Kabanata 5

46 27 8
                                    

Kanina pa ako naglalakad sa daan at hindi alam ang patutunguhan. Wala akong alam tungkol kay Mom noong kabataan niya maski magulang o di kaya ay saan siya tumutuloy noong kabataan niya. Hindi ko naman siya tinatanong tungkol doon kasi nga hindi kami close.

Bakit ba kasi ako naipit sa panahon na ito. Halata namang walang kaya si Mom noon. Sa pagkakaalam ko ay si Dad ang mas mayaman sa kanilang dalawa.

What if kina Dad ako makituloy, I'm still her daughter.

Argh! Nakakainis hindi pa pala ako nabubuhay sa panahong ito. Isa palang akong sperm ngayon. Sperm!

E' saan na ako pupunta ngayon? Kahit na hanapin ko ang matandang yun alam ko naman na hindi siya magpapakita. Nakakainis lang at wala talaga akong alam sa panahon na ito. Medyo hindi pa sila gumagamit ng teknolohiya lalo na at iilang bagay pa lang ang nadevelop. Isama mo na rin na sobrang mamahal ng mga yun ngayon.

Kinapa kapa ko ang bulsa ng aking palda na doon ko nakita ang limang piso. Napabuga nalang ako ng hangin sa mga naiisip ko ngayon.

Ano ang kakarsya sa limang piso? At paano ko pagkakarsyahin ito. Ganun na ba talaga ako kasama para maranasan ko ito? May dahilan naman ako kung bakit ako nangbubully. Bakit nangyayari ito sa akin.

Sabi niya kapag namatay ako sa panahon na ito hindi na ako mabubuhay pa sa kasalukuyan. E' paano ako mabubuhay kung maski tirahan ay wala akong mapuntahan. Kahit mamalimos ako ng pagkain kakayanin ko pero ang walang uuwian. Parang mababaliw na ako.

"Damnshit!"sigaw kong bigla at may kasabay pang pagtalon. Napahawak naman ako sa aking puso dahil si Dana lang pala ang tumapik sa aking balikat. "Ano ba, Dana. Gusto mo ba akong mamatay sa ginawa mo. Wala na nga akong pera at bahay. Dito mo pa ako papatayin"sabi ko sa kaniya.

"Umamin ka nga, Serina"aniya sabay lapit ng kanyang mukha sa akin. Hindi naman agad ako nakagalaw dahil agad niya iyon ginawa.

"Anong aaminin ko?"tanong ko naman sabay iwas ng tingin sa kanya.

"Gumagamit ka ng pinagbabawal na gamot noh?"

Nanlaki naman ang mata ko sa tanong niya. "Ay, grabe!"hindi ko makapaniwalang sagot. May kaibigan pala si Mom na baliw. "Anong bawal na gamot? Hindi nga ako makabili ng tinapay sa limang piso ang drugs pa kaya"

"Kanina ka pa kasi ganyan. May problema ka ba o dahil sa pagkakabagsak mo"

Napahawak naman ako sa aking noo at nakamot kamot. "Siguro dahil sa pagkakabagsak ko"sabi ko sa kanya. Hindi ko dapat sabihin sa kanya na nanggaling ako sa kasalukuyan dahil pwedeng masira ang daloy ng kasaysayan kapag ginawa ko yun.

Ang gagawin ko lang naman ay ang magpanggap na si Mom at hintayin na makabalik sa panahon ko. Dapat na wala akong gawin dahil sa totoo lang ayokong hindi mabuhay sa panahon ko. Masama ako pero gusto ko mabuhay.

"Umuwi nalang nga tayo. Baka kung anong espirito na ang pumapasok sayo kaya ka nagkakaganyan"

"Sa inyo ako nakatira? Sigurado ka? Wala ba akong lola? I mean, Mama or Nanay ko?"

"Tumahimik ka nga, Serina. Nakakairita ka na"naiinis niyang sabi at mas lalo niyang binilisan ang paglalakad.

Agad ko naman siyang hinabol at niyakap sa braso. Ang weird lang sa feeling na may tao palang ganito. Pakiramdam ko totoo ang pagkakaibigan nila Mom. Totoo siya at tunay na pinapahalagahan ang pagkakaibigan nila. Ngunit bakit ako naiiyak. Nararamdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking pisngi.

HALOS bumagsak ang aking baba sa maputik na lupa at hindi makapaniwala sa aking nakita. Isang maliit at sira sirang bahay ang tumambad sa akin. Ang mas ikinagulat ko ay ang baho ng paligid. Siksikan at hindi mo maiisip na tirhan pa ang ganitong lugar.

Tumira ba talaga si Mom dito?

"Dito ba talaga ako nakatira"nagtataka kong tanong sa kanya.

Binuksan niya iyon gamit ang kadena at tuluyan ng pumasok sa loob. Sumunod naman ako at inilibot ang aking paningin sa loob nito. Kawayan lang ang mga haligi nito. May mga plywood at plastik na dingdong habang ang bubong ay puro butas. Isa lang ang bumbilya sa loob pero tila kunting araw nalang ay mamamatay na at hindi na gagana.

Maliit lang ang espesyo ng bahay pero masasabi kong may papag na tutulugan at lamesang dapat kainan. Napansin ko naman ang mga lumot at sapot ng gagamba sa gilid ng mga upuan.

Naglilinis ba siya? Paano siya nakakatulog sa lugar na ito? E' si Mom, paano niya nakakayang manirahan dito.

"Dana, wala ka bang katulong dito. Omg, naman. Ano ba yung masangsang na amoy na yun?"nagrereklamong tanong ko sa kanya habang nakatakip ang aking ilong.

Umupo naman sa isang upuan si Dana at inayos yun upang ikalat ang laman ng kanyang bag. Inaayos niya ang mga notebook na lumabas sa kanyang bag at binuksan iyon na tila mag-uumpisa na sa pagbabasa.

Kahit na ayokong umupo ay kailangan. Marami akong gustong itanong sa kanya tungkol sa panahon na ito. Tungkol kay Mom. Sabi ng matanda may lihim na itinatago ang katauhan ni Mom. So technically, there's a big possibility na kapag nalaman ko yun ay makakabalik ako sa kasalukuyan.

"Dana"bulong ko sa kanya.

"Hmm?"

"Ilang taon na tayong magkaibigan?"

"Mga limang taon. Bakit mo natanong?"aniya

Pinaglandas ko naman ang aking magkabilang palad habang nag-iisip ng palusot. "Curious lang ako"sabi ko sa kanya.

Limang taon na silang magkaibigan. Posible ka yang may alam siya sa katauhan ni Mom kahit kunti lang?

"Pansin ko lang, Serina. Sanay kang gumamit ng salitang engles ngayon ngunit hindi mo naman yan ginagawa noon. Ikaw pa nga ang pinakamababa sa subject na yan. Pero sa pinapakita mo tila ay bihasa ka. Sabihin mo, nagpapaturo ka ba o di kaya ay may inililihim ka sa akin?"

Napapitlag naman ako sa tanong niya. Hindi ba sila usually nagsasalita ng english noon? Ang talino kaya ni Mom sa English. Paano niya namang nasabi na mababa si Mom sa English. Atsaka walang naikwento si Mom na may mababa siyang grado. "Para maiba naman"sabi ko sa kanya habang napapakamot sa batok.

Hindi ko alam na ganito kahirap makipag-usap sa mga taong nabubuhay ngayon. Maski kinder alam na ang salitang english at mahuhusay pang magspelling. Parang maloloka na ako kapag hindi pa ako nakabalik sa panahon ko.

Mababaliw na ako. 'Tanda, kung naririnig mo ako. Please, help me. Hindi ko kayang magstay sa lugar na ganito. Ang makitungo sa mga taong nasa sinang una ang ikasisira ng aking tuliro'

@naokoalliv

LuciérnagasWhere stories live. Discover now