Kabanata 3

88 46 5
                                    

Nakaupo lang ako ngayon sa loob ng kwarto ko habang nakatingin sa kisame. Para akong tanga na tinititigan lang yun. Wala naman akong magawa kasing iba. Pinaputol ni Mom ang internet maski ang mga gadgets ko ay kinuha niya rin at tinago sa kung saan. Nang pumasok nga ako kanina ay bantay sarado pa rin ako sa kanya. Hinatid at sinundo niya rin ako sa school. Halos hindi naman ako lapitan ng dalawa dahil sa takot kay Mom tuwing hinahatid niya ako.

Pinagbantaan rin ni Mom ang school sa oras na hindi sila sumunod sa gusto niyang magkaroon ako ng sarili kong upuan sa tabi. Alam niyo ba kung gaano nakakairita ang ginawa ni Mom. She make me feel embarrass with my classmates. She make me humiliated. Ikaw ba naman paupuin sa pinakalikod ng room habang yung mga kaklase kong umattend ng party ay muntik na may expelled kung hindi lang mayaman kaya pinatawan lang sila ng 1 week na hindi pagpasok sa school.

Sana ginawa nalang sa akin ni Mom ang katulad ng mga sa kaklase ko kaysa makita ang nakakairitang mukha ng mga kaklase ko na sobra pa sa langaw kung makasagap ng balita mula sa kung saan saan.

Kinabukasan ay wala akong ganang bumaba mula sa kwarto at tinatamad na iniwasan si Mom sa kusina. Hindi niya naman ako sinita kaya wala akong naging problema sa pagkain at pag-alis ng bahay. At sobra akong natuwa ng hindi niya daw ako ihahatid papuntang school at si Mang Troy nalang daw muna. Mas mabuti nga kung hindi siya kasi hindi ko kailangan lumabas ng kotse na parang nanggaling sa impiyerno.

Pumasok ako sa loob ng classroom at ayun na naman ang natatawang ngiti ng mga kaklase ko. Maghintay lang talaga sila sa akin. Makakatikim sila ng isang hagupit ng aping tulad ko. That's old though but it make sense anyway. Gagawa nga ako ng sarili kong script kapag nagkataon.

Nakakaboring rin naman kasi ang paulit ulit na line ng mga artisa. So ew and cheap.

Tiningnan ko muna ang bawat sulok ng classroom at ngumisi ng nakaloloko. Iniisip yata ng mga ito na may kaya lang ako kapag nandito ang dalawang pangit na yun sa tabi ko. Nagkakamali sila dahil kahit nakapwesto ako sa pinakalikod ng classroom kaya kong mangbully ng walang tulong sa kanila. Kung hindi lang yata ako nakagrounded hindi talaga ako magpapakabait. Hintay lang mga classmate magbabalik rin ako kapag wala na yung grounded ko. Papatusin ko kayong lahat.

Napatingin naman ako sa dati kong pwesto at sa tabi niyon ay nakaupo si Danica. Nakayuko lang siya tulad ng dati at mukhang hindi na talaga magbabago ang ugali niyang yun.

Lumapit ako sa kinauupuan niya at nakapamewang na tumayo doon habang nakataas ang kilay. Tumingala naman siya sa gawi ko pero agad niya naman iyon iniyuko ulit na tila ba ay kakainin ko siya. Ano mang oras.

"I hate it when you look down, Danica. Hindi ka ba magiging kuba kakayuko mo?"mataray kong tanong.

Umiling naman siya. Napasinghap naman ako ng hangin sa ginawa niya. Nakakairita talaga ang babaeng ito. "Bakit hindi ka pumasok, ha? Sinong nagsabi sayo na wag magpakita sa akin?"

"Ano.... kasi yung... ano"nauutal niyang saad sa akin at hindi man lang yun makabuo ng sagot sa tanong ko. Sa sobrang pagkainis ko ay hinampas ko ng pagkalakas lakas ang lamesa niya na halos mamaga ang kamay ko.

Ngunit hindi ko iyon ininda. Hindi naman maipinta sa mukha ni Danica ang takot dahil sa ginawa ko at dahil rin doon ay nag-umpisa na naman silang mag-ingay. Ganyan naman talaga ang gusto ko. Gusto ko ang nakukuha kong atensyon mula sa kanila. Wala akong paki kung maganda ba ang sinasabi nila o hindi.

Magmula kasi ng aksidente at pagsuspended sa mga nagparty ng araw na yun halos hindi makatingin sa akin ang mga taong yan pero kapag nakatalikod ako. Akala mo naman alam na nila lahat ng nangyari. 

Binalingan ko silang lahat ng tingin at pasigaw kong tinugunan lahat ng pinagsasabi nila sa akin. "Ano! Lalaban kayo?"asik ko sa kanilang lahat.

Nang nagbell ay doon lang ako padabog na umalis sa kanyang harapan at umupo ulit sa sarili kong trono. Trono na ang tawag ko dito ngayon kasi para akong Reyna na kinatatakutan ng lahat.

LuciérnagasWhere stories live. Discover now