT 1

1.2K 10 0
                                    

Kabadong kabado si Emperial kaya hindi siya mapakali umaga palang.
Ang schedule nila ay dapat five ng hapon pero inagahan iyun dahil sa marami ang kasali.

Dapat mkarating na sila sa venue bago mag alas dos.

"Ready for tonight?" Tanong ni Agon sa kanya.

Kanina pa rin siya nkatayo sa harap ng salamin.

Bumuntong hininga siya at tumingin dito. "Kinakabahan ako."

"Bakit naman?"

"Normal lang naman sigurong kabahan. Paanu kung... What if sumablay ako sa pagkanta? Or mkalimutan ko ang choreography? Paanu kung.. Kung bigla akong madapa sa stage?!"

Agon smiled. Kumuha ito ng upuan at umupo sa harap niya.

"You won't be alone Em. Kasama mu ang mga kaibigan mu. And believe me, they won't let that happen to you. They will surely cover up kapag nkalimutan mu ang choreo.. You have a great voice too kaya siguradong hindi ka sasablay. Sa pagkadapa nga lang delikado yun."

Hinampas niya ang braso ni Agon ng tumawa ito.
"Idamay mu lahat ng kasama mu kapag madapa ka."

Lalo itong tumawa.
She laugh with him. Kahit paanu ay gumaan ang pakiramdam niya.

"Be confident. I will watch you perform."

Tumango siya at nagpunta na nga sila sa venue.

Pagdating nila doon ay nandun na sila Bridget kaya agad siyang sumunod sa mga iyun.

Si Sabrina ay may ginagawa. Tinutulungan netong ayusin ang mga projectors. Si Maddie naman ay may kausap sa cellphone at ipinapaayus daw ang mga uupuan ng mga bisita nila.

Dahil big issue ang pagbabalik stage ng Paper's team kaya wala siyang mkausap ng maayus.

Chad texted her. Bitbit daw neto ang violin niya.
Lumabas siya sa dressing room at hinanap si Chad.
Nkatayo ito at inaayus ang tripod.

"Chad... Ma, Pa?"
Hinanap niya si Agon pero wala pa ito sa upuan neto.

"Hija. Hindi kapa nag aayus?"

"Ang aga niyu po." Natatawang sabi niya.

"Excited si Tita, hayaan muna Jeh." Inabot ng Papa niya ang violin niyang nkalagay pa sa bag neto.

"Thank you." Sagot niya dito.
Natapos ayusin ni Chad ang tripod at inilagay na neto ang recorder.

"Excited na akong makita kang madapa Jeh!" Natatawang sabi neto na inirapan niya lang.
"Hindi ako madadapa kaya Chad, wag mu ng ipagdasal."
Tumawa ang mga magulang niya.

Halata sa mga mukha neto ang excitement. Kahit ang kanyang Papa. May nakasabit din na camera sa leeg neto.

Her father influenced her so much into music and being in the center of stage.
She is grateful that despite not following their leads into business, they are still supportive parents.

"Goodluck anak. This is not a competition, but scream like you haven't belted out for ages!" Ang kanyang papa.

Tumango siya at ngumiti. "I will.!"

Agad siyang bumalik sa dressing room at nagpalit narin ng damit.
Dalwang klase ang susuutin nila. Ripped jeans with leather jacket para sa last part ng events.

Pero dahil sasayaw pa sila ay nagtataka siya kung bakit napakarevealing ng mga damit nila!

"Why are we showing too much skin?!" Reklamo niya.

"Pina adjust ko yan. Kaso nasobrahan sa iksi. Kaya no choice." Calleen.

Napaiksing skirt iyun para sa kanya. Kaya kahit nkacycling shorts siya ay makikita ang kanyang balat.

Shape of My Heart (Completed)Where stories live. Discover now