23. Sporty vs Brainy

1.4K 15 0
                                    


Basketball game na nila Emperial. Kaya itong si Candice at Shalleia ay nkasuot pa ng cheering dance attire. At may dala itong mga pompoms.

Si Kaigu na rin ang tumayong coach ng mga ito.

"Kuyaaa daliiii naaaaa." Hatak sa kanya nila Candice at Shalleia sa magkabilang braso niya.

Nagpatianud lang siya dito at pumwesto ng upo sa pinakarapang bleachers.

Academy of Brilliant's
Versus
Beverly Hills Private School at ang venue ng laro nila ay sa mismong Dragon's School.

Punung puno ang kanilang basketball court. Hindi na magtataka si Agon don.
Dahil nga sa kagagawan ni Kaigu ay nabalitaan na halos ng buong students sa school nila na may nililigawan nga siyang taga Academy of Brilliants.
At dahil na rin iyun sa pagiging kilala niya sa school as an active student into sports.

May iba na natutuwa may iba naman naa hindi at nag mistulang mga bashers ni Emperial. Pero hindi na yun pinapansin pa ni Agon.

Naghiyawan ang mga students ng lumabas na sa magkabilang side ang mga players.

May mga kakilala siyang student ng Beverly Hills kaya npaisip si Agon kung may chance bang manalo ang team nila Emperial.

Kasama pa ito sa first five players. Pareho ang rules sa boys basketball kaya pinagdadasal niya na sana ay tumakbo na si Emperial habang naglalaro.

Napansin pa ni Agon na late nang lumabas si Trina at ng lumabas ito ay agad na nagsigawan ang mga tao. Kahit sila Candice at Shalleia.

"TRINA!! TRINA!!TRINA!!TRINA!!"

"Is she that popular?" Tanong niya sa katabi niya.

"Hindi mu siya kilala kuya? She is Trina Patrimonio, yung model na representative ng Philippine' Teens." Di mkapaniwalang sabi sa kanya no Candice.

Well, hindi niya kilala yun kaya nanahimik nalang siya.

Maya maya pa ay nagtakbuhan ang mga players na babae sa team nila Emperial at naglabasan ito ng mga cellphones.

Picture taking? Takang tanong ni Agon sa sarili.

Kahit si Emperial na umaatras sa mga kalaro ay hinahatak ng mga kasama neto para masali sa picture taking na yan.

Nag umpisa na ang laro at ang unang may hawak ng bola ay taga Academy of Brilliants.

"STACEY! STACEY!" Hyper na hyper na sigaw naman ng mga kasama niya.

Bakit ba parang wala siyang halos kakikala sa mga kasamahan ni Emperial.

Pinasa nung Stacey kay Emperial ang bola. At ito namang si Emperial ay naghahanap ng mapapasahan.

Nagreact ang lahat ng biglang naagaw ang bola kay Emperial. Natatawa pa si Agon sa naging reaction ni Emperial. Gulat na gulat ang hitsura neto.

Nakascore agad ang Beverly Hills.
"Beverly Hills ang nakakuha ng first point!" Sabi ng announcer nila.

Balik ang laro at si Trina naman ang may hawak ng bola. Dahil malapit si Bridget sa ring kaya ito ang pinasahan nun at nkascore din ang Academy of Brilliants.

First break. At nasa gilid na ang bawat team.
Si Kaigu naman na man na nkatayo ay halatang nagbbigay ng instructions dito.

"Feeling coach si Kuya Kaigo oh." Natatawang sabi ni Shalleia sa tabi niya.

"Kuya ipagcheer mu naman si Ate em." Sabi pa ni Candice sa kany.

"I came here to support her." Agon.
"Not enough eeh!" Shalleia.
"Whatever." Natatawang sabi niya sa mga ito.

Shape of My Heart (Completed)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ