Chapter 7: Gabriel Archane

Zacznij od początku
                                    

Pero mali yata ang ginawa ko dahil agad kong naramdaman ang panganib na bumabalot sa buong katawan ko.

"Sabi ng huwag kang lumapit eh!" sigaw niya at hinarap ako.

Mabilis ang pagkilos niya kaya hindi ko namataan ang ginawa niya. Isang malakas na pwersa ang pinakawalan niya patungo sa akin. Wala naman akong nagawa. Tanging pagtaas lang ng mga kamay ko na parang otomatikong gumalaw ang nagawa ko.

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko at ang dahan-dahang pagpikit ng mga mata ko dahil sa malakas na impact na ginawa niya. Hindi ko naman alam kung anong pwersa ang pinakawalan niya. Basta ang alam ko, nanghihina ako.

Huli kong nasilayan ang mga mata niyang nag-aalala at ang bahid ng pagkabigla sa mukha niya. Hanggang sa tuloyan ko na ngang naipikit ang mga mata ko.

***

"Hmmm.." I groaned.

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at agad na bumungad sa akin ang madilim na kalangitan na pinalilibutan ng mga bituin na syang nagbibigay ilaw sa buong paligid.

Napahawak naman ako sa ulo ko ng maramdaman ang sakit nito. Ano bang nangyari? Napabangon ako mula sa pagkakahiga ko at inalala ang huling nangyari sa akin bago ako nahimatay.

"Maayos na ba ang pakiramdam mo?" tanong ng isang maskuladong boses sa likuran ko.

Napatingin naman agad ako sa likod ko at nakitang nakatayo siya habang hawak hawak ang isang basong gawa sa kahoy.

Napasulyap naman ako sa likuran niya. At nakita ang maliit na lawa na pinalilibutan ng mga magagandang bulaklak. Ang ganda! Sa sobrang linaw ng tubig, kahit na madilim ay makikita mo parin ang mga maliliit na brilyante sa ilalim nito.

Nasaan ba kami? Inilibot ko naman ang paningin ko at nakitang nasa gubat pa rin yata kami.

Akala ko ay dinala niya ako sa clinic or sa pagamutan. Pero nandito pa rin pala kami. Nakita ko namang inilagay niya ang basong dala niya sa damohan. Napasinghap naman ako ng bigla itong naglaho.

"Hindi na kita dinala sa hospital ng chamber dahil ayokong magtaka sila sa kung ano ang mga nangyari at para maiwasan na rin nating dalawa na ma report kay headmaster." aniya sa isipan ko kaya napatahimik naman ako.

"Bawal na kasing lumabas ng academy ng hating gabi. Kapag nalaman nilang hindi natin sinunod ang rules ay bibigyan nila tayo ng punishment at sa tingin ko hindi mo gugustohing mamalagi dito ng isang lingo na may punishment." he said.

Hindi na ako sumagot sa sinabi niya at iniwas na lamang ang tingin sakanya. Inayos ko ang damit ko at napagtantong nasa malaking bato pala ako nakahiga.

I remember, ano nga bang nangyari kanina?

"Iyong tungkol kanina nga pala, pasensya na." mahinang aniya kaya doon lahat nag sink in sa utak ko ang mga nangyari kanina.

Naalala ko na nagalit nga pala siya sakin kanina kasi nagpumilit nga akong lumapit sakanya dahilan upang mahimatay ako dahil sa pwersang inilabas niya patungo sa akin. So it's understandable naman kung ba't niya ginawa iyon at hindi naman ako napuruhan.

Napatingin naman ako sa kanya na ngayon ay nakaupo narin sa isang maliit na bato 'di kalayuan sa akin. Wala parin siyang suot na damit. Hindi ba siya giniginaw n'yan?

"Hindi ka ba giniginaw?" bulaslas kong tanong. 

Napatingin naman siya sa katawan niya at napangiti ng bahagya.

"Hindi." matipid niyang usal kaya nagkibit balikat naman ako. 

Okay?

"Kaya ng katawan kong labanan ang lamig na nakapaligid sa akin. My main ability is to control fire and it helps me warmth my body." sabi niya dahilan upang maalala ko kung ano ang ginawa niya kanina.

Crimson Academy: The Hidden CharmOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz