Chapter One

222 5 0
                                    

"Pareng Gian ikaw na kasunod niyan! Ready ka na ba pre?" Tapik sa likurang tugon ng kaibigan netong si Francis na nagpasok sa kanya sa gay bar na pinagtatrabuan niya ngayon bilang isang dancer.

"Pre paano kapag sumablay ako sa entablado mamaya?" Kabadong sambit neto sa kaibigan niya habang himas-himas pa rin ang umbok neto para manatiling matigas at nakabakat sa suot netong hapit na bikini.

"Huwag kang mag-alala pre! Malaki tiwala ko sayo, nakakasiguro akong hindi ka sasablay. Saka ganyang-ganyan din ako noong bago palang ako dito, pero oras na andun ka na sa entablado at nagsimula ka ng sabitan ng limpak-limpak na salapi ay tiyak mapapawi lahat ng kaba diyan sa dibdib mo. Basta lagi mo lang tandaan na sa bawat giling mo'y kapalit neto ang pangmatrikula ng kapatid mong si Tyrone. Basta galingan mo lang at panatilihin mong nakaumbok to. Alam mo namang yan lang puhunan natin dito, kapag mas halimaw sa laki yan mas patok yan sa mga parokyano." Pabirong sambit neto habang pasimpleng pinisil ang umbok niya.

"Loko ka talaga pre! Sige pre lagi kong tatandaan lahat ng mga bilin mo. Salamat ulit." Sagot niya dito.

Unang araw niya palang ngayon dito sa bar at halatang kinakabahan siya, ilang minuto nalang kasi ay matatapos na ang nakasalang na dancer sa entablado. Sumilip siya sa loob ng bar mula sa maliit na siwang sa backstage at tulad ng inaasahan ay dinagsa na naman ng mga parokyanong kundi man bakla ay mga matatandang matronang babae na hindi magkandaumayaw sa kakasabit ng pera sa nakasalang na dancer.

Muli siyang huminga ng malalim habang kinakabahang nakaabang sa pagtatapos ng performance ng isa sa mga kinagigiliwan at batikang dancer na si Dion. Saktong paakyat siya ng entablado ng makasalubong niya si Dion sa masikip na daanan papunta sa bahagi ng entablado na ikinukubli ng kulay itim na tilon. Nagpang-abot ang mga mata nila. Isang makahulugang titig ang nagpatigil sa kanya dahilan para makaramdam siya ng panunuyo sa kanyang lalamunan. Nagtaka man siya noong una ay binalewala niya nalang ito at pumuwesto likod ng tabing habang hinihintay ang hudyat ng DJ.

Di nagtagal ay umalingawngaw sa loob ng bar ang isang nakakabinging panghihikayat ng DJ pagkatapos ng performance ni Dion. Hanggang sa nagsimula siya netong ipakilala.

"Ladies and ladies in between, isara niyo na ang mga bunganga niyo at ihanda na ang mga panyo, bimpo at kahit anong pansangga at pamunas ng laway at baka di niyo mapigilang maglaway dito sa susunod nating Adan. Sariwang-sariwa, mas sariwa pa sa bagong hangong isda, may mainit pa sa bagong timplang kape, mas matigas pa sa bakal, ang pinakaunang salang niya dito sa Adam's Paradise Bar. Handa na ba kayo ladies? Humanda na kayo at ito na si Mr. HotRyder!!" Masiglang pagpapakilala ng DJ sa kanya na ngayo'y nakatayo na tanging ang anino lang neto ang nakikita mula sa malamlam na liwanag ng marahang pagsindi ng ilaw sa entablado.

Halatang excited ang lahat ng mga mata habang nag-aabang sa misteryosong Adan, hanggang sa mapuno ng hiwayan ang buong bar noong isa-isang nagsindi ang mga ilaw sa entablado. Ang kaninang madilim at malamlam na entablado ay marahang kinumutan ng makapal na usok habang unti-unting sumabay sa saliw ng mabagal na daloy ng musika. 

Nagliwanag ang buong  entablado kasabay ng paglantad ng isang matipunong si Gian na marahang hinuhubaran ng nakatutok na spotlight. Napanganga ang lahat ng tuluyang tumambad ang makintab niyang kabuoan habang pinaglalaruan ng malilikot na pagtama mga ilaw sa loob ng bar.

Napako ang lahat ng mata sa kanya habang marahan niyang ibinababa ang manipis na pulang tela nakatapis sa bewang niya upang maikubli ang kanyang nakahandang pasabog. Pero muli niya itong ibinalik dahilan para mabitin ang lahat.

Animo'y nabato-balani ang lahat ng parokyano sa marahan at nakakapanindig balahibo netong mga himas sa kanyang makintab na mga masel sa dibdib habang walang habas na gumiling. Namangha ang lahat. Maging ang matalik netong kaibigan na si Francis ay hindi din makapaniwala at hindi lubos akalain na kaagad makukuha ni Gian ang mga itinuro niya dito, ang mas ikinamangha pa niya lalo ay mas hinigitan pa neto ang mga naituro niya.

Dostali jste se na konec publikovaných kapitol.

⏰ Poslední aktualizace: Sep 08, 2019 ⏰

Přidej si tento příběh do své knihovny, abys byl/a informován/a o nových kapitolách!

In the Absence of the StarsKde žijí příběhy. Začni objevovat