Epilogue

5.9K 89 10
                                    

Tinitigan ko ang mga malalaking picture frame sa loob nang bahay namin.

"Sir, ito na po yung kape niyo." Tumango ako sa maid at kinuha iyon, umupo ako sa may dining table.

Tinikman ko yung kape, hindi ito yung nakasanayan ko. Agad kong nilapag doon at iniwan ang isang tasa nang kape.

"Sir, Sorry po." Umiling ako sa kanya.

"Ayos lang, alam ko namang kahit sino ay hindi siya mapapantayan, para lang naman saakin." Agad akong naglakad paakyat para pumunta na sa kwarto ko.

Dahan dahan kong inikot ang doorknob, hindi ko alam kung pasmado ba ako o nanginginig lang talaga ang mga kamay ko.

Nang nabuksan ko na ang pintuan ay bunagsak lang ang dalawang mata ko sa sahig. Walang sumalubong sakin, walang humalik sa pisngi ko. Wala siya.

Magdamag akong nagkulong sa loob nang kwarto. Bubuksan ko ang laptop, aaliwin ang sarili ko.

Pero wala, lahat nang ginawa ko ay iniwan ko lang rin. Humiga nalang ako sa kama ko, binalot nang kumot ang buong katawan ko. Unti unti kong pinikit ang mga mata kong kanina pa gustong matulog.

"Sir, may naghahanap po sainyo." May kumatok sa kwarto ko, napadilat at napatayo naman ako. Inayos ko muna saglit ang suot ko bago lumabas nang tuluyan sa kwarto.

Bago ako bumaba ay dumaan muna ako sa kwarto ni Princess. Pagbukas ko nang kwarto ay walang tao, patay ang ilaw, damang dama ko ang lungkot na bumabalot sa loob nang kwarto.

Hindi ko na hinayaan na bumalik lahat nang sakit, bumaba na ako at sinalubong ang bisita ko.

"Goodmorning po, Mr. Padilla" nakipagkamayan naman ako sa kanya, Inayos niya muna ang salamin niya saka nagsalita muli.

"May balita na po, Nalaman na po namin kung saan nila tinago ang pamilya mo." Napalunok ako, handa na akong kunin ulit sila.

Pero natatakot ako sa mga posibleng mangyari.

"Gusto ko na silang bumalik.." Nakatulalang sabi ko sa kanya, ang dami nang pumapasok sa isipan ko.

"Magpaplano pa po tayo, hindi po ito pangkaraniwan. Kailangan po nating paghandaan, basta po ay maghanda na kayo." Tumango ako, hinayaan ko na siyang umalis.

Napaupo ako sa couch, inabutan kaagad ako nang isang basong tubig.

Paakyat na sana uli ako, gusto ko nalang muling itulog ang lahat nang tawagin ako nang nga nandiyan lang sa tabi ngayong sobrang nasasaktan na ako.

"Gerald.." Sabay sabay na sabi nina Elisa, Maddie, at ang P4.

"Bakit kayo pumunta rito? Wala sila rito, wala pa.." Bumaba muli ako para kausapin pa sila.

"Gerald, nandito kami para damayan ka. Baka mamaya ay madepressed ka diyan. Nasabi na samin ni Chief dela Cruz ang balita, kailangan na nating ihanda ang sarili natin sa mga posibleng mangyari, Gerald, lumaban ka.." Hindi ko na napigilan ang luha ko, tinakpan ko ang mukha ko.

Sabay sabay nilang hinawakan ang braso ko, yinakap nila ako. Patagal nang patagal, pasakit nang pasakit ang sakit na nararamdaman ko, kung meron lang gamot para sa puso ko.

25 years ago

Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa ko, kailangan kong sabihin sa kanya ang balita ko. Ayoko sanang gawin to pero kailangan.

Tinapat ko na sa tenga ko ang cellphone ko at nagsalita na nang sagutin niya.

"hello bes!"

"Oy! Bakit napatawag ka?" Napangiti ako nanag marinig ang boses niya, mas lalo ko siyang namiss, alam kong nagkita na kami kahapon perp gusto ko sa bawat pagtahak ko sa buhay ko ay nandiyan siya sa tabi ko.

"Pumayag na si Elisa na ligawan ko siya." Nagulat ako dahil kaagad na naputol ang linya.

Hindi ko tuloy alam kung narinig niya ba yung sinabi ko pero bahala na. Tinext ko nalang siya sa isa niya pang number.

Nakipagkita ako sa kanya sa mall non, nagpasama siya sakin na bibili siya nang nagong cellphone dahil nasira daw, hindi ko alam kung nagsasayang lang siya o talagang nagaaksaya lang siya.

Kakabili palang namin nang iphone 5c niya ay nasira niya kaagad.

Kumain kami, nanonood nang sine magkasama. Sobrang saya nang mga sandaling magkasama kaming dalawa. Pinaparamdam ko sa kanya kung gaano siya kahalaga sakin.

Simula pagkabata ay magkasama na kami sa saya't lungkot na dumating sa buhay namin.

Sinubok na kami nang mahihirap na challenges sa buhay namin.

Nakatanggap ako nang isang text mula sa pinakamamahal kong asawa, naggoodmorning siya sakin, nagreply naman kaagad ako.

Hindi ko inasahang yun na ang magiging huling mensahe niya sakin. Napakasakit pero lalabanan ko to, ang pinakamahirap na pagsubok na binigay nang diyos sa pamilya namin.

Pinagpatuloy ko ang pagiyak ko kitang kita ko ang awa sa kanilang mga mata. Kung maiibalik lang nang mga luha ko ang pamilya ko, pero hindi.

Hindi ko alam kung kelan ko maibabalik ang pamilya ko, Mababaliw na ako sa sobrang sakit na nararamdaman ko.

Sabi nila ay sa bahay nalang muna namin sila magovernight, magisa akong naglakad tungo sa kwarto namin, hindi ko na binuksan pa ang ilaw, naligo na ako sa banyo.

Kasabay nang pagagos nang tubig sa shower ay umagos din ang mga luha ko, ang walang katapusang luha na lumalabas sa dalawang mata ko.

Yun pala ang napasakit, yung akala mo okay na akala mo masaya hanggang dulo, yung naniwala ka sa forever

Nagbulagbulagan ka.

Sana ako nalang yung kinuha para hindi ako nagkakaganito, sobrang sakit nang dibdib ko, feeling ko kahit anong oras ay mamatay na ako.

---

WAG NIYO MUNA ALISIN SA LIBRARY NIYO KASI IPOPOST KO PA YUNG TUNGKOL SA BOOK TWO.

Sa mga may Twitter ihashtag niyo po ang #LovingUniverseEnding babasahin ko po lahat, kung meron hahahahahaha.

OMG. Hahahahahahah Epilogue na, Tapos na ang book One. Pero maglalagay ako nang special chapters, 3 kasi ILOVEYOU all. Pambawi sa panget na ending.

Magcomment kayo nang mga naiisip niyo na, Sa book two malalaman niyo na lahat. Basahin niyo yung next chapter, may message ako sainyo. -Camillegold

Loving Universe // EDITINGWhere stories live. Discover now