Bigla siyang namulat at umupo.

Napahawak pa siya sa ulo niya.

Morning dizziness yata…

Umupo na rin ako at tumingin kay tita.

“So? Daniel? Bakit dito natulog si Kath?”


“Ma naman oh! Kailangan mangistorbo ng tulog?”


“Tangek! Male-late ka na sa klase mo. Sagutin mo nga yung tanong ko. Tsaka….bakit suot niya damit mo?”

Parang ang awkward lang kasi alam naman ni Tita na nandito ako pero si Daniel pa rin tinatanong niya.

Pero okay na rin yun dahil ayokong ako yung mag-explain.

“Ma! Mahabang story”


“Ako nga tapatin niyong dalawa, may ginagawa na ba kayo na hindi dapat gawin ng 17 at 18 years old?”

O_O

“Aish! Ang kulit mo ma!” Tumayo bigla si Daniel tapos nag-kusot pa ng mata.

Parang wala lang sa kanya yung sinabi ni Tita.

“Danie----”


“Ma, wala po! WALA kaming ginagawang masama na hindi dapat gawin ng mga teenagers. Atsaka ma, wala pa kaming balak gumawa ng ganun kasi alam naman naming dalawa na ang ending, kami. Kaya bakit namin kailangan maghiwalay? Okay? Don’t freak out na ma. Nabasa lang po ng ulan kaming dalawa kaya ko pinagamit damit ko sa kanya. Tsaka na-miss ko yang magandang nilalang na yan ng sobra kaya dito ko pinatulog. Ilang months na ba siya hindi nakakadalaw dito ma?”

I just stared at both of them.

Alam mo yung feeling na kahit nahihiya ka dahil nahuli ka ng nanay ng boyfriend mo na katabi yung anak niya matulog, kinikilig ka pa rin dahil sa pinagsasasabi ng gwapo mong bf?

“Bakit hindi niyo sinabi sakin?”


“Tss Mama, tulog ka kaya magdamag. Paano ka namin kakausapin?”

Stuck Forever with You (Stuck Series Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon