"I'm the king of the world!" Sigaw ni Erik na akala mo'y si Leonardo Di Caprio sa "Titanic". Napasigaw rin ako sa tuwa. Tuwang-tuwa kami pareho nang ibalik namin ang aming mga kamay sa manibela. Lumingon si Erik para tingnan ako. Labas ang kanyang mga ngipin at parang naningkit ang mga mata niya sa tuwa.
Pagkatapos ng isang oras na pagba-bike, sinauli namin ni Erik ang inarkilang bike at pumunta kami sa pinakamalapit na tindahan ng dirty ice cream. Bumili si Erik ng isang chocolate ice cream para sa akin at isang vanilla ice cream naman para sa kanya.
Habang inuubos namin an gaming ice cream, umakbay sa akin si Erik.
"How was it?" Tanong niya.
"Nag-enjoy ako," sagot ko sa kanya. "Muntik pa nga tayong matumba kanina."
Nagtawanan kaming dalawa. "Sorry if I lost balance. I think I need to lose weight." Sambit ni Erik.
"No need," sabi ko sa kanya. "Okay pa rin ang abs mo."
"You really love my abs."
"In your dreams, Sammy!" Sabay pindot sa ilong niyang napakatangos.
"I have to thank Alex," sabi ni Erik. "He said that this place was your safe haven when you were still in college."
"Oo," sagot ko sa kanya. "Dito niya ako dinadala palagi noon kapag nag-aaway kami ni Daddy. Ang hirap kasing maging anak ng isang ama na mataas ang expectations. Hindi nga perfectionist, inaasahan ka naman ng sobra."
Naupo kami sa isang wooden bench na kaharap ang fountain. Kauti na lamang ang tao dahil malapit nang mag-gabi.
"Isn't that a perfectionist's point-of-view?" Tanong niya. "To expect something from you?"
"Hindi, Sammy. Ang perfectionist, maghahanap ng mali kahit na nasa tama ang lahat. Ang expectant, inaasahan na nasa tama ang lahat tapos madidismaya kapag may nakitang mali. Mas masakit ang umasa kaysa ang mahanapan ng mali." Paliwanag ko sa kanya.
"That's deep, Rose," sabi ni Erik sa akin. "Why don't you include that in your script?"
"Nailagay ko na." Sabay dila ko sa natitirang dirty ice cream ko. "What about you and your Dad? Okay ba kayo sa isa't isa noon?" Ibinaling ko na sa kanya kasi ayaw kong pag-usapan ang Daddy ko.
"You can say that," sagot niya sa akin habang inuubos ang kanyang ice cream. "But my Dad and I never really had that father-and-son thing. Nevertheless, I respected him. He wanted me to pursue management, which I did despite my desire to become a writer. Even in his death, he commanded me to manage our company because I'm his heir."
Napatigil ako bigla at nagtatakang tumingin kay Erik.
"Wala na ang Daddy mo?"
"Yes... A year ago," Erik said to me a matter-of-factly. "In that accident in EDSA-Magallanes."
Nagulat ako. Patay na pala ang Daddy ni Erik? Ang tagal-tagal na naming pinag-uusapan ang Daddy at Mommy niya pero ngayon lang niya sinabi na patay na ang Daddy niya. Ang mas kinagulat ko pa, siya pala ang namatay sa highly-publicized na aksidente last year sa EDSA-Magallanes.
"I'm sorry to hear that, Sammy," malungkot kong sabi sa kanya.
"It's okay, Gorgie," he smiled at me. "My Dad was a good man."
Tumingin ako sa malayo. Natanaw ko ang isang mag-ama na naglalaro at nagtatampisaw sa mini pond. "Sana maging proud din sa akin si Daddy."
"He will be," siguradong sagot sa akin ni Erik na matapos na niyang kainin ang dirty ice cream niya. "Her daughter is a law student and a future lawyer."
VOUS LISEZ
Scripted Relationship
AléatoireGusto ni Rosalinda Mercedes Mendoza a.k.a. Rose na maging isang scriptwriter para sa pelikula. Kaya nagpasya siyang magsulat ng isang romantic love story as a start. Ngunit, may isa siyang problema: Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend! Paano siya...
Chapter 17
Depuis le début
