Kabanata 1

117 57 5
                                    

Habang naglalakad pababa ng hagdan ay nadatnan ko doon si Prince, matalik kong kaibigan noong mga elementary. Mayaman din ito katulad ko pero mas mukha siyang mabait kaysa sa akin dahil isa naman talaga akong demonyo sa pangit ng ugali na meron ako.

Kinayawan ko siya na may postura sa katawan. "Kamusta ka Prince"bati ko sa kanya.

Tiningnan niya ako ng seryoso at may panghuhusga. "Hindi ka ba talaga titigil, Rina? Kailan ka ba makokontento?"tanong niya sa akin.

Ito ang ayoko sa kanya. Matalino siya, gwapo rin at mabait. Wala ka ng hahanapin sa lalaking ito at yun ang kinaiinisan ko. Masyado siyang mabait na nagiging pakilamero na siya. "You know you can't stop me. And please stop calling me Rina. Our friendship is no longer, your just nobody to me, Prince"sabi ko naman

He gritted his teeth. "Nakakasakit ka na ng tao, Sarina. Can't you see that? Mayaman ka at abogado ang Daddy mo pero wala kang karapatan para tapakan ang dignidad ng iba dahil sa kung anong meron ka"aniya

Napaikot naman ako ng eyeballs sa sinabi niya. I hate him, I really do. "Wag ka ngang makielam sa ginagawa ko. Kung may gusto ka kay Danica. Wala akong paki dahil may atraso siya sa akin."asik ko naman

"Alam mong may kapalit lahat ng ginagawa mo, Sarina. At nagaalala lang ako sayo. Walang alam si Tito Daniel dito kaya mas makabubuti na tumigil ka na bago niya malaman ang ginagawa mong pangbubully at pananakot sa iba"

Mas lalo akong napangiti na may pagkasarkasmo sa kanyang inasta. He's boring. So boring. Kaya ko nga pinutol ang pagkakaibigan namin dahil sa ugali niyang yan. "Ibigay mo nalang yang pag-aalala mo sa mga taong binully ko dahil mas malala pa ang matatanggap nila sa akin kapag nangielam ka pa sa mga gusto ko. You know what I mean, right?"pagbabanta ko.

Napabuga siya ng hangin at sabay niyang pinasok ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng itim niyang pant. "Your insane"pahabol niyang sabi bago umalis sa aking harapan.

Kahit na may kirot sa aking puso ang pag-alis niya sa aking harapan at pagtalikod niya sa akin ay mas nangunguna ang aking pagkainis sa kanya. Maniniwala ba kayong siya ang una kong naging kaibigan noon. Siya din ang pinakauna kong tao na minahal higit pa sa kapatid at kaibigan. I love him as a man but I can't love him for some reason that I can't tell him for now. Hindi na rin kami magkaibigan ngayon dahil tinapos ko na iyon bago kami tumuntong ng high school. Kung bakit, hindi niya alam pero mahirap bitawan ang pinagsamahan namin at dahil sa akin sinira ko iyon.

Hindi naman talaga ako ganun kasama noon. Noon! Ngunit sadyang mapait lang talaga ang mundo sa katotohanang walang pantay sa mundo. At masasabi kong nasa taas ako habang sila ay nasa baba na pwede kong tapakan. Masyado akong bilib sa sarili at yun naman talaga ang kailangan sa mundong ginagalawan namin. Pera sa pera, koneksyon sa koneksyon at kung wala kang ganun. Wala kang kwenta para sa amin.

Wala akong magagawa kung gusto niyang protektahan si Danica pero iba ako magalit kapag kailangan ng magbayad ng taong prinotektahan niya. It's called even to even.

Habang nakaupo ako sa loob ng classroom ay hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa labas. Tahimik ngunit sobrang nakakaginhawa sa pakiramdam. Ito lang yata ang nagpapakalma sa akin matapos kong mainis sa bagay. Mabilis talaga akong magalit kahit maliit pa sa alikabok ang problema. Maangas ako kung gumalaw kaya nga walang sumasanto sa akin dito. Takot lang nila.

Natuon naman ang aking tingin ng pumalibot sa akin sina Stacy at Karla. Ang dalawa kong alalay. Hindi ko sila kaibigan kaya alalay ko lang sila. Kapag nagsawa ako sa mga laruan ko sila ang naghahanap ng bago para sa akin. Kung tutuusin ay maswerte ang dalawang babaeng boba na ito kasi hindi nila nararanasan ang pagiging malupit ko.

LuciérnagasWhere stories live. Discover now