Natawa na si Tita sabay ngumiti sakin.

“Sabagay kath, na-miss ko rin yung nakikita kang nandito sa bahay pero! Pero, ang ba-bata niyo pa para makitulog ka sa bahay ng boyfriend mo”

@_@

“Eh kasi tita, yang magaling niyong anak, hinila na lang ako basta. Wala na kong nagawa. Buti na lang pumayag mo si Mama ko na mag-stay dito ngayon”

Tumingin si Tita kay DJ na naka-smile ngayon.

“Bakit mo naman ginawa yun lalake?”


“Ma, nag-away kasi kami. Akala ko nga maghihiwalay na kami eh”


“Nag-away?”


“Opo. Tsk. Pinaghintay na ko ng isang oras, may kasama pang ibang lalake dumating”

>_<

Shemay naman si Daniel oh!

Kailangan ipagkalat?? Huhuhu.

Makasabi pa ng ibang lalake, akala mo may ginawa talaga akong masama.

Akala ko ba, over na kami dun?

Anebeyeennn!

“Kathryn, anong ibang lalake yun?” Para siyang si mama kung magtanong. Hay naku Tita!!

“Wala po yun. Nagkakilala lang kami kahapon ng umaga. Tapos dahil po may biglaang meeting at wala akong load, di ko po natext si DJ. Eh naghintay po siya sa parking lot….nung papunta na po ako sa kanya, nag-presenta po yung lalake na makisulong ako dun sa payong niya para hindi mabasa. Akala tuloy ni DJ, lalake ko”

Nag-pout ako kay Daniel kaya natawa si Tita.

“DJ, anak….wag ka naman masyado magselos. Sa tagal niyo ni Kath at sa dami ng nangyare sa inyo last year, sa tingin mo ipagpapalit ka nito?”


“Eh badtrip na nga po kasi ako tapos nakita ko pa siyang may kasamang iba----”


“Nak, kahit gaano ka kabad-trip, i-control mo yang mga nararamdaman mo. Eh kung talagang nagbreak na kayo kagabi, iiyak iyak ka ngayong umaga pag narealize mong mali na nagalit ka? Ganun?”

Stuck Forever with You (Stuck Series Book 2)Where stories live. Discover now